NANLILISIK ang mga mata ni Hazel dahil sa galit ng makita si Kenneth. Parang gusto niyang takbuhin ang papalayong si Kenneth pagsusutuntukin hanggang sa magsawa siya. Wala man lang hiyang pumunta dito sa bahay nila pagkatapos ng katarantaduhang ginawa nito. May lakas pa sita ng loob na magpakita sa kanyan, hindi na nahiya.
Iniisip niya kailan pa kaya nakauwi ang gago. Bakit pa kaya umuwi ito siguradong hindi maganda ang dulot nito. Hindi talaga niya inaasahang uuwi si kenneth pagkatapos ngilangtaon. Ngayon sinasabi nitong gusto siyang kausapin nito. Ano pa nga bang dapat nilang pagusapan eh tapos naman na ang lahat. Nasaktan na siya at hindi na siya papayag na masaktan pang muli lalong-lalo kay kenneth.
Tila kahit anong osar ay tutulo na ang luha sa kaniyang mga mata dahil sa galit at sakit na nararamdaman. Ng makita niya si kenneth parang bumalik lahat ng sakit na naramdaman niya noon. Parang bigla nalang muling umusbong. Sumisikip ang kanyang dibdib at tila pinipiga.
"Ate, ang sakit....ang sakit sakit parin...." garalgal ang boses dahil s patuloy na pagiyak.
"Zel, okay lang yan andito si ate para sayo." buti nalang andyan ang ate niya para damayan siya.
"B-bakit ganon, ate. Matagal na panahon na pero ng makita ko ang gagong yon parang lahat bumalik!"
Akala niya nakalimitan na niya ang sakit ng nakaraan pero bakit ganon ang nangyari. Hindi niya alam na ganon parin ang ipekto nito sa kanya.
"Mukang hanggang ngayon may naramdaman kapa sa kaniya kaya ka nasasaktan." napakuot noon siya sa sinabi ng Ate Nica niya.
"Che! Anong pinagsasabi mo hindi ka manlang kilabutan, ate!" Duh matagal ng panahon and for sure wala na siyang nararamdaman para kay kenneth. Pero bakit sita nasasaktan?
"Sus bahala ka dyan. Alam kong nasaktan ka Hazel pero alam ko ring hanggang ngayon hindi mo parin siya nakakalimutan at may nararamdaman ka parin sa kanya."
"Ate, kung meron man akong nararamdaman kundi galit." oo galit na galit siya hanggang ngayon at sa tingin niya hindi na huhupa iyon.
"Eh bakit patuloy ka paring pumupunta at umiinom sa bar tuwing sabado?" hindi niya alam kung bakit ganito ang mga sinasabi ng kanyang ate sa kanya. Parati nalang nitong pinagpipilitang may gusto pa sya kay Kenneth. "Kasi araw doon ng sabado ng malaman mong nakabuntis si Kenneth. Natandaan ko pa nga ang sinabi mong isusumpa mo ang araw ng sabado."
Tama ang narinig niya binanggit nito ang nakakainis na sinabi niya noong malaman niya ang lahat ng ginawa ni kenneth. Sinamahan siyang maglasing ng kanyang ate at mga kaibigan at doon ay nagsisisigaw siya at sinabing kinamumuhian niya ang araw ng sabado at isusumpa niyang maglalasing siya tuwing sabado. Nagdaan ang araw ay nakalimutan niya kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit siya umiinom ng alak tuwing sabado. Inisip nalang niyang dahil sa stress siya sa kanyang trabaho at yon na din ang lagi niya sinasabi sa kaniyang mga kaibigan. Pero ngayon pinaalala sa kanya mula ng kanyang ate.
"Sa ginagawa mong yan sa tingin mo sinong mahihirapan? Diba ikaw rin naman. Patuloy mo nalang sinasaktan ang sarili mo dahil sa tuwing nalalasing ka lagi mo nalang binabanggit ang pangalan ni kenneth at nauuwi lang ito sa pagiyak mo. Magigising kanalang na parang nangyari dahil sa kalasingan mo hindi mo na matandaan. Zel, alam din ng mga kaibigan natin ang nangyayari sayo tuwing lasing ka pero hindi lang namin sinasabi dahil baka lalo kang masaktan." hindi siya makapaniwala sa mga binunyag ng kanyang ate. Akala niya tuwing malaasing siya pagkagising niya namamaga ang mga mata niya dahil sa sobrang tulog nito pero ngayon hindi pala yon ang dahilan. "Naaawa na ako sayo at bilang ate mo hinihiling ko na sana itigil mo na ang paginom, please...Ngayong andito na sila mula sa pilipinas kailangan mo na silang harapin. Ipakita mo na hindi kana nasasaktan sa nangyari noon. H'wag mong pahirapan ang sarili mo , Zel, at h'wag mo ng ikulong ang sarili mo sa nakaraan."