Sevi is my boybestfriend. Limang taon na kaming magkaibigan at sa limang taon na 'yon, walang na fall saamin. And we were happy about that dahil totoo kaming magkaibigan."Mayumi, anong tingin mo kay Via?" Tanong ni Sevi at ipinakita saakin ang litrato ni Via.
"Ahm..ayos naman. Bakit, nililigawan mo?" Tanong ko.
Tumango ito ang nagsimula nang mag kwento.
"Ewan ko nga ba, ang gaan ng loob ko sakan'ya. Patay na patay na 'ata ako, eh."
Hinawakan nito ang kamay ko at niyakap ako.
"Tulungan mo naman ako, oh. Idaan mo ako sakan'ya," panunuyo nito saakin.
Hay. Sige na nga, malakas 'to saakin, eh. Pumayag na lamang ako at naging tulay sakanila.
—
Buwan na ang lumipas simula nang ligawan ni Sevi si Via at ako—masaya para sakanila.
"Anak, may naghahanap sa'yo sa baba," saad ni mama pagkapasok sa kwarto ko.
Nag-ayos ako at bumaba na 'saka tuluyang nakita si Via na maayos na nakaupo. Nilapitan ko ito at nginitian, ano kayang ginagawa nito dito?
"Uh—can I talk to you?" Tinitigan ko muna ito bago tumango.
"Sasagutin ko na kasi si Sevi at..hindi ko 'yon magagawa kung nakasabit ka pa sakan'ya."
Tinaasan ko ito ng kilay. Anong ibig niyang sabihin? Pinapalayo niya ba ako kay Sevi?
"P'wede bang lumayo ka na sakan'ya? Every time kasi na nakapaligid ka sakan'ya, I felt jealous. Oo, alam kong mag bestfriend kayo but—hindi mo maiiwasan ang one sided love. Paano na lang kung mahal mo siya," dagdag pa nito.
—
After ng pag-uusap namin ni Via, kinausap ko na si Sevi tungkol sa mga sinabi saakin ng soon-to-be-girlfirend niya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulo.
"Alam kong gustong-gusto mo si Via and you can't afford to lose her. But still—choose me. I'm your girlbestfriend, kilalang-kilala na kita."
Umiling ito ng umiling. The fuck! Just pick me, Sevi!
"Sorry, Mayumi. Sobrang mahal ko si Via kaya siya ang pinipili ko. I'm so sorry, but we're still friends, right?"
Yumuko ako at iniwasang 'wag ipakita sakan'ya na umiiyak na ako. I cleared my throat before uttering a word.
"Y-yeah. J-just comeback to me if she broke you."
Life is so unfair. Why did he pick Via instead of me? Leik, I'm his girlbestfriend for almost a year and yet—ipagpapalit niya lang ako sa ilang buwan niya pa lang kilala.
Your cute author😊
binibining micah writes/micah montefalco 😊✍️
YOU ARE READING
ONE SHOT STORY
Short StoryHi everyone im back it's been a long time since I opened wattpad because I'm busy with my rp account but I will write again and I hope you will support me ha thank you guys:-(^_-)