DAY 5

53 2 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


tw // self-harm




Lavenn, Ytterna
June 11, 2113


🕛🕕🕛

May 28, 2016

"MORREA will rise again", Vera Morrea's father, Verdon Morrea asserted while their political allies cheered para sa muling pagbangon ng pamilya Morrea sa larangan ng politika.

Sa isang private beach resort ng Morrea family nagtipon-tipon ang mga kaalyansa ng pamilya tulad ng mga kilalang political families ng Ytterna, ang pamilya Alzona, Deviega, Ferrano at Montillano and their loyalty belongs to Morrea, the longest-serving political family of Ytterna. Naroon din ang pamilya Austria at Dela Llanez na parehas kilala sa mundo ng negosyo. These well-known families have their high hopes to become more influential and dominate the society after Verdon Morrea announced the presidency plan, the plan that prospered Ytterna but ruined Vera's life.

Sa kabila ng kasiyahan ng mga taong ito ay ang isang 17-year-old na babaeng pagod na sa mundong kinabibilangan niya. She's tired of being in the world of politics. She's tired being a Morrea.

AUGUST 7, 1998 was the birth of Vera Dionne Felez - Morrea but that day was also said to be the famous Fall of Morrea in the world of politics dahil sa araw din na ito nasira ang reputasyong iniingatan ng pamilya sa loob ng ilang dekada. Apat mula sa pamilya Morrea ang nasangkot sa patong-patong na plunder cases at kabilang dito ang ama ni Vera na si Verdon Morrea na noon ay isang presidential candidate.

Was it a coincidence?

Two months before the election, evidences and witnesses against the family shocked the whole Ytterna na nagresulta sa kabi-kabilang batikos sa kanila. Maging ang malakas na laban sana ni Verdon sa pagkapangulo ay naglaho ng parang bula kaya wala itong nagawa kung hindi ang umatras sa eleksyon. Ang obligasyon ni Verdon bilang panganay na lalaking magdadala ng karangalan para sa pamilya ay hindi na naisakatuparan pa ngunit labas sa usaping politika, hindi rin nagampanan ni Verdon ang obligasyon niya bilang ama ni Vera.

Sa araw mismo nang ipanganak ni Denise Felez - Morrea ang sanggol na si Vera ay wala na agad sa tabi nito ang ama. Her father was summoned for an investigation kasama pa ang lolo niya na si Victorio Morrea, her auntie Vanessa Morrea and her father's cousin Antonio Emmanuel Morrea - Austria. The whole Morrea family was in chaos that time kaya simula pa lamang ay hindi na nakitaan ng pagmamahal si Verdon para sa anak.

Alam ni Denise na may kinakaharap na problema ang asawa at angkan nito ngunit hindi niya kayang makita na itinuturing na malas sa pamilya ang kaisa-isa niyang anak dahil lamang sa nagkataong ipinanganak niya ito kung kailan nasira ang reputasyon ng Morrea. Alam din niyang kahit kailan ay hindi matatanggap ng pamilya Morrea si Vera dahil anak niya ito, siya na isang Felez na kaalyansa naman ng pamilya Monteo, ang pinakamatinding kalaban ng Morrea.

Army of 2113 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon