Chapter 7

3 3 0
                                    

I am currently eating with my dad. Ewan ko nga at hindi pa ito pumunta sa restaurant gayung seven twenty-nine na.

"Siya nga pala, Mikah. Kamusta na pala yung date niyo ng boyfriend mo?" Biglang tanong ni tita Laecy.

Napabusangot naman ako. "He's not my boyfriend, and the date went well."

She let out a teasing smile. "Not now, but soon. So, what do you about him?" Auntie Clara asked.

"He's kind, a gentleman, and sometimes funny," I answered. I turn to face dad. "Dad, hindi ako makakatrabaho sa restaurant ngayon kasi maghahanap po ako ng apartment na matutuluyan. Okay lang po ba sa inyo yun?" Pamamaalam ko.

Tumango siya. "It's okay. Maaga rin naman kami mag-close mamaya kasi may ime-meet ako. But do you really have to move out?"

"Oo nga, Mikah. Pwede ka naman dito at para narin may kasama ka." Pagsang-ayon ni tito Carlos.

"Yeah, I'm sure. I already planned this since I came back here. Don't worry, I'll come and visit sometimes." I smiled to assure them.

"Sama kami!" Sabay na sabi ng tatlo kong pinsan.

"Walang magbabantay sa inyo, at wala na ring makakasama si Miko sa bahay." Nakangisi kong sabi habang tinitingnan si Miko ng nakakaloko.

Umismid ito. "I'm already twenty-one and you're still treating me like a kid." Ngumisi lang ako.

"Kung yan na talaga ang final decision mo, wala na akong magagawa pa."

"Thanks dad." Mabuti na lang at pumayag siya.

Tumayo na ako at kinuha ang mini sling bag ko sa upuan. "Alis na po ako. Wala po ba kayong ipapabili?" Umiling lang sila,

"Sama ako!" Pasigaw na sabi ni Miko at nakatayo na.

"Hep! Hep! Hep! Hindi ka pwedeng sumama. Maguusap pa tayo ng daddy mo." Pigil sa kanya ni tita.

Bumusangot ang mukha ni Miko at padabog na umupo.

"Bye!" Umalis na ako at sumakay sa kotse at pinaandar na ang makina saka pinatakbo ang sasakyan.

Nagmamaneho lang ako habang naghahanap ng apartment na hindi masyadong malayo sa restaurant ni dad para hindi ako mahirapan.

Sakto naman nang lumiko ako sa kaliwa ay may nakita ako. Ipinarada ko na ang kotse at bumaba saka diretsong pumasok sa loob.

'Welcome ma'am. How may I help you?" Bungad agad sa akin ng babaeng mukhang nasa mid 30's.

"Meron po ba kayong apartment na may dalawang kwarto pero hindi gaanong kalakai at tsaka hindi rin masyadong malayo sa T.A.M restaurant?" Tanong ko sa kanya.

"Please wait for a moment." Ngumiti lang ako at lumapit dun sa upuan at umupo.

Napalingon ako sa labas dahil glass naman. Across the street, may nakita akong silhouette ng tao sa likuran ng isang may kalakihang puno.

"Miss." Nabaling ang atensyon ko sa babaeng kausap ko kanina. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Meron po kaming available na apartment. Seven thousand po ang monthly payment ng rent. Nandun narin po lahat, kasali ang electricity at tubig."

Kinuha ko ang pitaka ko at binigay na sa kanya ang bayad. "Thank you."

"Bukas pwede na po kayong lumipat." Ngumiti na lang ako at nagpaalam at lumabasa ng.

Napatingin ako ulit dun sa puno. Sakto namang nagtago yung tago nang tumingin ako sa direksyon na pinanggalingan niya. Hindi ko rin makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng hood tapos may mask pang nakatakip sa kanyang bibig.

Binalewala ko na lang ito at sumakay na sa kotse ko at umalis.

Magmo-mall na lang siguro ako. Wala rin naman akong magawa kung uuwi agad ako sa bahay. Bibilhan ko na lang rin sila ng pagkain.

Nang makarating sa mall, dumiretso agad ako sa grocery at namili na ng pagkain. Nilagay ko lahat ng bibilhin ko sa cart at dumiretso sa cashier.

