Chapter 12.
Hindi ako natulog sa dorm namin ni Kri kagabi. Masama pa rin ang loob ko dahil sa mga masasakit na salitang binitawan niya sa'kin.
Kau Avis muna ako nakituloy. Papasok na ako ng room nang makasalubong ko ang mga kaibigan ko dati pa. Nakakapagtaka lang dahil nang bumalik ako dito ay hindi na nila ako pinapansin.
Nakakapagtaka rin ngayon dahil bigla na lang silang lumapit sa akin- sa amin ni Avis.
"Chairaaa!!! OMG! Ngayon lang tayo nagkausap. How are you?" Maarteng sabi ni Donna.
"Ayos lang." Simpleng sagot ko nang hindi man lang ngumiti.
Marami kaming magkakaibigan noon, ewan ko na lang kung nasaan yung iba ngayon. Nabigla nga rin ako sa biglaang pagpansin sa akin ni Donna ngayon.
"Oh sya, see you after our class, ah. We need to chika pa!" She giggled like a child. Napangiti naman ako dahil 'dun, nakita ko kasi muli yung oagiging maarte at mahinhin niya. Nagpaalam na siya sa amin kaya naman pumasok na kami sa loob.
"Ayos ka lang?" Nilingon ko si Avis nang magsalita siya. Nasa harap kasi 'yung instructor namin kaya medyo mahina lang ang pagkakasabi niya. Kagabi pa siya tanong nang tanong sa akin kung ayos lang ba ako. Of course, i am.
"Oo nga, makinig ka na, mapapagalitan pa tayo neto e." Naiinis kong tugon. Medyo mainit pa rin kasi yung ulo ko lalo na kapag naaalala ko yung nangyari sa amin ni Kriana kagabi. Isipin mo yun, tinawag niya akong 'malandi'.
"Chill." Bahagya pa siyang natawa nang sabihin iyon. Nakinig na lang ako sa guro namin na nagpapaliwanag ng aming project. Project na naman. Kainis!
***
"I'm sorry." Nilingon ko si Kriana na masa tabi ko lang. I didn't expect that she'll apologize, halos ilang araw rin kasi kaming hindi nagpansinan even if nasa iisang kwarto lang kami.
Hindi naman mataas yung pride ko para hindi siya patawarin. We're not perfect at all.
"Ayos lang." Pilit na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. I want to ask her what happened that night at kung sino yung kaibigan na tinutukoy niya. Pero i think hindi sa ngayon.
"I know you're confused. Y-yung limang babae na namatay ay mga kaibigan ko. B-best friends, i guess?" Her voice cracked and i know any minute she'll cry. Pero kaibigan niya talaga yung lima? How come-? "Pero simula nang natuklasan ko ang panggayaring- alam mo na yun...ay nilayuan ko na silang lahat. Lahat ngkaibigan ko. Ayoko silang madamay pa. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari pa rin pala ang kinakatakutan ko. May mahal sa buhay na naman na nawala sa akin..." Huminto siya tsaka pinunasan ang luhang kumawala sa mata niya. First time saw her crying. " H-hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap. I'm sorry, Aira! I was just frustrated that night. I'm really sorry." Nilapitan ko naman siya tsaka niyakap. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya.
"Hush, Kri. It's okay. Naiintindihan kita, tahan na." Niyakap niya ako pabalik tsaka mas lalo pang umiyak sa balikat ko.
Huminto na siya sa pag-iyak at ngumiti sa akin. Halata pa rin sa mga mata niya ang lungkot at pighati.
"Thank you!" Ngumiti siya muli sa akin, ngayon ko lang yata nakita yung ganiyang ngiti niya.
"Bisitahin ko sila bukas, isa-isa. Ang sakit Chai, nasasaktan ako sobra, hindi ko kayang makita sila na nasa loob ng kabaong."
Bibisita?
"Ibig mong sabihin... yung mga bangkay nila ay nasa pamilya nila?" Gulat kong tanong. Naalala ko kasi si Lilou, ano kayang nangyari sa bangkay niya?
YOU ARE READING
Escuela De Cementerio [On-Going]
Mystère / ThrillerNaniniwala ka ba na ang paaralan ay dating sementeryo? Ayos sana kung dati pa, pero paano kung sabihin kong hanggang ngayon may nililibing pa rin sa paaralang pinapasukan ng isang Chaira Fontanilla. Makakayanan ba nilang pumasok pa rin? Matutuklasa...