Chapter 8.
Anong nangyari?
Nagising na lang ako na nakahiga na ako sa sarili kong kama. Tumingin ako sa paligid, nasa dorm na pala ako. Paano ako napunta rito?
Kagabi. Tama!
Nasaan si Kriana?
I saw her staring at me smirking.
"Are you okay?" I thought it was Kriana pero hindi, it was Avis.
"Where's Kriana?" I asked. She just shrugged. Nasaan ba ang babaeng iyon? Baka pinatay na siya ng hayop na demonyong iyon. He chop the bodies. Shit!
"Nakita lang kita jan sa labas ng dorm niyo, nasa bulsa mo naman ang susi kaya pinasok na kita rito. I didn't saw Kriana." Wika nito. Tumango lang ako.
Ano ba ang mga nangyari kagabi bago ako mawalan ng malay? At pagkatapos kong mawalan ng malay?
"Ayos ka na ba talaga?" Ngumiti lang ako sa kaniya. Ayos lang naman talaga ako e, sadyang naguguluhan lang.
"Oo, ayos na ako. Baka may ginagawa ka pa." Sabi ko, tumango lang siya at nagpaalam na.
Inaalala ko ang nangyari kagabi pero nawalan nga pala ako ng malay.
Napahilamos na lang ako sa sariling mukha dahil sa inis. Naguguluhan ako. Ang naalala ko may sumakal sa akin pagkatapos ay... pagkatapos ay nakita ko si Kriana na nakangising pinagmamasdan ako habang sinasakal. Ano ang ibig sabihin 'nun?
Pumunta na lang ako sa banyo para maligo at linisin ang aking katawan. Linggo ngayon kaya walang pasok. Baka lalabas ako ng paaralan para bumili ng ilan pang kailangan ko rito.
Matapos kong maligo ay agad akong nagsuot ng sweater at jeans. Oo, lalabas ako ng paaralan. Medyo naguguluhan pa ako sa nangyari kaya mabuti pa at magpapahangin muna ako ngayon. Makapag-isip ng mabuti, yun ang gusto ko.
Kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na sa dorm namin, nilock ko muna ang pinto dahil iyon ang palaging bilin sa akin ni Kriana.
Nakita ko pa si Avis na papuntang library, kinamusta niya lang ako at nagpunta na ng library.
Bago pa man ako makalabas ng paaralan ay namalayan ko na lang na nakatapak na pala ang mga paa ko kung saan nangyari ang karumal-dumal na ginawa ng hayop na iyon sa katawan ng mga studyante?- guro? Naikuyom ko na lamang ang aking kamay dahil sa inis at galit. Paano niya nakayanang gawin ang mga bagay na iyon? Wala man lang ba siyang konsensya? Wala ba siyang pamilya!?
Nandito ako, nakatayo kung saan namin nakita ang pagtadtad niya sa mga katawan ng bikitima niya. Pero nakakapagtaka, wala man lang dugo ang narito at tila ba'y hindi man lang hinukay ang lupa rito. Gusto kong kalimutan ang nakita ko ngunit papano? Tila ba'y nakatatak na ito sa aking isipan at hindi na mabura.
Pagbabayaran niya-nila ang kahayupan nila!
Ang gusto kong malaman ngayon kung sino ang nagligtas sa akin sa hayop na demonyong iyon. Si Kriana ba? Pero imposible ningisihan niya lang ako.
Naghahanap ako ng kung ano mang ebidensya para magsumbong ngunit mukhang tuso ang lalaking iyon, hindi man lang nag-iwan ng ebidensya. Sanay na siguro iyon sa krimen.
Ngayon ko lang naalala, iyong amoy niya. Bakit napaka-pamilyar sa akin ng amoy na iyon?
Para bang kilala ko kung sino ang may-ari ng amoy na iyon.
