Chapter 1
"Aurora, bilisan mo! I don't want to be late for my interview!" Rinig kong sigaw ni daddy.
Nilapitan ako ni mommy at yumuko. "Mikah, stay in the house. Your dad will be having an interview and I need to go with him. Will be back before it's night. Be a good girl, okay?" Tumango ako sa kanya.
"Yes, mommy," sagot ko. Hinalikan niya ako sa noo at umayos na ng tayo.
"Okay, bye," sabi niya at umalis na sila ni dad.
I was about to go upstairs when I heard the doorbell rang. Pumunta ako sa front door namin at binuksan ang pinto. Lumiwanag ang mukha ko nang makita kung sino ang nasa harap ko.
"Hello Mikah," bati sa akin ni yaya Lissa.
Niyakap ko siya at tumingala. "Hello yaya Lissa. What brings you here?" Tanong ko.
"Tinawagan ako ng daddy mo para bantayan ka. Sinama ko narin si Pearl." Ngayon ko lang napansin si Pearl na nasa likuran pala ni yaya Lissa.
Kumaway siya sa akin. "Hello, Mikah! Kamusta kana?" Masiglang sabi ni Pearl, ang nagiisang anak ni yaya Lissa.
Ngumiti ako sa kanya. "Hi Pearl, let's go upstairs. I'm playing with my dolls." Tumango naman siya kaya pumunta na kami sa kwarto ko.
I'm an only child of the 'Triton' family. My father owns a famous restaurant while my mom is a doctor. Palagi silang busy kaya pinapabantayan nila ako kay yaya Lissa. Hindi rin naman sila nawawalan ng oras sa akin pero these past few days mas nagiging busy sila.
Ever since I was born-- eight years from now-- si yaya Lissa na ang nagbabantay sa akin. Wala naman akong problema since I actually like her company. Palagi niya ring dinadala si Pearl kaya naging magbest friend na kami.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalaro nang makarinig kami ng katok sa pinto. Bumukas iyon at bumungad sa amin si yaya Lissa na nakangiti.
"Nagbake ako ng cookies at cupcakes." Lumiwanag ang mukha namin at patakbong bumaba, leaving the dolls we were playing second ago.
Patalon-talon kami sa sofa habang inilapag ni yaya ang dalawang plato na may cookies at cupcakes. Meron ding dalawang baso na may lamang orange juice.
Binuksan ni yaya ang tv at sakto namang balita ang palabas. But what caught my attention was the news.
Isang sasakyang BMW ang nabundol ng bus kaninang alos-dos ng hapon. Lumikha ito ng malaking aksidente at marami ang nadamay. Fifty eight ang sugatan at sampu naman ang namatay. Ligtas ang mga sakay ng bus samantalang duguan ang magasawang nakasakay sa BMW na kotse. Kilala ang magasawang sina doktora Aurora Triton at sikat na si chef Thomas Philip Triton. Agad naman silang sinugod sa hospital.
Nawala ang atensyon ko sa tv nang tumunog ang telepono at agad naman itong sinagot ni yaya.
Unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mata. Tulala lang ako at hindi makapaniwala sa aking nakita. Hindi ko narin naiintindihan ang pinagsasabi ni Pearl sa akin.
Tuluyan na akong napaiyak nang makitang umiiyak si yaya Lissa papunta sa amin.
Lumuhod siya para magkapantay kami. "M-Mikah...your parents, n-nasa hospital s-sila."
"I want to go! I want to see them! Please, let me see them." Humahagulhol kong sabi habang pinupunasan ang mga luhang sunod-sunod na nagsituluan.
Patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa makarating kami sa hospital. Dumiretso kaagad kami sa emergency room pagkatapos naming itanong kung nasaan sina dad.
BINABASA MO ANG
Oh My Chef
RomanceAfter returning to the Philippines, Mikah became the inheritor of her father's restaurant. But for her to run the business, she needs to learn one thing...and that is to cook. All her life she has little knowledge about cooking because she was used...