NAGPUMILIT talaga si Eren na pakiusapan ni Kenneth si Gelan para bigyan siya nito ng invitation card. Kung hindi naman daw niya ito mapakiusapan ay baka may extra pa raw itong card pero sabi naman ni Kenneth na sakto lang talaga ang pinagawa nilang card kaya wala na. Alam niyang hindi siya nito titigilan kaya napilitan nalang siyang kausapin si Gelan na ibigay na ang Invitation card pero nabudol naman siya nitong si Gelan. Sa kaniya tuloy umutang ang gago. Hindi lang bente pesos kundi trenta na. Ang kukuripot talaga ng mga kaibigan nagwa pang mangutang ng trenta pesos eh samantalang minyon milyon ang mga pero ng mga ito. Hindi naman talaga yun utang, hingi nayon kasi hindi naman na nila ibabalik ang inutang nila. Sadyang makakapal lang talaga ng muka nila. Tapos nalaman ni Kenneth na ang inutang na pera ni Gelan sa kanya ay ginamit lang nito para bumili ng lollipop. Mukang tanga talaga. Hindi niya talaga maintindihan ang mga kaibigan, talagang may mga saltik.
Ngayon naman tumunog ang cell phone ni Kenneth. May nagtext rito na kanya namang binasa.
"Magingat ka sa mga galaw mo." galing ito sa isang unknown number. Halos magdikit na ang kaniyang mga kilay. Iniisip sino namang gagong magpapadala ng mensaheng ganito. Ano naman kayang pinupunto nito. Wala naman siyang ginagawang masama. Kung sino man ang nasa likod ng pagbabantang ito wala siyang alam kung sino. Tiim bagang siyang naka tingin sa mismong screen ng cellphone. Nanginginig pa ang kaniyang kamay. Bigla niyang na alala ang anak na baga madamay ito sa pagbabanta ng sino man.
Ito rin ang pangalawang beses na nakatanggap siya ng ganitong mensahe. Yung una ay noong panahong tinatanggi niyang nabuntis niya si Shiela at ayaw niya itong pakasalan. Kaso natakot siya, natakot siya sa ama ni Shiela at baka kung anong gawin nito kapag hindi niya ito pinakasalan at saka ang kaniyang ama ay hindi naman niya kayang suwayin. May kutob din siyang si Meyor Gustav ang nagpadala sa kaniya ng mensahe. Pero sa ngayon hindi niya pwedeng pagdudahan si Meyor dahil bakit naman sana nito gagawin sa kanya. Wala naman......Oh shit! Si shiela, baka nagsumbong ito! Bigla tuloy kinabahan si Kenneth. Ano naman kaya ang maaari nitong gawin sa kaniya. Kailangan talaga niyang magingat.
Napalingin siya sa kaliwang gilid kung saan may roong pintana at kita ang loob. Nakita niya si Shiela at naka ngisi ito na nakatingin sa kaniya. And he's right, it was Shiela. Masamang tingin ang ginanti niya rito. Napakuyom siya ng kamao. Tila gusto nalang niyang ibato ang cellphone niya sa direksyon ni Shiela na ngayon ay parang demonyong naka ngiti. Nakakagalit talaga si Shiela. Lahat nalang ginagawa nito para makuha ang gusto. Alam nitong takot siya sa ama nito kaya niyang siguro ito ginawa.
"Hey!" Napataas kamao nalang siya at muntikan pa niyang masuntok ang kung sino man ang nasa kaniyang likuran dahil sa gulat.
"Fuck you, dude!" sabay tulak ni Kenneth kay Riley. Ito pala ang nasa likuran siya. Kung hindi niya agad napansin na si Riley ito ay baka nagkaroon na ito ng pasa sa muka kung sakaling nasuntok niya ito. Pero ayos lang ito kasalanan naman ni Riley kung nagkataon.
"Thank you!" Riley sounds exaggerated while hugging his own self and toping his shoulder.
Nalangiwi siya sa inawa nitong pagpapacute. "Its not a compliment, dude, and what are you doing here Lieutenant Riley Luthor III ?"
"Nothing." tipid nitong sagot sa kaniya. Tinaasan niya ito ng isang kilay. Tinaas niya ang kamao at susuntuking na sana niya dahil sa walang kwenta nitong sagot pero napigilan ito ni Riley. Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Okay, i need your help but before that i can't talk to you right now and right here in your place because its confidential . Baka mamaya may makarinig satin. Kailangan nating magingat. "
What kind of help Riley's need? It seems he's serious with it. Kung ano man ang tulong na kailangan nito sana lang ay hindi kunektado sa kanyang ama. Hindi niya alam kung bakit kailangan nito ng tulong niya. Hindi naman ito ang unang beses na humingi ito ng tulong sa kaniya pero iba ngayon. May kung anong tulong ang hinihingi ni Riley at saka ayaw nitong may makaalam ng kung ano man ang hihingin nitong tulong galing sa kaniya. Kung ano man 'to tutulong siya sa abot ng kaniyang makakaya.