DWASI: CHAPTER 1 storm chaser

10 6 0
                                    

" look, ang storm chaser na oh wahhhh "

" Oh my ggg ang gwagwapo nilaaaa "

" Holy shit they are so hot like hell "

" Wahhhhhh "

" Anakan moko Jakeeeee "

" Pakasalan mokooo kierrr "

" Ang hot mo talaga Jimuel "

" Manuelllll "

" Jungggggggg goo junggg "

" Sammmm urghhhh "

" Nathannnnnnnnnnn "

Ang ingay ng mga tao ngayon sa school pinalabas na naman kase ang concert ng isa sa sikat na boy group ang storm chaser. Kahit paulit ulit na naming napanood yan hindi parin nakaka sawa panoodin.

Nandito kami ngayon sa cafeteria kumakain pero hindi makakain kase na didistract kami sa malaking tv na pinapalabas ang concert ng storm chaser , sobrang ingay sa cafeteria iritan ng babae , bading maski lalaki at tibo hinahangaan ang storm chaser, isa din ako sa taga hanga nila gwapo silang lahat at pare parehas May mga talento pag dating sa rap , sa pag kanta pati sa sayaw , aakalain mo na isa sila sa mga God's at goddesses dahil sa taglay nilang anyong hitsura.

" Grabe ang gwapo talaga ng mga yan walang kupas hays " nag buntong hiningang sabi ni Beatrice habang kumakain ng sandwich

Patuloy sya sa pag kain ng sandwich habang Naka halumbaba at nanonood sa malaking tv na nasa harap namin

" Sinabi mopa swerte ng magiging girlfriend ng mga iyan " - Fiona

Nandito kami sa isang lamesa mag kakasamang apat kumakain ng lunch namin,

" Sa tingin nyo babalik pa kaya si Jake dito sa school? " Tanong naman ng isa ko pang kaibigan na si Zia

" Ano sa tingin mo yanna? "

Tanong sakin ni Beatrice

" Abuh malay ko hindi ko alam "

" Paanong hindi mo alam? Mag kapit bahay lang kayo diba ? "

Agad ko naman hinampas si Zia mahirap na baka May makarinig pa
Pag ka guluhan pako

" Ay sorry " sabi ni Zia sabay takip sa bibig nya

" Hindi naman kase sya nauwi sa kanila na eh tska juskoo 3 years narin din nung last na kita namin "

" Astig yanna noh dati kaibigan mo lang si Jake tapos ngayon isa na sya sa pinaka sikat sa buong bansa, naaalala kapa kaya nya? " - Fiona

Nag kibit balikat nalamang ako.

Yeah mag kapit bahay lang kami sa isang exclusive villa, yung parents nya ay kaibigan din ng parents ko at close ko yung family nya parati nga ako nandoon sa kanila eh kapag wala akong kasama sa bahay

Dati mag kaibigan kami ni Jake as in mag kaibigan Sanggang dikit hindi mo mapag hihiwalay, pero tingnan mo naman ngayon isa na sya sa sikat sa buong bansa, kumikita narin sya ng sarili nyang pera , at marahil nag oonline class nalang din yan eh dahil sa sobrang busy ng schedule nya. 3 years na yang hindi umuuwi sa bahay nila mag fo- 4 years narin actually , maski sina tita hindi sya masyadong nakakausap kase sa sobrang busy ni jake.

Baka nga hindi narin ako kilala nyan eh ganon naman kapag sikat na nakaka limot na sa pinanggalingan , noon pa man mayaman na yang si Jake , nagulat na nga lang ako dati eh na nag audition pala sya sa isang pinaka malaking entertainment sa buong bansa at naging isa syang trainees doon at ayan nga nag bunga na ang kanyang hirap at pagod unti unti na syang sumisikat 2 years ago nag debut ang grupo nila sa 2 years nayun bigla silang sikat dahil nga sa mga gwapo, mga talentado at mababait din silang pito.

DESTINED WITH A STAR IDOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon