Isa-isa kong nilagay ang mga gamit ko sa loob ng maleta at isinara na ito. Tumayo na ako at huling tiningnan ang paligid.
"I'm gonna miss my room," I mumbled.
Kinuha ko na ang maleta at bumaba na. Naabutan ko pang naghahabulan ang tatlo kong pinsan. Tumigil sila nang makita ako.
"Mami-miss ka namin ate Mikah," sabi ni Carol at sabay-sabay nila akong niyakap.
Gumanti rin ako ng yakap sa kanila.
"Huwag nga kayong oa! Lilipat lang ng bahay si Mikah. Pwede niyo parin naman siyang bisitahin." Singit ni Miko. Kahit kailan wala talaga itong galang sa nakakatanda sa kanya. Ayaw na ayaw talagang mag ate sa akin.
"Aray!" Napahawak ito sa kanyang dibdib na tinamaan ng tsinelas na tinapon sa kanya ni Janine.
"Hmp!" Sabay na nagwalk out ang tatlo.
"Jeez." Bumaling siya sa akin. "Hali ka na, kanina pa naghihintay sina mama at papa sayo." Umalis agad ito pagkatapos yun sabihin.
Kinuha ko na ang maleta ko at lumabas na ng bahay. Pagpasok ko sa kotse, nagtaka ako sa nakita ko.
"Sina tito at tita?" Tanong ko agad sa kanya.
"Sa kotse nila. Dito na lang daw ako sumakay para may kasama ka daw." Napatango na lang ako at pinaandar ang makina.
Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa apartment ko. Pagdating namin merong dalawang taong nakatayo sa gate ng apartment ko.
Ipinarada ko ang kotse sa loob dahil may mini garage ito. Pinatay ko na ang makina saka bumaba. Lumapit sa akin yung dalawang babae.
"Thank you for renting ma'am. Nandito kami para sabihing by the end of the month you have to pay for the rent," sabi nung babaeng may katangkaran.
"Would you like to take a look inside?" Tanong naman nung kasama niya.
Tumango ako at sinundan sila sa loob. Pagpasok, sala agad ang una mong makikita. Merong dalawang magkaharap na sofa at may wooden table na nagpapagitna. Sa lanan may isang mini flat screen na tv at dvd player. Pagpumunta ka sa kanan ay makikita mo ang kusina. Kumpleto rin ang mga kitchen appliances at may katamtamang dining table. Kung bumalik ka sa sala at didretsuhin mo lang ay may makikita kang hagdan pataas. Pumunta ako at merong dalawang kwarto at magkaharap lang. Nasa loob rin ang c.r at shower room. Meron ding isang cr sa labas. Pagkatapos naming libutin ang loob ay bumaba na kami at lumabas ng apartment.
Humarap ako sa dalawang babae at ngumiti. "It's perfect. Just like what I wanted."
"Here's the key. We'll be leaving. Hope you enjoy your stay here, ma'am." Ibinibigay niya ang susi sa akin at umalis narin silang dalawa.
"Nice place. Ang galing mo talagang mamili ng lugar, Mikah." Napakamot na lang ako sa ulo ko sa sinabi ni tita Laecy.
"Mag-isa lang naman ako so tama lang itong apartment na ito. Tsaka malapit rin sa restaurant. Seven minutes drive lang pag walang traffic." Kinuha ko na yung maleta ko at pumasok na sa loob.
"Mag grocery na lang tayo para may kasama kang mamili, Mikah." Tumango ako at lumabas na ng apartment.
Sa kotse nila tito at tita parin sila sumakay at kasama ko si Miko.
Nakarating agad kami sa mall. Bumaba na kami at agad dumiretso sa grocery-han.
Kumuha ng cart si Miko. Bumili na ako nang mga kakailanganin ko, katulad ng mga ingredients sa mga lutuin. Bumili narin ako ng shampoo, sabon, conditioner at dishwasher.
BINABASA MO ANG
Oh My Chef
RomanceAfter returning to the Philippines, Mikah became the inheritor of her father's restaurant. But for her to run the business, she needs to learn one thing...and that is to cook. All her life she has little knowledge about cooking because she was used...