Lavenn, Ytterna
June 10, 2113"NEOUI keonbeoseuhaie kkochyeonna bwa byeol su eomna bwa naneun wo", a girl with a wavy shoulder-length hair seemed to enjoy decorating a two tier cake as she sung the song playing through her earphones.
The girl was alone in the kitchen of a huge modern Victorian mansion pero hindi niya ramdam na mag-isa siya dahil sa binibigay na saya ng kantang pinapakinggan niya. Patuloy lang siya sa pagkanta at minsan ay sumasayaw pa habang sumasabay sa bawat ritmo ng kantang iyon.
Inilagay na niya ang dalawang kandila na hugis 1 at 8 sa itaas na bahagi ng cake niya na kulay white at purple. Lumabas ang matatamis na ngiti nito habang pinagmamasdan ang cake na ginawa para sa sarili.
"Ma'am nandiyan na po ang Daddy niyo", saad ng isang matandang kasambahay sa kanya.
She removed the apron she was wearing and the earphones tucked in her ears. Itinago na niya ang earphones at cellphone sa bulsa. Itinali na rin niya ang kanina ay nakalugay na buhok at inayos ang suot na long sleeves chiffon dress na hanggang tuhod.
Binuhat na niya ang cake na nasa kitchen counter at nakangiting dinala ito sa dining area. Inilagay niya ito sa pinakagitna ng mahaba nilang dining table kasama ang iba't ibang putahe tulad ng honey garlic salmon, curry chicken sliders, broiled lobster tail ngunit ang pinakamarami ay ang italian baked pasta na paborito niya.
Isang seryosong lalaki ang lumapit sa dining area at sinalubong ng babae habang ang mga kasambahay nila ay nasa gilid lamang.
"Dad, akala ko hindi ka na makakarating", wika ng babae na anak ng lalaking dumating at bumeso sa ama nito ngunit hindi man lamang ito ngumiti sa anak.
"What's all of this? Why there's a cake?", pagtataas ng boses nito.
"Dad, I thought we could celebrate my 18th birthday kahit simple lang kaya nagluto ako. Ako ang naglu---"
"Is that the reason why you lost to a Monteo?", pagtatas ng boses nito ngunit napakunot lamang ang noo ng babae.
"What?"
"Ah so hindi mo alam?", nakapamulsa itong naglakad sa paligid ng dining area and the whole dining area fell into a scary atmosphere.
"Remember the debate competition where you lost?", pagtatanong ng ama dahilan para mapayuko ang anak niya.
"Isang Monteo ang nakalaban mo at hindi mo alam?", dagdag ng ama at nanlaki ang mga mata ng anak niya sa gulat.
"Dad, hindi ko alam! Kung alam ko---"
"But you didn't! When will you understand everything? Lose to anyone except a Monteo! Hindi mo man lang nalaman na isang Monteo ang kalaban mo? Anong pinagkakaabalahan mo? Ito?", galit na wika ng ama at itinuro ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Army of 2113 (COMPLETED)
Short StoryOne century has passed since the world witnessed the formation of the legendary South Korean boy group BTS, also known as Bangtan Sonyeondan when the song Whalien 52 unexpectedly appeared in Millicent's nightmare. She started to believe that her mys...