Chapter 11.
Gusto ko nang umalis dito at samahan si Kade sa gym pero ayaw niya pang umalis dahil gusto niya pa akong makasama. I need to meet Kriana pero paano? Kung iiwan ko si Kade ay may posibilidad na mapapahamak siya. Letche!
"You're the students council's president but you're not there." Wika ko. Hindi man lang siya nag-abala na tingnan ako.
"Akira's there, don't worry about it." Kailangan kong makita si Kri. She need to know about those threats but how?
"Kade, please? Just... just listen to me." Inis ko siyang binalingan. Pero parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.
"Kade... please?" Pagmamaka-awa ko. Lumingon naman siya sa akin.
"Bakit ba? Ayaw mo ba akong kasama?" Malungkot na saad nito. Napayuko naman ako, hindi naman 'yon ang dahilan ko. Pinigilan ko siyang umalis kanina but i realized na mas logtas siya sa maraming tao na lugar.
"Hindi naman sa ganun, kailangan ka sa event. Marami pa namang panahon na pwede tayong magkasama o di kaya mag-usap pero ngayon... may activity ang paaralan 'e. Kailangan ka 'dun." He just tsked and stood up. Inabot niya naman ang kamay niya sa akin para tulungang tumayo ako.
"Tayong dalawa ang pupunta ng gym. Let's go." Hinila niya ako pero agad ko ring binitawan ang kamay niya. Kriana and I have a big problem right now.
"Mauna ka na. Susunod ako." Wika ko. Mukhang hindi pa sana siya sasang-ayon pero wala namang nagawa.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na ang kanyang pigura sa paningin ko.
Tiningnan ko ang cellphone ko. Napamura na lang ako nang makita ko kung gaano kadami ang message ni Kriana sa akin.
'Where are you?'
'Chaira, I'm already here. Where the hell are you?'
'Chaira ano ba! Kanina pa ako naghihintay.'
'Where are you?'
'Chaira!'
'Hey.'
I tried to contact her number pero wala pala akong load.
Ano ba to! What should i do? Medyo madilim pa naman dito.
Nilibot ko ang buong building pero walang Kriana. Sigurado naman akong eto lang bagong tayong building dito sa school...where Lilou died. At kung saan ko nakita ang... ang kakambal ni Kriana? Bigla na lang nagsitayuan ang balahibo ko sa aking buong katawan.
YOU ARE READING
Escuela De Cementerio [On-Going]
Mystery / ThrillerNaniniwala ka ba na ang paaralan ay dating sementeryo? Ayos sana kung dati pa, pero paano kung sabihin kong hanggang ngayon may nililibing pa rin sa paaralang pinapasukan ng isang Chaira Fontanilla. Makakayanan ba nilang pumasok pa rin? Matutuklasa...