Chapter 2

3 0 0
                                    


She just woke up in her bed ng may headache. Sobrang sakit ng ulo niya kaya hinihilot niya ang kaniyang sintido. Tumatama na ang sikat ng araw mula sa nakabukas niyang bintana. Tinignan niya ang orasan na nakasabit sa dingding,  pasado alas dyes na. Sanay na siyang ganito nagigising tuwing sabado eh syempre rest day naman niya kaya okay lang. Hindi naman laging palagiang nag ba-bar kaya sinulit na niya. OA lang kasi ang pagkakasabi ni Jewel sa kaniya na tuwing sabado niya ito inaayang mag bar. Nagkataoon langna magkakasunod.

Oo nga pala, ang naalala lang niya kagabi ay may lalaking tumulong sa kanila ni Jewel. Pero sino kaya yon? At asan pala si jewel?

Tatayo na sana siya ng biglang may gumalaw sa kanyang tabi at biglang may brasong pumulupot sa kaniyang bewang. Agad siyang kinabahan at kung may anong naisip kaya napatakip siya ng kanyang bibig. Gosh hindi to pwede!!!

Dali dali na siyang napatayo at sinuri ang kanyang sarili. Kinapakapa ang kanyang katawan at napatakip na lamang siyang kanyang bunganga nga mapansin niyang panty at bra lang ang suot niya. Napahalukipkip ang kaniyang mga kamay sa tindi ng kaniyang kabang nararamdaman. Posibleng may nangyari dahil sa kanyang kalasingan kagabi at baka sinamantala iyon ng lalaking kunwaring tutulong sa kanila. No no no way!

Unti-unti siyang pumuhit paharap sa kama at pinipigilan ang kaniyang kaba. Tila nabunutan siya ng isang dangkal na tinik sa kaniyang lalamunan ng makitang si jewel ang nakahiga roon. Buti nalang safe na safe pa ang kanyang petchay. Ang matagal na noyang iniingatan buti at fresh na fresh pa at hindi nalamog ng kung sino man. Kung ano-ano kasing iniisip niya.  Pero bakit panty't bra lang ang suot niya? Ay oo nga pala naalala niya na sa tuwing maiinitan siya kapag nalalasing ay naghuhubad siya.

Nakita niya ang kaniyang mga damit sa lapag kaya pinulot niya ito at agad na nagbihis. Lalapitan sana niya si jewel ng biglang mag ring ang kaniyang cellphone. Hndi niya alam kung nasan ito tinignan niya sa may mesa ay wala, may couch niya ay wala rin pero naririnig niyang tumutunog arin ito. Sinundan niya kung saan ito nagmumula hanggang sa napaluhod na siya sa gilid ng kama ay unti-unti itong niyuko. Nakita niya ang kanyang cellphone sa ilalim ng kama na agad naman niyang kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello." sagot niya na hindi man lang niya sinuri kung sino ang tumawag.

"Hazel, si Jewel kasama mo ba?" Omg! Mama ni Jewel!

"Amh o-oho tita, magkasama po kami." napatngin siya kay jewel na mahimbingna natutulog "Kaso tita tulog pa ho siya."

"Buti naman at tama ang hinala ko, buti at magkasama kayo. Hay nako talaga yang batang yan! Paki gising mo nga hija at sabihin mong umuwi na dahil may bisita siya." 

"Sige ho tita."

"Sige hija pakisabi hihintayin namin siya, bye!"

Pinatay na niyang ang tawag at agad sinunod ang sinabi ni Tita Jesica, mama ni Jewel. Inuga-uga niya ang braso ni Jewel at ilang sandali pang ay nagmulat na siya ng mata.

"Amh, pinapauwi kana ng mommy mo may bisita ka daw." malumanay naman ang kanyang pagkasabi pero bakit agad namilog ang mga mata ni Jewel.

"OMG! Walang hiya talaga yung lalaking yon! Walang hiya sa katawan!" puno ng galit ang boses ni Jewel at siya naman ay napatawa ng very slight lang naman dahil alam na niya kung sino yung bisita niya dahil sa naging reaksyon nito.

"Easy , Jewel, bisita lang naman---"

"Still, he's not invited sa aming bahay. He is not welcome! Argh!" naiinis talaga si jewel. " Sige uuwi na ako baka kung ano-ano pang mga katarantaduhang sabihin non sa mga magulang ko!"

"Malay mo hihingin na pala ng basbas sa mga magulang mo." mapang asar ang kaniyang tinig at ngiti ang kaniyang pinakawalan na lalong nakapagpasalubong ng mga kilay ni Jewel.

Hurt Full LiesWhere stories live. Discover now