Unang Kabanata

149 16 26
                                    

Isang daan at tatlumpu't limang taon na ang nakakaraan ng maganap ang isang madugong labanan sa bayan ng La Cuesta, matapos lusubin ng mga mananakop na manlalakbay ang kanilang bayan. Itinuring ng mga pahayagan ito bilang isa sa mga pinakamadugong digmaan sa kasaysayan. Matapos mapaslang ang lahat ng mga mamamayan dito, makaraan ang ilang taon ay hindi na muling nakita pa ang bayan at tuluyan na itong naglaho sa mapa ng Pilipinas at hindi na muling nakita pa hanggang ngayon.

Isinara ko ang hawak na diyaryo at inilagay iyon sa ibabaw ng lameseta, nagsasaliksik ako upang maghanap ng mga lugar na maaaring puntahan at mukhang wala namang naitulong yung diyaryo saakin. Pero ang tanga ko rin sa part na sa diyaro ako naghahanap. Hays makapagtimpla na nga lang ng kape para bumalik naman sa tama ang pag iisip ko.

Pagkarating sa kusina narinig ko ang isang katok mula sa pinto, ano ba yan kapeng-kape na ako saka naman may mambubulabog, napahilamos na lang ako sa mukha ko at inis na naglakad patungo sa pinto. Pag bukas ko tumambad saakin ang mukha ni George, kung alam ko lang na siya ang kumakatok sana mas inuna ko nalang itimpla yung kape ko.

"Hindi mo 'ko papapasukin?" saad niya sabay ngisi ng nang-aasar
"Tumuloy ka na, para namang may choice ako" sagot ko sakanya at tinalikuran na ito. Narinig kong isinara nito ang pinto at lumundag paupo sa sofa, siya si George ang katrabaho kong gago na walang ibang ginawa kundi ang bwisitin ako araw-araw. Makita ko palang ang mukha niyan naaasar na ako, isabay mo pa yung ngisi niyang nakakaloko pero kahit ganyan yan kaibigan ko iyan, hindi ko nga alam kung paano nangyari iyon e. "Pakape ka naman brad!" rinig kong sigaw niya mula sa sala, pwede kayang asido nalang ipainom ko rito?

Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa na parang isang haring naka upo sa trono niya habang hawak yung diyaryong binabasa ko kanina, ibinaba niya iyon ng maramdamang papalapit ako. "Ikaw ah, may interes ka pala sa kasaysayan HAHAHAHA" saad niya sabay tawa ng pang-asar "e kung ibuhos ko kaya sayo tong kape" pananakot ko sakanya at akmang ibubuhos sakanya yung kape, agad itong umilag "chill! Easy ka lang!" sabi niya sabay kuha saakin ng kape. Umupo ako sa upuan katapat niya "nakapag file na ako ng one month leave nung isang linggo. Natapos ko na rin yung reports na kailangan, dalhin mo nalang sa office bukas" utos ko sakanya, humigop muna ito ng kape bago sumagot "saan ka naman pala mag t-travel ngayon? Ibang bansa? Itutuloy mo na yung Japan? Parangap mo marating yun dati pa diba?" sunod-sunod na tanong niya, mahilig ako mag lakbay at nasa limang bansa na ang napuntahan ko. Pangarap ko kasing libutin ang buong mundo bago ako mamatay "hindi. Sa Pilipinas muna ako ngayon, marami pa kasi akong hindi napupuntahan rito sa bansa natin" gusto kong marating ang pinakasulok-sulukan ng Pilipinas "hmm sige ingat ka nalang, malay mo dun mo na matagpuan forever mo. Magpagwapo ka, ampanget mo" pang-aasar niya "ulol! Hindi ako nag hahanap ng babae" sagot ko sakanya, wala sa priority ko ang pag-ibig. Gusto ko lang mag travel habang-buhay. At hindi rin ako naniniwala sa pag-ibig na yan, maraming nababaliw diyan.

Kasalukuyan akong nanonood ng travel vlog ng isang sikat na youtuber upang makapag hanap ng mga ideas. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng mag ring ang phone ko, tinignan ko ang caller ID at nakitang si mommy ang tumatawag. Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ito, ngunit sinagot ko rin naman kalaunan.

"Hello?" rinig kong tawag niya mula sa kabilang linya
"Bakit po kayo napatawag?" pabalik na tanong ko
"Atlas, Naikwento saakin ni George na nag file ka raw ng one month leave sa trabaho, kung pwede sanang umuwi ka rito. Miss ka na namin ng daddy mo" saad ni mommy
"Nakapag-booked na po ako ng ticket, bukas na ang flight ko" pagsisinungaling ko, hindi pa ako handang makita sila.
"Anak, kaarawan ko na sa susunod na linggo. At ito lang ang hiling ko sayo, ang mabuo tayo sa kaarawan ko" pakiusap ni mommy saakin, mahahalata sa boses niya na umiiyak siya. Ilang taon na rin kasi noong huling beses kaming nag kita, dito na kasi ako nag kolehiyo sa Maynila at simula noon hindi pa kaming muling nagkita-kita. Napa buntong-hininga ako, siguro nga panahon na para umuwi. Ituturing ko na lang itong isang bakasyon.
"Sige po, uuwi ako" malamig na tugon ko sabay baba ng telepono

La Cuesta Where stories live. Discover now