6

19 4 5
                                    

Pagbalik ko ay agad akong sinalubong ni Kyle sa loob. Sinuot ko ang apron ko at tinali ulit ng maayos ang buhok ko.

"Saan ka galing?"

"Kumain." sagot ko habang lumalapit sa lababo para maghugas ng kamay.

"Kyle, ikaw maghahatid kapag sa second floor ah?" sabi ko sa kanya bago lumabas ulit.

"Bakit?"

"Basta."

Lumabas ako at naramdaman ko pagsunod sakin ni Kyle. Agad lumapit sakin si Rose.

"Hatid mo do'n. Medyo maraming tao ngayon. May birthday kasi."

Tumango ako at lumapit sa table para ilagay ang alak nila. Kumunot ang noo sakin 'nung lalaki sa tapat ko pero tuloy tuloy ang lagay ko ng alak.

"Erickson, tara?"

Umalis agad ako pagtapos kong ilagay ang alak sa table nila.

Lumalalim ang gabi pero mas dumarami ang mga tao. Masyado ng siksikan sa loob ng Night Club dahil ang mga nasa second floor na bumaba na para makisayaw.

Buti na lang hindi ko pa nakikita ulit si Vincent o ang mga kaibigan n'ya.

Napatingin ako sa biglang nagsigawan na tao. Kahit malakas ang tugtog ay mas nangingibabaw ang sigaw ng mga tao.

Nakipagsisikan ako sa mga tao para makita kung anong nangyari. Nakita ko 'rin si Kyle at Rose na lumapit sa nagkagulo.

May away ata, dalawang babae. Nakaupo 'yung isang babae sa lapag habang 'yung isang babae naman ay hinila 'yung nasa likod n'yang babae palabas.

"Gosh! Nakakahiya si Jaila."

"Don't mess with hitler."

Narinig ko ang bulong bulungan sa paligid. Maraming tumawa sa nangyari at agad 'din bumalik sa pagsasasaya.

Lumapit ako ng itayo ng lalaki ang babaeng nakayuko lang. Lumapit ako para tulungan, lumapit 'din si Kyle para punasan ang tubig na nasa lapag.

"Don't touch me!"

Tinulak ako 'nung babae pero agad 'din akong nasalo ni Kyle sa likod. Aba't gago to ah? S'ya na tinulungan, s'ya pa galit.

"Stop it Jaila!" sigaw sa kanya 'nung lalaki sa likod n'ya at hinila s'ya ng bahagya.

"Jaila! You ruined my party!"

Nakayuko lang yung babae. Tumingin 'yung lalaki sa likod n'ya sa babaeng dumating.

"I'm sorry, Sera."

"Oh, shut up Drake!" inis na sabi 'nung babaeng nasisiguro kong s'ya ang may birthday.

Hinihilot ko ang ulo ko habang nag aantay kami ng masasakyan pauwi ni Kyle. Madaming nangyaring sa Night Club. Sumakit ang ulo ko at antok na antok na ko.

Buti na lang at wala akong pasok. Makakapagpahinga ako kahit papano. Buti na lang 'din ay nakakatapos ako ng mga projects kahit sobrang busy ko sa mga raket.

Paguwi sa bahay ay agad akong natulog. Hindi na ko nag abalang alamin kung nandito ba ang nanay ko.

Naalimpungatan ako dahil sa tawag, inangat ko ang ulo ko habang nakapikit galing sa pagkakadapa pero agad ko 'din binaba ng mamatay ang tawag.

Napadilat ako at inis na tumayo para hanapin ang cellphone ko ng tumunog ulit. Nang makita ay hindi ako nag abalang tingnan at sinagot agad.

"Sino ba 'to? Kanina ka pa tawag ng tawag! Natutulog ako!"

Losing you (Y #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon