Naligo na ako at nagsuot ng plain white loose shirt at knee length pencil skirt at nag doll shoes para hindi ako mahirapan. Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nakita kong nagku-kwentuhan ang tatlong pinsan ko at si auntie Clara at uncle Ralph naman ay nanonood ng t.v. Dumiretso ako sa kusina.
"Morning. May lakad ka?" Tanong ni Miko na nagto-toast ng bread.
"Morning." Bati ko rin sa kanya. "Oo, magta-trabaho na ako sa restaurant ni dad," sabi ko at nagsalin ng fresh milk sa baso.
"Thanks." Kinuha ko ang ginawang toasted bread na may jam kay Miko.
He clicked his tongue.
"Saan pala sina tita at tito?" Tanong ko sabay kagat sa bread.
Biglang bumusangot ang mukha nito. "Ayun, nagdate na naman. 'Di na nagsawa." Pailing-iling na sabi nito na gumagawa ulit ng toasted bread.
"Humanap ka na kasi ng boyfriend. Palibhasa walang girlfriend." Panunukso ko.
"Nagsasabi ang meron." Sarkastiko nitong sabi.
"May ka date ako," sabi ko at diretsong ininom ang fresh milk.
He rolled his eyes. "Alam ko. 'Di mo kailangang ipamukha sa akin. Umalis ka na nga!" Pagtataboy nito habang niwawagayway ang isang kamay na parang nagbubugaw ng langaw.
"Bye! Baka ma late akong umuwi. 'Wag mo 'kong masyadong ma miss," sabi ko pagkatapos kong mag toothbrush at ginulo ang buhok niya.
"Pasalubong ko!" Pahabol nitong sigaw.
Nag thumbs up lang ako at sumakay na sa kotse ko at pinaandar ito. Tiningnan ko ang relo ko at six twenty-nine pa naman.
Nang makarating ako sa rsetaurant, ipinarada ko kaagad yung kotse ko at pumasok na sa loob. Magbubukas pa lang sila. Sabi kasi ni dad seven sila nagbubukas.
Merong nagma-mop, nagpupunas ng lamesa, nagwawalis ng sahig, naga-arrange ng upuan at iba oa. Nakita ko naman si dad na may kausap sa phone.
Lumapit ako sa kanya. Tamang-tama naman tapos narin ito sa pakikipagusap.
Tinawag niya lahat ng staffs niya at naglinya sila sa harap si dad.
Galing! Disiplinado talaga sila at mukhang magagaling. Ang galing takaga ni dad. Nakakahanga!
"Everyone, I'd like you to meet my daughter." Tinuro ako ni dad. "Mikah Safari Triton. Starting today, she'll be working with us so I want you all to treat her the way you treat each other," sabi ni dad.
Saba-sabay silang nagbow na siyang ikinaatras ko dahil sa gulat. "Welcome Ms. Mikah." At sabay pa silang nagsabi nun.
"She may be my daughter but she will start from scratch. She'll be the new waiter so I want you all to help her so she can easily cope up. Understood?"
"Yes, chief!" Pasigaw nilang sabi.
Isinabi naman sa akin ni dad kung anong position nila. Meron silang anim na chef, dalawang cashier at limang waiter; i'm not counted.
Sumama na ako sa kanilang pumunta sa locker room. Syempre hiwalay ang sa girls at boys.
"Ms. Mikah, ito po ang locker niyo," sabi nung babaeng cute habang nakaturo sa locker na nasa ikaapat.
I smiled at her. "Thanks. And, just call me Mikah," sabi ko at pumunta na sa locker ko para makapagbihis.
Napansin ko ring iba ang pangibaba ng waiter sa cashier, lalong-lalo na sa chef. Yung sa aming waiter kasi black pants tapos sa cashier na pambabae ay knee leght na black pencil skirt. Tapos sa pang itaas naman ay white na hanggang siko ang haba ng sleeves, tapos sa left side ng braso ay may logo ng T.A.M restaurant at sinapawan ng black apron. Meron ding barnet na may nakaulit ng pangalan namin at nakalagay ito sa left side ng dibdib at panghuli ay black shoes.
BINABASA MO ANG
Oh My Chef
RomanceAfter returning to the Philippines, Mikah became the inheritor of her father's restaurant. But for her to run the business, she needs to learn one thing...and that is to cook. All her life she has little knowledge about cooking because she was used...