Ang mga lalaki kayang tiisin lahat ng sakit para lang sa taong mahal nila, pero may damdamin din sila, nakakaramdam din sila ng sakit pero 'di nila 'yun pinapakita sa iba dahil ayaw nila nag mumukang mahina.
"Ba't ang tagal mo? 'di mo ba naisip na nag hihintay ako dito?" sigaw nito agad sa'kin pag dating ko.
"Sorry, Babe. may pinagawa kase sa'kin si Mama, tara alis na tayo." hahawakan ko na sana ang kamay nito pero tinabig n'ya 'yun at naunang nag lakad.
"Hindi mo manlang naisip na nag hihintay ako dito!" sigaw nito, tumungo nalang ako dahil pinag titinginan na kami.
Ganto ba talaga ang mga babae? kung tutuosin may kababawan ang mga babae, kahit simpleng bagay lang 'yun big deal na'yun.
- - -
"Ano ba Justine, pinag hirapan ko 'to tapos masisira mo lang? bwisit naman eh." sigaw nito sa'kin agad, nabasa kase ng kape 'yung painting na ginawa n'ya kagabi.
"Kung tinabi mo 'yan at nilagay sa 'di mababasa, edi sana hindi 'yan nasira." sagot ko dito at umupo sa sofa.
"Kung tinitignan mo lang ang ginagawa mo edi sana hindi 'yan nabasa ng kape mo!" galit nitong sigaw sa'kin napahilamos nalang ako ng muka, at lumabas sa bahay wala rin naman mag yayare kung sasabayan ko pa s'ya.
Ba't ganto? kunting kibit lagi nalang naka sigaw na agad, kung pwede naman idaan sa mabuting usapan diba? pero 'di eh.
- - -
"Babe sorry naman, 'di ko naman sinasadya eh." kahit ang totoo ikaw ang may kasalanan.
"Sarili mong gamit at alam mong importante 'yan edi sana tinabi mo." sabi nito at umirap, ako pa talaga may kasalanan?
"Ang tanga mo, paano na'yan kailangan mo na 'yan sa trabaho mo tapos 'di mo pa iningatan, bobo!" nag pantig ang tenga ko dahil sinabi nito kaya hinagis ko ang hawak kong baso.
"Alam mo Klaire, naririndi na'ko sa mga pag sigaw mo, sa pag sisi mo sa'kin, lagi nalang ba ganto? tao din ako na nakakaramdam, 'di sa lahat ng oras kaya kong tiisin ang sakit na binibigay mo. H-hindi porket 'di ako nag sasalita sige ka lang ng sige, tumatahimik ako dahil ayuko lumala ang gulo natin." nanginging ang boses ko habang naka tingin sa kan'ya.
"K-klaire nasasaktan din ako, kung lalaki ka lang edi sana naiintindihan mo'ko, hindi ako kasing tigas ng bakal para 'di makaramdam ng sakit! I'm not a perfect man, Klaire. Hindi madaling maging lalaki alam mo ba 'yun? kase para sa'nyo malakas kami, wala kaming nararamdamg sakit, pero mali kayo! nasasaktan din kami pero 'di namin 'yun pinapakita sa harap n'yo. Pero sana wag n'yo 'yun abusohin." hindi ko na kayanan ang sakit, napaiyak na'ko sa harap ng babaeng mahal ko, napaluhod sa harap n'ya dahil sa sakit.
"H-hindi ako perpekto para tiisin lahat ng sakit." ramdam ko ang pag yakap n'ya sa'kin.
"Patawarin mo'ko, Justine. I'm sorry."
Kailangan namin maging malakas sa mata n'yong mga babae, dahil nga lalaki kami dapat ipakita namin 'yun sa'nyo, Na kaya namin kayong ipagtanggol at iparamdam na ligtas kayo.
Pero 'di kami robot o bato para 'di makaramdam ng sakit, hindi kami kumikibo dahil tinitiis namin 'yung sakit. kung lalaki lang kayo, maiintindihan n'yo na hindi madaling maging lalaki na uunawa sa mga ugali n'yo na minsan nakakasakit na.
THE END
- PLAGIARISM IS A CRIME -
BY MICAH MONTEFALCO
YOU ARE READING
ONE SHOT STORY
Kort verhaalHi everyone im back it's been a long time since I opened wattpad because I'm busy with my rp account but I will write again and I hope you will support me ha thank you guys:-(^_-)