Chapter 5

1 0 0
                                    

HINDI alam ni Hazel kung ilang minuto niyang hinintay ang kanyang ate nica. Nang lumabas ang kanyang ate mula sa banyo ay halata ang pagkagulat nito na noroon siya. Pansin niya ang namumulang mata ng kanyang ate na sigurado siya galing ito sa matinding pagiyak.

"Z-zel, anong kailangan mo, bakit ka nandito?" habang papalapit si Nica sa kanya.

"Wala naman ,ate. Pansin ko lang kasi bakit ka nagmamadaling pumunta sa kwarto mo at hindi mo man lang ako pinansin. Ate, may problema ka ba?" kadalasan kasi kapag may pinupuntahan ito pagdating nito ay binabati siya kaya nagtataka talaga siya kung bakit kahit tngin ay hindi siya nito binalingan.

"Ikaw talaga!" limapit ito at umupo sa tabi niya sa may kama at ginulo ang kanyang buhok." Syempre wala, napagod lang ako sa trabaho."

Sinungaling! Alam niyang nagsisinungaling ito sa kanya dahil sa sinabi nitong trabaho.

"Ate, don't fool me around. Alam kong may problema ka at saka wala ka kayang trabaho ngayon."

Namuo ang lungkot sa muka ni Nica at Naluha nalang kaya niyakap siya ni Hazel."So--rry....sorry!"

"Don't be sorry, ate. I'm here at pwede mong sabihin ang problema mo." tanging siya lang ang madadamayan ng kanyang ate sa ngayon.

"Okay, hihintayin nalang kita hanggang ready ka nang sabihin sakin. Andito lang ako, its okay just cry on my shoulder." hinahagod niya ang likod ni Nica ito lang ang naisip niyang gawin para lumuwag ang pakiramdam ng kanyang ate.

Nakatulog nalamang si Nica dahil sa kaiiyaka nito kaya iniwan na siya ni Hazel. Hindi na niya ginising si Nica dahil alam naman niyang napagod ito kakaiyak kaya hindi na nito namalayan na nakatulog na. Mag-isa nalang si Hazel na naghapunan dahil busog pa nga raw si Yaya Moring at gayon din ang kanilang driver. Minsan lang silang magkasabay na apat sa hapag, si yaya moring at ang driver nila, si Nica at siya. Matapos niyang kumain ay tinungo nan niya ang kanyang silid at natulog.

KINABIKASAN maaga pang nagising sa kanya ang kanyang ate. Ngayon tutungo sila sa may mall at sabi ng kanyang ate hindi daw makakasama ang iba nilang kaibigan. Si Jewel daw ay ime-meet daw ang secretary ng bagong kliyente, big time client daw kaya hindi pwedeng tanggihan.

"Ano, tara na?" She was holding her pouch and she was wearing a assorted ripped jeans and a white sundo.

"Yeah. Tara na!" parang walang nangyari kagabi dahil sa reaksyon ngayon ni Nica na talagang pinagtataka niya. "Yaya moring, punta na ho kami!"

Sabay silang naglakad ni Nica palabas papunta sa garahe nila. Pansin niyang magiisang linggo ng wala ang sasakyan ng kanya ate. Ano kayang nangyari doon? Kaya sasakyan nalang niya ang ginamit papunta sa mall. Pagtungtong pa lamang nila sa hagdan sa may entrance ng mall ay hinila na siya ng kanyang ate na tila excited talaga ito. Hinayaan nalang niya ang kanyang ate kung saan man gusto nitong puntahan sa loob ng mall.

"Bagay ba sakin?" suot ni Nica ang isang dress. Kahit naman hindi nito tanungin ay maganda parin naman ito.

"Kahit ano namang isuot mo ate bagay sayo." Biro ni Hazel at tinawanan siya ni Nica.

"Halika, pumili ka rin dito para parehas tayo dali! May nakita akong maganda kanina at bagay sayo!" Hinila nalang siya nito at wala nanaman siyang nagawa.

Kung ano anong damit ang pinasukat sa kaniya ng kaniyang kapatid. Hindi naman siya nagrklamo dahil bagay naman sa kanya ang mga damit na pinasukat sa kanya. Kalaunan ay limang dress ang nabili niya para sa kanya at ang ate naman niya ay ganoon din. Sunod naman nilang pinuntahan ang isang BookStore, ito ang paburito niyang parte kung saan gustong gusto niyang bumibili ng mga libro.

Hurt Full LiesWhere stories live. Discover now