Prologue

255 15 2
                                    


Zoe's POV

Ang mukha niya..

Ang kamay niya..

Ang amoy niya..

Ang boses niya..

Ang buong siya...

Lahat yon miss na miss ko na.

Ang realidad na gumising sa umaga na hindi ko na siya makakasama kahit kailan ay isa sa mga bagay na masakit.

Ang malaman na hinding hindi ko na siya makakasama kahit kailan ay mas masakit.

Pero any mawala siya nang dahil sakin ang pinakamasakit.

Sa oras na to nararamdaman ko lang ang panghihinayang na nabuhay ako. Na nandito ako at nagiisip ngayon sa kanya.

Na malungkot..

Na umiiyak.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Gusto kong sumigaw at magwala.

Gusto kong saktan ang sarili ko..

Gusto ko nalang ding mamatay.

"Wakey wakey Love. Time to school.."

Tumulong muli ang luha ko nang marinig ko ang boses niya.

Niyakap ko ng mahigpit ang ilamg damit niya na nakakalat sa kama niya.

Wala akong magawa.. Wala akong gustong gawin..

Gusto ko lang makita siya at mayakap.

Marinig ang boses niya at sabihing okay lang siya.

"Come here and let's sleep Zoe."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko.

Ayoko siyang kalimutan pero nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko siya.

"Miss na miss na kita.. Miss na miss na kita.."

Ni hindi ko mabanggit ang pangalan niya dahil baka makaramdam nanaman ako nang sobrang sakit.

Hindi ko alam kung ilang araw na ba o ilang linggo o buwan na kong nandito.

Feeling ko kasi taon na.. Ilang taon na simula nang mawala siya.

Sobrang tagal na.. At sobrang sakit na..

Natatakot ako na baka makalimutan ko ang mukha niya, ang boses niya at ang amoy niya.

Ayoko.. Hindi ko kaya.

Psycho...or not? (SiP Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon