" Oy! Nandito na 'yung crush mo Sis Shackyra," kilig na sabi sa 'kin ng kaibigan ko na si Berna.Taray di ba? S'ya ang kinilig imbes na ako dapat ang kiligin dahil kay crush.
Berna is my best friend since elementary.
Kaya kung ganoon na lang kalaki ang tiwala ko sa kan'ya." Sa'n?" tanong ko rito.
" Malabo na ba ang mga mata mo Sis Shackyra? At 'di mo makita si Ivan na crush mo."
" Baliw ka ba? Pwede ba hinaan mo lang ang boses mo at baka marinig ka n'ya." pataray na bulong ko rito.
Si Ivan lang naman 'yung crush ko na super lambutin. Pero h'wag kayo ang pogi n'ya at super talino pa.
" D'yan ka lang Sis Berna,"
" At bakit naman? Ano ang gagawin mo?" takang tanong nito sa 'kin.
" Lalapitan ko lang si crush." kilig na sagot ko rito.
Habang papalapit ako kay Ivan ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Tila ba gusto ng kumawala ng aking puso.
Sa oras ng mga sandaling ito ay wala na 'ko sa katinuan. Dahil ang tanging laman lang ng isip ko ay si Ivan at pati na rin ang puso ko ay s'ya ang tinitibok nito.
" Hi! Ivan," panimula ko rito.
" Hello." na hindi manlang magawang tapunan ako ng tingin.
" Tahimik mo ano? May problema ka ba?" tanong ko rito.
Ewan ko ba sa tuwing kakausapin ko s'ya, wala na akong maitanong na matino.
" Ok lang naman ako, ikaw ba?" baling nito sa 'kin."
" Hindi ok." sagot ko rito.
" Bakit naman?"
" Kase 'yung puso ko nawawala." habang kilig na sabi ko sa kan'ya
" Pinagsasabi mo? Baliw ka na talaga."
" Oo, tama ka nabaliw na 'ko dahil sa 'yo."
" Sana all." sabi nito.
" Oy! Pa'no 'yung heart ko nawawala. Hanapin mo naman Ivan. Baka kaya nawawala ay dahil napunta sa 'yo." kilig ko na naman na sabi rito.
" Ewan ko sa 'yo Sis kakadiri ka." sabay taray nito sa 'kin.
" HOY BAKLA! Wag kang ganan. Dapat nga masaya ka dahil may nagkakagusto sa 'yo na babaeng tulad ko na kahit alam ko na barbie ka." sabi ko rito na sinabayan ko ng pagpapa cute.
Pagkasabi ko no'n ay laking gulat ko.
'Wow! first time mamumula ni crush. Finally mapapabago ko na siguro s'ya.' bulong ko sa sarili ko.
" Ayieeee kinikilig s'ya." muling sabi ko.
" Hindi kaya." na naiwas ng tingin.
" Bahala ka nga maghahanap na 'ko ng bagong crush 'yung kayang icrushback ako." pataray na sabi ko rito sabay talikod ngunit biglang pinigilan ako nito.
" Sandali lang Shackyra," biglang nagbago ang boses nito na kinagulat ko.
'' At bakit naman?" baling ko rito.
" Kahit na bakla ako, nagustuhan din kita." kinikilig na sabi nito.
" Talaga?"
" Oo, gusto mo tayo na? Kahit lambutin ako kaya kitang mahalin at alagaan." seryusong sabi nito.
Pumayag naman ako sa sinabi n'ya.
Kahit na speed ok lang mahal ko s'ya eh.
Walang ng makakapigil sa 'min.
"Finally! May jowa na 'ko at walang iba kundi si Ivan na lambutin." sigaw ko sa loob ng classroom namin.
At ang mga kaklase ko naman ay 'di makapaniwala sa sinabi ko.
Wow! First of all 'di ako sinungaling ano.
Babush pakasal na kami ng bebe ko.
---- 𝗧𝗛𝗘 𝗘𝗡𝗗 ----
𝗕𝘆: binibining micah writes
PLAGIARISM IS A CRIME!!!
YOU ARE READING
ONE SHOT STORY
Cerita PendekHi everyone im back it's been a long time since I opened wattpad because I'm busy with my rp account but I will write again and I hope you will support me ha thank you guys:-(^_-)