"Ginoo?" natauhan ako ng magsalita muli si manong kutsero
"Ginoo, sumakay ka na ho ihahatid kita sa iyong paroroonan. Base ho kasi sa iyong kasuotan mukhang nabibilang ka sa antas ng mga maharlika. At mukhang kabababa mo lamang din ng barko kaya nakatitiyak akong pagod ka mula sa iyong biyahe" sabi ni manong kutsero. Ano mukha raw akong maharlika? Diba iyon yung mga mayayaman? Tiningnan ko ang suot ko.
T-shirt, pantalon at rubber shoes lang naman ang suot ko nakakayaman na ba ang rubber shoes? Kung sabagay mahal naman talaga itong rubber shoes ko at alam ko namang pang mayaman ang level ng kagwapuhan ko, hindi na kailangan ipangalandakan ni manong. Pero nagkakamali siya sa inaakala niyang mayaman ako, ni pisong duling nga wala ako ngayon e. Saka wala nga akong kakilala rito na pwedeng uwian e, mukhang may isang gwapong matutulog mamayang gabi sa kalsada ah."Manong, may hotel po ba rito?" tanong ko kay manong kutsero, napakunot naman ang noo nito sa tanong ko
"Hotel? Ano iyon ginoo?" pabalik na tanong niya saakin. Seryoso? Hindi niya alam yung hotel?Anong parte na ba to ng Pilipinas? Baka nasa ibang planeta na ako ah. Pero nag tatagalog naman sila kaya nasa Pilipinas pa rin ako. Wooh! Hindi pa ako handang maging kauna-unahang gwapong alien. "Wala po iyon hehe. Hindi rin po ako sasakay mas gusto ko maglakad, alam niyo na po exercise hehe. Salamat nalang po!" sabi ko kay manong at nagsimula ng maglakad. Gusto ko talagang sumakay kaya lang wala akong pambayad, hindi naman tatanggapin ni manong itong relo ko kasi sira. Kamalasan talaga.
Nagsimula nalang akong maglakad-lakad, bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Iisipin ko na lang na isa akong gwapong manlalakbay na napadpad rito upang mag hanap ng ginto hehehe.
Ilang oras na rin akong naglalakad lakad at hanggang ngayon namamahanga pa rin ako sa mga nakita at nakikita ko. Napaka ganda nitong bayan ng La Cuesta, walang polusyon, hindi makalat, wala kang makikitang mga nagtataasang gusali kundi puro mga kakahuyan kaya naman napakasariwa ng hangin.
Hindi ko na maramdaman ang paa ko sa sobrang pagod, ano ba 'to alay lakad? Lumingon ako sa palagid puro puno at damuhan ang aking nakikita, walang mga bahay na maaaring tuluyan at wala ring mga taong dumaraan. Ang taas pa naman ng sikat ng araw feeling ko tanghaling tapat tapos eto ako naglalakad sa gitna ng kalsada hawak-hawak ang bag kong gawa sa banig at hindi alam ang paroroonan. Naaawa ako sa kalagayan ko ngayon, masyado akong gwapo para maghirap ng ganito hays.
Sa may gawing kanan ng kalsada matatagpuan ang isang malawak na damuhan na may maraming punong pwedeng silungan. Napagpasiyahan kong lumapit roon at dun muna magpahinga.
Naks kahit simpleng damuhan lang ito napakaganda, pwede ritong mag picnic, nakaramdam tuloy ako ng gutom hays. Umupo ako sa ilalim ng puno ng acacia, maririnig ang mga huni ng ibon sa palagid pero mas nangingibabaw ang tunog ng pagkalam ng sikmura ko. Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong kung ano, may kung anong nag udyok saakin na lapitan iyon, baka ginto hehehe. "Ano ka ba naman Atlas nasa gitna ka na ng kagutuman ginto pa rin nasa isip mo?" Inis na sambit ko sa sarili.
Nang makalapit ako nagningning ang aking mga mata, may sapin na nakalatag sa damuhan at may basket ng prutas sa ibabaw nun at may tubig pang kasama. Sino kayang nag iwan nito rito? Bahala siya, akin na 'to. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid upang tignan kung andiyan sa paligid ang may-ari, ng makita kong wala namang tao agad kong kinuha ang basket at tubig at nagtatakbo pabalik doon sa ilalim ng puno ng acacia na inuupuan ko kanina.
Napadighay ako ng malakas habang himas-himas ang tiyan ko sa kabusugan. Tinignan ko ang basket na nasa harap ko wala na itong laman, siguro naman hindi na iyon hahanapin ng may-ari iniwan niya nga e. Pasensya siya may isang gwapong gutom na kailangan kumain. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa may ulunan ko para gawing unan saka ko ipinikit ang aking mga mata para matulog. Damang-dama ko ang sinag ng araw pero hindi ito masakit sa balat, dama ko rin ang sariwang hangin nakakaantok.

YOU ARE READING
La Cuesta
Historical FictionKung ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na marating ang makalumang panahon, pipiliin mo bang mamuhay roon at iwanan ang makabagong mundong nakagisnan mo?