Chapter 1

22 4 1
                                    


Chapter 1.

"Anak, hindi ka ba excited? Babalik ka na sa school na iyon." Hindi ko sinagot ang aking ina. Abala ako sa pag-iimpake habang nag-iisip ng malamim. Ayoko na, ayoko nang bumalik pa 'dun pero wala akong magagawa.

"Anak, kalimutan mo na ang nangyari noon." Muling saad niya. Kinalimutan ko na naman talaga 'yon pero mukhang bumabalik na naman. I suffered a lot because of what happened before.

"Ma, kailangan ba talagang bumalik ako 'dun?" Hindi naman ako natatakot sa pwedeng mangyari. Natatakot lang ako dahil baka ano na naman ang masabi nila sa akin.

"Oo naman, miss ka na namin. Madalang nga lang kaming maka-bisita sayo rito." Aniya. Pinagpatuloy ko lang pag-iimpake hanggang sa natapos ko ito. Wala nang atrasan 'to. Kung ano man ang mangyayari sa pagbalik ko 'dun bahala na, kaya ko naman siguro. Kakayain ko.




Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng bus, dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa balat ko. Hindi ko pa rin naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan na para bang natatakot. Natatakot sa kaniya. Noon pa man gusto ko nang malaman kung totoo ba ang nakita ko nang gabing iyon. Noon ko pa gustong malaman kung sino ang demonyong iyon pero may pumipigil sa akin. Hindi ko alam kung ano ito pero may kung ano sa sistema ko na pumipigil sa akin. Pero kung mangyayari man ulit ang nakita ko noon, hindi na ako magdadalawang isip pang alamin ang totoo.

Everyone doesn't care about it and no one believes me. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko guni-guni iyon.

***

"Chaira, pakikuha naman ng bond paper 'dun sa bagong building. Please." Anika uttered. Tumango lang ako at kinuha ang falshlight na nasa bag ko. Gabi na pero nandito pa rin kami sa paaralan. May project kasi kami na kailangan na talagang ipaasa bukas. Lima lang kami dito, hindi naman ako matatakutin kaya hindi na ako nagpasama.

Medyo malayo rin ang bagong tayong building sa room namin kaya inabot ako ng sampung minuto para makarating.

Pinihit ko ang door knob ng isang kwarto kung saan maraming materyales  ang nakalagay. May isang silid kasi dito sa paaralan namin na kumpleto ang gamit. Bale dito kumukuha kung may event or program ang school.

Nakuha ko na ang isang pack na bondpaper, nilock ko na ang pinto ng kwarto. Babalik na sana ako sa room namin pero may narinig akong kaluskos sa likod ng building. Bago pa lang ang building na ito, halos hindi pa nga tapos at marami pang kulang. Hindi ko na sana papansinin ang kaluskos na iyo ngunit may narinig akong kakaiba.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa likod ng building kung saan may narinig ako. Alam kong hindi ko guni-guni iyon, may kakaibang tunog talaga. Iniiwasan kong may matapakan akong kung ano na ikakagawa ng ingay. May ilaw naman dito kaya in-off ko na ang flashlight ko.

Ngunit hindi pa man ako nakakapunta sa likod na bahagi building ay may nakita na  akong anino. Anino ng isang lalaki may hawak na.... pala? Construction worker? Pero imposible hanggang 6pm lang ang trabaho nila at hindi rin hinahayaan ng principal na dito sila matulog. Hindi na ako nagdalawang isip na silipin ito.

Medyo madilim din sa dito sa likod kaya nahihirapan akong makita kung sino ito.

'Dun ko lang napansin ang isang mahabang kahon. Kahon ba? Hindi ko masyadong maaninag. I-oon ko sana ang flashlight nang may matapakan akong isang cellophane na siyang gumawa ng isang tunog. Agad akong nagtago sa may basurahan.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtambol ng aking puso. Nanginginig ang mga labing pilit hindi gumagawa ng ingay. Mabigat na hininga ang binibitawan ko. Natatakot ako. Hindi ako sigurado sa nakita ko pero alam kong isang..... isang kabaong iyon.

Nang dumaan ang mga minuto at sigurado akong wala na siya ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at muling sumilip.

Ngunit nagkamali ako, naroon pa rin siya at naghuhukay. Nanginginig pa rin ako at kinakabahan pero hinintay ko ang mga sandaling titigil siya sa paghukay.

Ilang minuto rin akong naghintay nang tumigil na siya. Akala ko ay aalis na siya ngunit may kinuha siyang kung ano sa gilid.

Isang.… Isang babaeng walang malay? Tumutulo pa ang dugo na halatang nagmumula sa ulo nito at sa kung anong parte ng kaniyang katawan. Muling nangatog ang tuhod ko, nanghihina ako habang tinitingnan ang ginagawa niya. Inilagay niya ito sa kabaong at dahan-dahang hinila patungo sa hukay na kaniyang ginawa.

Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa takot. Hindi ko alam ang iisipin ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatakbo ba ako o maghihintay na lang na umalis siya. Isang pigura lang ng tao ang nakikita ko, hindi ko alam kung tao ba ito. Kung sino ba ito?

Pumunta ako sa isang gilid at 'dun umupo, hihintayin ko na lang na maka-alis siya. Gusto ko man malaman kung sino ang babaeng iyon ngunit nangingibabaw pa rin sa akin ang takot. Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong takot dahil hindi naman talaga ako matatakutin. Pero ngayon, iba, takot na takot ako.

Naka-upo ako habang yakap ang mga tuhod ko. Nangingig pa rin ako at rinig na rinig ko pa rin ang pagtambol ng aking puso. Patuloy sa pag-agos ang aking mga luha. Gusto ko nang umalis dito, gusto ko nang tumakbo pero hinang-hina ang tuhod ko.

***

"Anak, bakit umiiyak ka na naman?" Tanong sa akin ng aking ina. Hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako, sa tuwing naaalala ko ang panggayaring iyon ay hindi pa rin nawawala ang takot ko. Panggayaring bumago sa buhay ko.  Pinunasan ko ang mga luha ko at sumandal sa balikat ni mama.

Maraming nagbago sa akin, simula nang mangyari iyon. Halos lahat ng kumaka-usap sa akin ay nawewerduhan. Ngunit wala akong pake, marami akong collections ng mga libro tungkol sa mga taong kriminal. Naging mahilig din akong magbasa ng mystery or thriller na mga novel o story. Nagre-search din ako pero walang nangyari. Wala akong nakuhang sagot. Basta ang alam ko ay totoo ang nakita ko, hindi nagsisinungaling ang mga mata ko. Kahit pa itinuring nila akong baliw dahil sa mga sinasabi ko. No one can change my mind. Ang sabi ng iba baka panaginip o guni-guni pero hindi ko na sila pinakinggan.

Pinahukay nila noon ang sinabi kong bahagi ng paaralan pero wala. Wala silang nakitang bangkay o kabaong man lang. At yun din ang ipinagtataka ko.

Sa pagbalik ko man 'dun at mangyayari iyong muli. Aalamin ko ang totoo, aalamin ko kung sino ang nasa likod nito. Aalaminin ko lahat. Hindi ako sigurado kung unang beses ba na may inilibing ang demonyong iyon sa paaralan namin pero sigurado akong may inilibing siya doon.

Naniniwala ako sa multo, pero mas naniniwala ako sa taong demonyo.

Ngunit sino nga ba ang demonyong ito?


Escuela De Cementerio [On-Going]Where stories live. Discover now