Napatingala na lang ako nang nagbabadyang tumulo ang luha ko. Kailangan ba talagang mangyari ito? Hindi ko ginusto lahat ng nalaman at nakita ko. Ang gusto ko lang ay tahimik na buhay pero mukhang hindi magiging tahimik ang buhay ko hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang mga taong namatay rito.
Umalis na ako roon at nagpatuloy na sa paglalakad nang mahagip ng mata ko ang isang babaeng nakatingin sa akin. May kakaiba sa tingin niya.
Lalapitan ko sana ito nang bigla na lang siyang tumakbo. Pero teka, ang damit na iyon. Iyon ang suot ni Kriana nang lumabas kami ng dorm kagabi. Si Kriana ba iyon?
Hahabulin ko sana siya pero hindi ko na makita ng mata ko kung nasaan siya.
Sigurado akong 'yon ang suot ni Kriana kagabi. Bakit hindi ko man lang napansin ang mukha ng babaeng iyon? Ang napansin ko langvkasi ay titig niya sa akin.
Sumakay na ako mg tricycle para pumunta ng mall. Mall lang kasi ang medyo malapit dito.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina. Si Kriana talaga iyon 'e. Sigurado ako. Bakit ba ang ilap niya pagdating sa akin?
Nakarating ako sa mall nang mapansin kong may sumusunod sa akin. Lumingon-lingon pa ako pero wala naman ako makita, isiniwalang bahala ko na lamang ito dahil baka napa-paranoid lang ako sa nangyayari.
Nang makarating ako sa mga grocery area ay napansin ko ang lalaking titig na titig sa akin. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy lang sa pamimili. Ramdam ko pa rin ang titig nito.
Nagmadali akong maglakad pero ramdam ko pa rin ang pag sunod nito. Nang dahil sa pagmamadali ay bigla na lamang akong nakabangga.
"I'm sor-" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang tingalain ko ang nabangga ko. Si Kriana.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Bumibili." Skarastikong sagot niya. Napa-iling na lang ako, iba naman pala ang suot niya.
Lilingonin ko sana iyong lalaking sumusunod sa akin nang bigla na lang hilahin ni Kriana ang braso ko.
"Huwag kang lumingon." Aniya. Sinunod ko lang siya dahil napaka-seryoso niya.
Dumaan ang mga minuto ngunit hindi pa rin binibitawan ni Kriana ang braso ko. Mas lalo pa itong himigpit kaya medyo masakit.
"Masakit." Wika ko, umiling lang siya at binitawan ang braso ko. Tinalikuran niya lang ako at nagsimulang maglakad nang hindi man lang nagpapaalam.
Sinundan ko lang siya nang naka-salubong namin ang lalaking iyon.
"Kriana!" Sambit nito habang nakangising nakatingin kay Kri, sinulyapan din ako nito pero agad din ibinalik ang tingin sa kasama ko. Magkakilala sila?
"K-kuya?" Kapatid niya ito?
"Kumusta?" May iba sa tanong niya. Ramdam na ramdam ko iyon.
"N-naka-uwi ka n-na pala." Bakit nagkanda-utal si Kriana? Kapatid niya ba talaga ito?
"Oo, kahapon lang." Nakangisi na ito habang matalim na nakatitig kay Kriana.
"Magkita na lang tayo mamaya. Susunduin kita sa dorm niyo." Wika nito tsaka nilagpasan si Kriana.
Nang lagpasan niya ako ay isa lang ang napansin - naamoy ko.
Ang gamit na pabango ng hayop na sumakal sa akin kagabi.
YOU ARE READING
Escuela De Cementerio [On-Going]
Mystery / ThrillerNaniniwala ka ba na ang paaralan ay dating sementeryo? Ayos sana kung dati pa, pero paano kung sabihin kong hanggang ngayon may nililibing pa rin sa paaralang pinapasukan ng isang Chaira Fontanilla. Makakayanan ba nilang pumasok pa rin? Matutuklasa...