/34/ LAST ATTEMPT
God's supernatural
frequently released
during a step of faith- Craig Hill
KHEL'S POV
General Trias, Cavite Hospital
"Khel, calm down!" sigaw ni Brint habang sinusundan ako.
Hindi ko s'ya pinansin. Instead, I stormed inside the hospital. The scent of medicine lingered to my nose. There are nurses and personnel scattered within the first floor. Patients in wheelchairs and some visitors, too. The hospital's atmosphere never fails to traumatize me. Nakakasawa na ang itsura ng ospital. Parang kada papasok ako rito ay may 'di magandang mangyayari.
Mabilis akong naglakad patungo sa inquiry's table. The nurse behind that table faced me with a smile.
"Yes, may I help you, sir?"
"M-Meera Guizon. Room number, please," nanginginig na tanong ko.
Tumango ang nurse at chineck ang logbook nito. While waiting for the nurse's response, I licked my lip and exhaled exasperatedly. My heart can't stop racing.
Brint stood beside me. Ramdam ko ang nag-aalalang titig n'ya sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin.
"Room 316 po, sir, third floor," the nurse said.
Without hesitation, I walked across the hallway and entered an empty elevator. Sumabay sa akin si Brint at p-in-ress niya ang third floor button. The elevator's door slides close and it went up.
Habang nasa loob ng elevator, hindi ako mapakali. Gamit ang kamay ay ilang beses akong napahilamos sa'king mukha. Ilang beses din akong napamura, saka ginulo ang aking buhok.
"Uy, Khel, kumalma ka nga." Brint tried to convince me.
Napailing na lang ako at malutong na nagmura. "Paano ako kakalma, Brint?! I've been in the hospital for the past weeks, tapos ngayon... nandito na naman ako! Do you know how it f*cking feels to lose someone over and over again?!"
"Bro, trust Meera..." kalmadong ani Brint. "Manampalataya ka."
"Manampalataya?" Halos matawa ako sa sinabi niya. I clenched my jaw and controlled my temper. "Lintek na 'yan! Kanino ako mananampalataya? Sa Diyos?! Ni hindi ko nga alam kung totoo ba Siya, eh! Ni hindi ko nga Siya makita, marinig, o maramdaman!
Hindi nakapagsalita ang ungas. Tinitigan n'ya lang ako na para bang ako ang pinakakawawang tao sa buong mundo. D*mn you, Brint!
"I asked Him, Brint! But that God, if He's even true, didn't answer me! Isa lang ang tanong ko: kung totoo ba Siya? Pero... Wala! Walang sumagot! Simula noong bata ako hanggang ngayon, walang sumasagot! Hindi Siya sumasagot!" mariing ani ko, saka napabuga ng hangin.
BINABASA MO ANG
Say That You Believe
Teen Fiction[COMPLETED] "I will make you believe in Him." When an Atheist guy and a Christian girl went on a road trip together, what do you think will happen? A youthful adventure, romance, friendship, life lessons, and most of all, testing of faith. Can a non...