Nakangiti ako ngayon habang pinagmamasdan ang bulaklak na hawak ko. Sa gilid nito ay mayroong maliit na papel na may nakasulat na ‘Hi’.Para na akong tanga dito dahil pinag-iisipan ko pa kung ibibigay ko ba ito sakanya, sobrang nahihiya pa ako kaya pinabigay ko nalang sa katrabaho ko.
“Uhm bro, pasuyo naman oh. Paki bigay naman itong bulaklak dun sa babaeng nakaupo malapit sa counter” saka ko nginitian ang katrabaho ko.
Papunta na siya ngayon kay Bea upang i-abot ang bulaklak na pinabibigay ko.
Kinakabahan ako kahit hindi naman ako ang magaabot, pero dahil sakin iyon nanggaling ay kinakabahan parin ako.
Pagkaabot niya ng bulaklak kay Bea ay agad naman ako nitong tiningnan kaya kinawayan ko nalamang siya saka nginitian.
Papalapit na siya sakin ngayon at sa paglapit niya ay agad niya akong sinampal
“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi kita gusto?!” Nangigil niya itong sinabi sakin.
“Hindi naman ako humihingi ng kapalit. Masaya lang ako pag binibigyan kita ng isang simpleng bulaklak” saka ko siya nginitian. Hindi ko pinakita sakanya ang sakit na dulot ng mga sinabi niya kanina.
“Alam mo bang itinatapon ko lang naman ang mga ibinibigay mo sakin? Kaya pwede ba? Tigilan mo na ako! Hindi kita gusto at hinding hindi kita magugustuhan” pagkasabi niya non ay agad niya akong tinalikuran. Tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan pero agad ko rin itong pinunasan.
Siya si Bea ang babaeng iniibig ko at alam kong hindi niya ako gusto pero pinagpipilitan ko parin ang sarili ko sakanya.
Pati mga kaibigan ko ay sinasabing maghanap nalang ako ng iba, pero hindi ko kaya. Mahal ko talaga siya.
Palagi ko siyang binibigyan ng sulat at bulaklak. Masakit man makitang tinatapon niya lang ito sa basurahan ay pinagpatuloy ko parin ang pagbibigay ko sakanya ng mga ito.
Pauwi na ako ng makita ko siya kaya naman agad ko siyang nilapitan.
“Hi Bea! San ka galing? Bakit mag-isa ka lang?” Nakangiti ko itong sinabi sakanya. Mayroon akong hawak na bulaklak nakatago sa likod ko at plano ko itong ibigay sakanya.
“It’s none of your business! Tsk. pwede ba lumayo ka nga sakin!” Dinalian niya ang paglalakad pero patuloy ko parin siyang sinusundan.
Sa paglalakad namin ay isang lalaking naka itim ang sumalubong sakanya, agad nitong hinablot ang bag niya kaya nataranta ako at agad hinabol ang lalaki
Nang makuha ko ang bag ay agad ko itong ibinigay kay Bea at hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.
“S-salamat Dave” umalis na siya pagkasabi non at sobrang saya naman ang naramdaman ko dahil natulungan ko siya
Matapos ng araw na yon ay hindi niya na ako tinarayan pa, tinatanggap niya na rin ang mga bulaklak at sulat na ibinibigay ko sakanya.
Ngunit nawawalan na ako ng pag-asa lalo na ng makita ko ang lalaking nagbigay sakanya ng bulaklak at tsokolate.
Yung mga ngiti niya habang kaharap niya ang lalaking yon, ni-hindi niya ako nagawang ngitian ng ganon.
Napangiti naman ako ng mapakla saka tumalikod. Naririnig ko pa ang pagtawag niya saakin pero hindi ko nalang ito pinansin.
“Daveeeee!” Saka lang ako napahinto ng tawagin niya ang pangalan ko ng pagkalakas lakas, saka ko napagtanto na nasa gitna na pala ako ng kalsada at may paparating ng sasakyan. Hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko sa sobrang gulat.
“Daveeeeeee!”
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko at sa pagtawag ni Bea. Nasa ambulansiya kami ngayon at nararamdaman ko pa ang sakit ng katawan ko.
“Dave! Hold on! We’ll bring you to the hospital! Please! Don’t close your eyes”
“B-bea”
“Dave please! I love you! Don’t die, The time na tinulungan mo ako mas napagtanto ko na mahal talaga kita! Hindi ko lang maamin sa sarili ko, Dave! Please!”
Napangiti ako sa sinabi niya. Mahal niya rin pala ako.
“B-bea I-I’m happy to k-know t-that you love me too p-pero hindi ko na k-kaya. Sana nagkasama pa tayo ng m-matagal. Tatandaan mo na...mahal na m-mahal kita” Hirap na hirap kong sabihin ang mga salitang yun dahil nanghihina na ako ng sobra. Unti unting dumilim ang paningin ko naluha nalang ako at tuluyan ng nalagutan ng hininga..
✎:binibining micah writes/micah montefalco
😊✍️
YOU ARE READING
ONE SHOT STORY
Historia CortaHi everyone im back it's been a long time since I opened wattpad because I'm busy with my rp account but I will write again and I hope you will support me ha thank you guys:-(^_-)