Nang mabayaran ko na lahat ng pinamili ko, dumiretso agad ako sa Jollibee. Pumila na ako at bumili lang ng cokefloat, burger at fries na medium. Nagkanap agad ako ng mauupuan.

Pumwesto ako sa corner at umupo saka inilagay ang mga in-order ko. Sinimulan ko nang kumain kahit pakiramdam ko may mga matang nakamasid sa akin.

Isinawalang bahala ko na lang ito at baka napaparanoid lang ako.

May nakita akong dalawang pares ng paa. "Excuse me."

Hindi ako tumingin o nagsalita dahil baka hindi ako ang kinakausap nito at mapahiya ko pa ang sarili ko.

"Excuse me." This time tinap niya yung table ko kaya napatingala na ako sa kanya.

"Can I sit here?" Tanong niya at ipinakita ang bitbit niyang tray.

Hindi ko makita ang mukha niya kasi naka mask at sunglasses siya. Halatang tinatago ang kanyang mukha.

Tumango lang ako sa kanya at umupo na ito sa kaharap kong upuan. Pang dalawahan lang kasi ito. Nagpatuloy lang ako sa pagkakain at ganun rin ang kaharap ko.

"Hindi mo ba ako namumukhaan?" Bigla nitong tanong sa akin sabay dahan-dahang tinanggal ang kanyang mask at sunglasses.

Namilog ang mata ko at napaawang ang bibig. "Pear---"

"Shh!" Itinikop ko agad ang bibig ko at napangiti na lang ng malapad.

Gosh! I can't believe it's her. Mas lalo siyang gumanda.

"It's really you. I miss you." Hinili ko siya at agad niyakap ng sobrang higpit. Gumanti rin siya ng yakap sa akin.

"I miss you too, Mikah," she said in between sobs.

"U-uy, ba't ka umiiyak?" Natataranta kong tanong.

Umiling ito sabay punas ng luha. "I just missed you so much."

Umupo na kaming dalawa at baka makakuha pa kami ng atensyon.

"Kamusta kana?" Ako ang unang nagtanong.

"Eto, okay na okay. Isa na akong artista." Mahina niyang sabi sa last part.

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. "Talaga?! Sikat ka na pala. No wonder nakasuot ka ng ganyan."

"Eh, ikaw ba?" Tanong rin niya sabay inom ng coke niya.

"Nagta-trabaho ako sa restaurant ni daddy bilang waitress," sagot ko.

Nangunot ang kanyang noo. "Waitress? Ba't waitress? Dapat chef."

"bilang

"Hindi pwedeng gawin agad akongi dad kasi manghuhusga sila na porque anak niya ako, eh gagawin niya na agad akong chef. Mas mabuting paghirapan ko para makita nila ang effort ko para makapunta sa pinakatuktok." Napatango naman siya sa sinabi ko.

Pinatong nito ang siko sa lamesa at pinatong ang baba sa kanyang kamay. "May kailangan kang ikwento sa akin." Nakatingin siya sa akin na may nakakalokong ngisi.

Hindi ko mapigilang magkatak. "Ano naman iyon?" Tanong ko. Wala akong maalalang may ike-kwento ako sa kanya.

"About the date. You didn't tell me you already have a boyfriend." Nakangisi ito sa akin.

Itong babaeng 'to, wala talagang pinapalampas.

"Hindi ko yun boyfriend. Pinagkasundo lang sa akin ni dad para daw magka boyfriend na ako." Tumingin lang ito sa akn na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Gwapo ba?" May picture ka niya?" Kahit kailan napaka chismosa talaga nito.

"Wala akong picture niya pero gwapo siya tsaka ang gentleman, mabait rin at minsang nakakatawang kausap," sabi ko.

Impit itong napatili. "Talaga?! Sagutin mo na girl!" Kinikilig niyang sabi.

Napailing na lang ako. "Ewan ko sayo. Tara, gala na lang tayo," pagaya ko at tumayo na kami at lumabas.

Saglit akong napatingin sa isang food court at nakita ulit yung lalakeng nagtatago sa puno kanina nung naghahanap ako ng apartment.


Oh My ChefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon