3

31 4 9
                                    

"Ginagawa mo 'dito?" Tanong ko kay Kyle ng sundan n'ya ko palabas ng Night Club.

Nagsindi ako ng sigarilyo na agad n'yang kinuha at tinapon. Tinulak ko s'ya at hinampas ang braso n'ya.

"Ano ba! Sayang 'yung isa! Alam mo bang syete ang isa n'yan!" Inis na sabi ko habang kumuha ng panibagong sigarilyo.

"May raket ako 'dito." Tumingin s'ya sakin habang humihithit ako ng sigarilyo, "Tigilan mo nga 'yan. Magkakasakit ka n'yan."

Inirapan ko s'ya, "Minsan lang naman. Alam mong nakakastress ang nangyari kanina!"

"Bakit ka pa kasi tumatanggap ng trabaho sa Clubs?"

Binuga ko ang usok bago sumagot sa kanya, "Kailangan ko ng pera."

"Pwedi naman sa restaurant, Ana."

Tumingin ako sa kanya, "Kahit anong trabaho na marangal para sakin tinatanggap ko, Kyle. Alam mong ako lang nagpapa aral sa sarili ko."

"Pwedi ka naman kasing humingi kay Aling Cion."

"Gago! Alam mo kung saan kinukuha no'n ang pera."

Umiling s'ya, "Taas 'din kasi ng pride mo."

Tinapon ko ang sigarilyo ko at tinulak s'ya ng bahagya, "Ewan ko nga sa'yo! Hindi ko alam kung naiintindihan mo ba ko o ano." inis na sabi ko bago pumasok ulit.

May ilang oras pa ko kaya kumain na lang ako ng konti at pagkatapos ay bumalik na ko sa pagtratrabaho.

Puro sa labas na lang ako inuutusan at hindi na ko ang naghahatid sa mga VIP rooms, nakabantay 'din sakin ang mga mata ni Kyle bawat hatid ko ng mga alak sa mga lamesa.

Malaki ang ngiti ko habang nagpapalit ng damit, kahit pagod at antok na ay okay lang dahil sa mga tip sakin.

Napalingon ako sa pumasok na si Rose na nakangiti sakin, inabot n'ya sakin ang 1500.

"Salamat." Kinuha ko 'yun at nilagay sa bulsa at tumingin ulit sa kanya, "Sabihan mo ko kapag meron ulit ah?"

"Oo naman."

Tumango ako at kinuha ang bag ko para lumabas na. Kinukuha ko ang wallet ko habang palabas ng mapansin ko si Kyle na nagaantay sa labas.

"Oh..." Huminto ako.

"Sabay na tayo umuwi."

"Okay."

Nagulat ako ng may pinara s'yang taxi. Binuksan n'ya ang likod at tumingin sakin.

"Mahal jan..." mahinang sabi ko dahil baka marinig ng driver.

"Tsk." hinila n'ya ko at hinawakan ang ulo ko papasok sa loob.

Inirapan ko s'ya habang inaayos ang bag ko sa kandungan ko. Kinuha ko ang wallet ko at hinawakan na lang para madali kapag naghati kami sa pamasahe.

Humikab ako habang tumitingin sa labas. Tumingin ako kay Kyle na nakatingin 'din sa labas. Humikab ako ulit at umurong ng konti sa kanya para sumandal sa balikat n'ya. Nanatili s'ya sa ganung posisyon at hindi nagsalita.

"Gisingin mo ko kapag malapit na tayo." pumikit ako pagkatapos kong sabihin 'yun.

Nagising ako ng tapikin n'ya ang pisnge ko. kinusot ko ang mata ko at tumingin sa labas. Nasa tapat kami ng bahay namin.

Dali dali akong bumaba at kinalkal ang wallet ng pigilan n'ya ang kamay ko. Umiling s'ya at tumalikod sakin para lumapit sa driver. Nagabot s'ya ng pera do'n at tumingin sakin.

Kinindatan n'ya ko, "Sagot kita."

Ngumiti ako at lumapit sa kanya ng makaalis ang taxi. Tinapik ko ang pisnge n'ya at tumawa.

Losing you (Y #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon