Ikalimang Kabanata

45 5 13
                                    

"Binibining Mercedes, nakuha mo ba ang mga papeles sa opisina ni Don Romulo?" tanong ni Tenyong, isa sa mga kasapi ng Banyuhay. Isa siya sa mga malapit na kaibigan ni Mercedes. Kasalukuyan na kaming naglalakad pauwi, hinahatid nila kami hanggang makalabas kami ni Mercedes ng kagubatan. "Nabigo akong makuha ito" sagot ni Mercedes "sa anong kadahilanan?" tanong naman ni Hidalgo. Si Hidalgo ay isa ring malapit na kaibigan ni Mercedes, sa palagay ko ay nasa tatlumpu pataas ang edad nito. Medyo malaki ang pangangatawan nito at may bigote ito. "Habang hinahanap ko ang mga papeles may isang asungot na pumasok sa silid kaya naman nabigo na akong makuha pa iyon" paliwanag ni Mercedes "sino iyon? Si Don Romulo? Mga tauhan niya? Nahuli ka ba nila? Sinaktan ka ba nila?" nag-aalalang tanong ni Manuel "hindi nila ako nahuli, hindi rin siya kabilang sa mga tauhan ni Don Romulo. At hindi rin niya ako sinaktan, sa katunayan siya ang nasaktan ko sa pag-aakala ko na isa siya sa mga guardia ni Don Romulo, iyon pala isa lamang siyang makisig na guardia na takot sa bolo" saad ni Mercedes na parang natatawa habang nagkukwento, naramdaman kong tumingin ito saakin. Naririnig ko ang usapan nila pero  wala roon ang atensyon ko, hindi ko pa rin malimutan yung binibini kanina at yung sinabi nito saakin.

Nakita ko ang isang binibini na papalapit saakin at may dala itong baso ng tubig.  Hindi ko alam kung bakit ako nakadama ng kaba habang papalapit ang babae saakin. Nang makalapit ito iniabot niya saakin ang baso ng tubig at nagtama ang aming mga mata, hindi ko alam kung bakit napaka-pamilyar ng pares ng mga matang iyon. Parang nakita ko na siya kung saan ngunit hindi ko maalala.

"Atlas, sila ang misyon mo. Misyon mo na tulungan silang makamit ang kalayaan. Kapag natapos mo ito makakabalik ka na sa mundong iyong pinagmulan. Pero kapag nabigo ka sa misyong ito, mamatay ka na rito at hindi ka na muling makakabalik pa sa mundong pinagmulan mo" saad ng binibining kaharap ko, hindi ko alam kung bakit pati boses niya napaka pamilyar. Hindi ko nagawang makapag-salita, nanatili lang akong nakatitig sa mga mata nito. Tumalikod na ito at nagsimulang humakbang palayo. Naiwan naman akong tulala at puno ng katanungan ang isip, ni hindi ko na nagawang sundan pa ang babae at parang napako na ako sa kinauupuan ko.

"Ginoong Atlas?" natauhan ako ng sambitin ni Mercedes ang ngalan ko at sikuhin ako nito ng mahina. "Ayos ka lang ba ba?" nag-aalalang tanong nito saakin, pinagmasdan ko ang mukha nito. "Oo naman binibini, ayos lamang ako" sagot ko rito at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

Kaming dalawa na lang ni Mercedes ang magkasamang naglalakad ngayon pauwi. Si Manuel, Tenyong at Hidalgo ay bumalik na sakanilang mga tahanan. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong lugar at sa pagitan namin ni Mercedes, tanging mga kuliglig lamang ang maririnig sa paligid. Hindi ko alam kung bakit tila natututop yata ang bibig ko ngayon, nawala ang Atlas na madaldal. "Tila tahimik ka yata" sa wakas ay nagsalita na rin si Mercedes at napansin rin nito ang pagiging tahimik ko "masakit na ba ang mga paa mo?" tanong nito "yiee nag aalala siya saakin" pang-aasar ko rito at hindi naman ako nabigo at sinamaan lamang ako ng tingin nito "pero oo nga noh ang tahimik, gusto mo kakanta na lamang ako. Para malaman mo na hindi lang ako gwapo at makisig, may angking talento rin ako sa pag-awit" pagmamalaki ko sakanya "sige, sabi mo e" sagot nito at mahinang natawa "sige makinig kang mabuti, ehem, ehem, mic test" saad ko at mahinang tinapik tapik ang kamay ko na animo'y isa itong mic, huminga ako ng malalim at nagsimulang kumanta "nang mainlove ako sa'yo 'kala ko pag-ibig mo ay tunay, pero 'di rin nagtagal lumabas din ang tunay na kulay. Ang yung kilay mapag-mataas at laging namimintas pero sarili kong pera ang iyong winawaldas. Stupid Love!" pag rarap ko, tumingin naman ako kay Mercedes at hindi maipinta ang mukha nito ngayon "bakit ganyan ka makatingin? Humahanga ka ba sa aking galing sa pag-awit?" tanong ko sakanya at nginitian ito ng para bang nang-aasar "ginoong Atlas umamin ka nga, may sakit ka ba sa pag-iisip?" tanong nito at napasimangot naman ako "mabuti na lamang at walang ibang nakarinig sa iyo kundi iisipin nila na nasisiraan ka na talaga ng bait" dagdag nito at tumawa "sabayan mo na lamang akong kumanta. Sabihin mo lang STUPID LOVE!" utos ko rito "hinaan mo ang iyong boses, baka mabulabog ang mga natutulog" suway nito saakin "sabayan mo muna ako, sasabihin mo lang naman STUPID LOVE!" pangungulit ko kay Mercedes ngunit napapa-iling na lamang ito habang pinipigilan ang kaniyang pagtawa "sige ako nalang ang kakanta tapos ikaw sasayaw, o 'di kaya iwasiwas mo sa ere yung kamay mo na parang ganito" utos ko rito at idinemonstrate ko sakanya kung anong gagawin. Sinimulan ko ng pag-rarap habang iwinawagayway naman ni Mercedes ang kaniyang kamay sa ere. Matapos nun ay sabay na lamang kaming natawa dahil sa kalokohan namin. "Ngayon hindi na ako mag-isang sasabihan ng may sayad, dalawa na tayo hahaha" sabi ko kay Mercedes pero nang lingunin ko ito,  diretso ang tingin nito at tila nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, na para bang nakakita ng multo.

La Cuesta Where stories live. Discover now