Chapter 5

13 2 0
                                    

Chapter 5.

Medyo malayo pa ang mga building ng aming room dahil nasa likod na bahagi ang mga dorm. Eto ako ngayon, naglalakad mag-isa. Hindi naman kasi kami close ni Kriana para sumabay ako sa kanya tsaka ang weird niyang kasama. Si Avis naman ay mamaya pa raw siya papasok dahil may project pa raw siyang hindi natapos.


Maaga pa naman kaya hindi ako nagmamadali. Nagmamasid din ako sa paligid, lalo na sa mga bagong tayo na building.

Sa paglalakad ko ay bigla na lamang may bumangga sa akin kaya naman nabitawan ko ang mga folder na dala ko. Nang tingnan ko ito nagulat na lamang ako dahil puno ng pasa at dugo ang kaniyang mukha pati ang katawan niya. Si Lilou!

"What happened to you?" Tanong ko rito. Bakas sa mukha niya ang takot na hindi ko alam ang dahilan.

"Papatayin niya ako..." Aligagang sabi niya habang hindi mapakali.

"Anong ibig mong sabihin?" Nalilito kong tanong sa kaniya. Sinong papatay sa kaniya?

"Papatayin niya lahat ng nakaka-alam ng skereto niya... Pero... pero bakit hindi ka niya pinatay?" Bigla niya na lang hinawakan ang balikat ko tsaka ako niyugyog.

"Teka! Hindi kita maintindihan." Aniya ko, halata namang pinipilit niyang huminahon ngunit takot pa rin ito.

"Huwag kang magtiwala sa kahit sino. Papatayin ka rin niya. Papatayin niya lahat ng nakaka-alam sa skereto niya." Bigla na lang akong nakaramdam ng takot. Bakit ganito?

"Pwede bang sabihin mo muna sa akin ang nangyari sa 'yo?" Hindi pa rin siya mapakali. Sino ba ang may gawa sa kaniya nito?

"Kilala mo siya... Papatayin ka niya... Mag-iingat ka Chaira." Tiningnan niya ako sa mata, medyo natakot naman ako sa tingin niya. Sigurado akong may ipinapahiwatig siya-sila.

"Nalaman ko ang sekreto niya... kaya... kaya papatayin niya ako. Pero bakit hindi ka niya pinatay!?" Bigla na lang siyang namula dahil sa galit. Napakalakas ng sigaw niya kaya ang ibang studyanteng dumaan ay napatingin sa amin. Naguguluhan ako sa lahat ng sinabi niya.

"Ano bang-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang siyang sumigaw.

"Ahhhhhh!!" Sigaw niya habang hawak-hawak ang kaniyang ulo na para bang ang sakit nito. "Tama na!!!" Sigaw nitong muli. Napa-iyak na lang ito at ako naman ay hindi alam ang gagawin. Nababaliw na ba siya?

"Chaira... Chaira, mag-iingat ka. Alamin mo ang totoo, kayo ni Kriana." Bigla na lang itong tumakbo hawak pa rin ang ulo nito.

Napaka-werdo ng mga tao sa skwelahang ito.

Pero ano ang ibig niyang sabihin? Sino ba ang tinutkoy nila? Sino ang papatay? Sino ang demonyo?!



Napasipa na lang ako sa mga batong nadadaanan ko. Letse! Ano ba! Ang gulo ng mga nangyayari!

Hindi ako dumeretso sa isa kong subject, sa halip ay naglakad-lakad lang ako at planong libutin ang kabuuan ng paaralan.

Nandito ako sa likod ng bagong tayong building. Iyong hindi pa tapos at mukhang kagagawa pa lang nila nito. Ngunit may napansin ako sa may gilid. Isang.... Isang pala?

Napapraning na yata ako! Baka sa mga trabahador lang iyan. Pero hindi, e. Ah, basta!

Naglibot-libot lang ako ng bigla ko na lang makita si Kriana.

"Kriana!" Tawag ko rito ngunit hindi man lang ako nilingon nito.

"Hoy!" Dahil sa hindi paglingon nito ay kinalabit ko na lang siya.

Ngunit agad ko ring nabitawan ang kamay niya nang dahil sa nakita ko.

Iyong.... Iyong mukha niya...

Ang raming... Ang raming tahi!

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tinanong ko siya kung saan galing ang mga tahing iyon ngunit pagtitig kamang ang kaniyang isinagot sa akin.

"Halika, punta tayo sa clinic." Aya ko sa kaniya pero tinabig niya lamang ang kamay kong nakahawak sa kaniya. Bigla na lang siyang tumayo at naglakad papalayo sa akin.

Nilapitan ko ito at muli na naman kinalabit ngunit gayon na lang ang pagtataka ko nang hindi ko siya nahawakan.

Inulit ko ang ginawa ko.

Ganon pa rin!

Paulit-ulit ko iyong ginawa at hindi man lang ako kumurap. Ngunit nang kumurap ako ganun na lang ang gulat ko nang wala na akong makitang Kriana sa paligid. Impossible! Ano iyon? Kaluluwa!? What the hell is happening in this place?

Tumakbo ako pabalik sa dorm ngunit nakasalubong kong muli si Lilou na hingal na hingal pa at para bang may tinatakbuhan.

"Lilou! Ayos ka lang ba talaga?" Tumingin ito sa akin ngunit agad ring tumingin sa likod niya. May humahabol ba sa kaniya?

"Hinahabol niya ako! Tulungan mo ako Chaira." Pagsusumamo niya sa akin. Walang studyante rito kaya naman walang makakakita sa amin.

"Sino ang humahabol sa iyo?" Tanong ko rito.

"Si.... Si Kri-"

Bigla... Bigla na lang siyang natumba. Shit! Anong nangyari. Nang kapain ko ang ulo niya 'dun ko lang nakita ang dugo. Sino? Sinong demonyo ang gumawa nito sa kaniya? Tirik na tirik ang araw pumatay pa rin ang hayop na iyon!?

"Tulong!!!" Sigaw ko ngunit mukhang walang makakarinig sa amin dito. Nasa likod na bahagi na ito ng paaralan. Nanginginig ako at nangagatog ang tuhod ko dahil sa takot.

"Tulungan niyo kami!!!" Sigaw kong muli, nagbabakasakali.

Kinapa ko ang pulso niya... ngunit wala na ito. Halos mapa-iyak na lang ako. Ano ba ang nangyari!? Sino ba kasi ang tinutukoy niyang humahabol sa kaniya!?

"Babalikan kita! Hihingi lang ako ng tulong." Sabi ko at agad na tumakbo kahit na nanghihina ang tuhod ko para himingi ng tulong.

Pero labis ang pagtataka ko nang wala man lang akong makitang tao. Ano ba itong nangyayari!

Sinilip ko ang mga classroom at hihingi na sana ng tulong sa mga studyante at guro ngunit walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Pinilit kong magsalita pero wala talaga. Napasipa na lang ako dahil sa inis. Ramdam ko rin ang pagtulo ng luha ko kasabay nang pag-upo ko. Sinong makakatulong sa amin kung wala namang lumalabas na salita sa bibig ko? Ano bang nangyayari sa akin!?

Tumakbo na lang ako pabalik sa kung saan ko iniwan si Lilou dahil hindi rin naman ako makakahingi ng tulong.


Ngunit ganon na lang kaba at takot ko nang wala ng Lilou sa pinag-iwanan ko.

Tanging......

Tanging....... isang pirasong daliri lamang at ang I.D nito.

Nasaan si Lilou!? Kanino ang daliring ito!?

Escuela De Cementerio [On-Going]Where stories live. Discover now