NASA may loob siya ng kaniyang opisina pero dinig na dinig parin ni Hazel ang malakas na paghiyaw ng baklang si Ordolfo/ Dolly. Dalawa lang ang ibig sabihin ng paghiyaw ni Dolly, kung nakakita ito ng ipis o di kaya langaw o iba pang mga insektong kinakatakutang nito at ang pero madalas kaya ito sumisigaw ay nakakakita ito ng lalaking gwapo. Tatlong taon narin naman nagtratrabaho si Dolly sa Boutique shop ni Jewel kaya naging close at naging magkakaibigan na sila. Masayahing tao kasi itong si Dolly kaya madali lang itong pakisamahan. Si Dolly ay tatlong kapatid na pinapaaral sa probinsya. At ito lang ang inaasahan ng mga ito kaya todo kung magtrabaho ito.
"Bakla!" Dinig niyang papalapit si Dolly sa kaniya. Pagbukas nito ng pinto nakita niyang may hawak itong isang bouquet ng pink na rosas. Tila kuminang ang kaniyang mga mata ng makita ito. Saan kaya naman nito nakuha ang bulaklak?
"Bakit ka sumisigaw!" Tanong nita rito. Namumula pa ang pisngi nito o baka naman sadyang makapal lang talaga ang make up nito. Madalas ganito ang itsura nito tuwing nakakakita ito ng mga tipo nitong lalaki. Sarap batuhin ng papel tong si Dolly.
"May poging dumating sis!" Tili pa nito. Halatang kinikilig ito na parang teenager. See, pogi lang katapat ng baklang to. Palibhasa puro pogi ang hanap kaya laging pine-perahan. Yun ang laging dahilan nito kay Hazel tuwing nakikipag hiwalay kay Dolly ang nagiging mga jowa nito, na pine-perahan lang daw ito.
Matatawa ba siya o kikiligin din yon ang iniisip niya. "O tapos binigyan ka ng bulaklak?" Tanong niya. "Nako nako! Ikaw Dolly, peperahan ka lang niyan kagaya ni --" babanggitin na sana niya ang pang pitong ex na lalaki ni Dolly pero sumingit ito.
"Hep hep! Wag mong banggitin ang pangalan nung gagong lalaking yon at saka binigay sakin to ni pogi para ibigay sayo!" pagtataray nito. Hinihimas nito ang mga blaklak. Ilang beses ng umiyak 'tong si Dolly sa Kanya dahil lagi itong iniiwan ng mga karelasyon nito. Kapag nakuha na nila ang gusta nila ay iiwaban na nila si Dolly.
Gulat naman siya. Sino naman kayang magbibigay sa kaniya. Si lvan kaya pero kilala na siya ni Dolly at hindi niya ito tatawagin na pogi kasi naiirita ito sa kanya. Tanging si Ivan lang ang alam niyang nagkakagusto't nagpaparamdam sa kaniya.
"Sinong pogi?"
"Hindi ko na nga natanong kung anong pangalan niya kasi nagmamadali. Sayang mukang bagay pa naman kami!" kahit kailan talga, nagiilusyon nanaman si Dolly.
Kumpirmado hindi nga si Ivan ang nagbigay. And She knows if si Ivan ang magbibigay sa kaniya dahil hindi ito mawawalan ng chocolate. Kapag si Ivan ang magbibigay sa kaniya lagi itong may kasamang chocolate. Ivan is a good man. Mabait ito, mayaman, at higit sa lahat gwapo pero kahit anong gawin niya hindi niya ito magustohan. Matagal na niyang pinapaginto si Ivan na ligawan siya pero tukoy parin ito. Naaawa na nga sita rito dahil alam niyang wala siyang maisusukli rito, hindi niya matutumbasan ang pagmamahal na kayang ibigay ni Ivan sa kaniya. The only thing Hazel can do is to be friends, but being friends is nt enough for Ivan. He want more than that.
Sa sinabi palang ni Dolly ay iba na ang tinutukoy nito. Na curious tuloy si Hazel kung sino naman ang tinutukoy ni Dolly. Kung sino man ang lalaking nagbigay nito para sa kanya ay talagang napangiti siya nito. Napaisip tuloy si Hazel ng maalala ang kanilang usapan ng kaniyang mga magulang. At talagang seryoso sila sa bagay na pagpapakasal. Alam naman niyang hindi na rin naman sila bumabata ng kaniyang ate. Tumatanda narin ang kanilang mga magulang at sa sinabi rin ng mga ito sa kanila na gusto na daw nilang magka-apo. And in just two months? Two months? As in? As if finding a man to marry is easy. No, its not. Hindi basta bastang magpakasal and its a big responsibility. Hindi rin basta bastang makakahanap ng mapapangasawa and not just mapapangasawa. Hindi naman ganong babae si Hazel para magpakasal nalang sa lalaking kung sino-sino dyan. Gusto niya rin naman makahanap ng matinong lalaki. At mahirap hanapin yon sa loob lamang ng dalawang buwan.