"Gusto kong sumapi sa Banyuhay" saad ko napalingon naman si Mercedes dahil sa sinabi ko "ano?" kunot noong tanong nito. "Gusto kong sumapi sa inyong samahan" pag-uulit ko "akala mo ba nakakatuwa iyang biro mo?" inis na tanong nito "pero seryoso ako" sagot ko "at ano naman ang nag-udyok sayo para sumapi saaming pangkat" tanong nito "kasi gusto kong tulungan kayo na makamit ang kalayaan na hinahangad niyo" sagot ko "sa anong kadahilanan?" muling tanong nito. Kasi iyon lamang ang paraan upang makabalik ako sa mundong pinagmulan ko. Pero hindi ko pwedeng sabihin kay Mercedes iyon dahil alam ko na mahirap paniwalaan at ayokong isipin niya na nakikipag-biruan lang ako sakanya. "Ginoong Atlas, hindi isang laro itong laban na ito. At kung ganiyan lamang kababaw ang iyong rason, paumanhin ngunit hindi kita matatanggap saaming pangkat" dagdag ni Mercedes at naglakad na papasok sa loob.
Kanina pa ako tulala habang naka-upo rito sa ilalim ng puno rito sa labas ng mansion ng mga Facundo. Kanina ko pa iniisip yung sinabi ni Mercedes. Hindi ako nito pinahintulutan na sumapi sa Banyuhay dahil akala nito hindi ako seryoso saaking sinabi at hindi rin ganoon kalalim ang rason ko. Kung pwede ko lang sana sabihin ang totoong dahilan, kung mauunawaan mo lang sana.
Napapitlag ako sa gulat ng marinig ko ang boses ng isang babae "ginoo?" nilingon ko kung sino ito. Binibining Clara ang tawag sakanya ni Mang Esteban kanina, agad akong tumayo ng tuwid. "Magandang hapon binibini. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" tanong ko rito "wala naman. Nais ko lang itanong kung ayos ka lang ba? Napansin kong tila malalim ang iyong iniisip" saad nito, malambing ang tinig nito "iniisip ko lamang ang rason kung bakit sadyang napaka-kisig ko" pabirong sagot ko upang maiba ang usapan "ikaw pala ay pala-biro ginoo" saad nito at mahinang natawa habang nakatakip ng abaniko, tunay na napaka-mahinhin nitong kumilos "hindi ah, totoo kaya iyon" sagot ko at muli itong natawa.
"Ano nga palang ginagawa mo rito sa labas? Mainit rito, pumasok ka na sa loob" sabi ko rito "ngunit wala naman akong gagawin sa loob. At gusto ko rin ng makakausap" sagot nito "sandali ginoo, alam mo ngayon lamang kita nasumpungan rito sa bayan ng La Cuesta. Dito ka ba isinilang at lumaki?" tanong nito napahinga ako ng malalim saka nagsalita "hindi ako rito isinilang at hindi rin ako rito lumaki. Nagmula ako sa malayong-malayong lugar" sagot ko "saan naman iyon? Maganda ba roon?" pag-uusisa nito "basta malayo. Pero napaka-gandang lugar. May matataas at malalaking gusali at may mga modernong transportasyon" sagot ko "kung gayon bakit mo nilisan ang inyong lugar?" muling tanong nito "marahil may rason kung bakit ako napadpad rito, dahil may misyon akong kailangan gampanan. At kung hindi ako napunta rito, hindi ko siya makikilala" sagot ko at bahagyang napangiti. "Alam mo ikaw ang dami mong tanong, ikaw naman ang magkwento tungkol sa buhay mo" sabi ko rito.
Mercedes POV
Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa mansion ng mga Facundo. May dala akong buslo na naglalaman ng mga prutas at plano kong ibigay iyon kay Ginoong Atlas, marahil nagugutom na siya sa mga oras na ito at baka nagtatampo iyon saakin dahil hindi ko napagbigyan ang pabor niya kanina na lumahok saaming samahan. May rason ako kung bakit hindi ko siya tinanggap. Hindi totoong mababaw ang dahilan niya, sakatunayan ay nakakatuwa dahil may malasakit siya sa Banyuhay. Ngunit natatakot ako na baka masaktan siya, paano kung mapaslang siya? Hindi ko kakayanin kung may isa nanamang mahal ko sa buhay ang mawala.
Napalinga ako sa paligid ng marinig kong may tumatawag saaking ngalan. Nakita ko si itay na nakasakay sa kalesa at mukhang may pupuntahan ito. Kinawayan ko ito "mag-iingat ka anak!" sigaw nito at kumaway saakin.
Andito na ako ngayon sa likod ng mansion ng mga Facundo. Dito ako dumaan sa likod dahil sigurado akong paaalisin ako ng mga guardia kapag nakita nila ako. Dito rin ako dumaan noong gabi na dapat may kukunin akong papeles sa opisina ni Don Romulo.
Nagtatago ako sa likod ng mga puno at hinahanap si Ginoong Atlas, at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ito na kakusap si Binibining Clara. Masaya silang nakukwentuhan at nagtatawanan. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa mga nasasaksihan ko ngayon. Napahigpit ang hawak ko sa dala kong buslo. Pinagmasdan ko sila, bawat pagpapalitan nila ng mga ngiti ay parang isang palaso na tumatama saaking dibdib. Nararamdaman ko na ang namumuong luha saaking mga mata, tumalikod na ako at nagsimulang humakbang palayo. Ngunit agad akong napalingon ng tawagin mo ang pangalan ko "Mercedes!" saad mo at kumaway ka pa saakin. Bakit ba nagiging marupok ako pagdating sa'yo?

YOU ARE READING
La Cuesta
Historical FictionKung ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na marating ang makalumang panahon, pipiliin mo bang mamuhay roon at iwanan ang makabagong mundong nakagisnan mo?