7

19 3 5
                                    

"Manyak ka!" sigaw ko sa kanya habang nakatalikod ako.

"W-What? Hindi ako manyak! Ikaw tong... fuck!"

Narinig ko ang pagbukas ng sasakyan n'ya at pag sara. Naramdaman ko ang pagbato n'ya ng jacket sa ulo ko.

"Aray! Gago ka ah?!"

"Suotin mo 'yang jacket ko."

Mabilis kong sinuot at sinara ang zipper ng jacket. Tinignan ko muna kung halata pero buti hindi naman.

Dahan dahan akong tumingin kay Vincent na nakaiwas pa 'din ang tingin sakin.

"O-Okay na..."

Tumango s'ya pero hindi pa 'rin s'ya tumingin sakin.

Nakarating ako dito ng walang bra? Napaiwas ako ng tingin habang hinihigpitan ang hawak sa jacket na suot ko.

Nakita n'ya 'di ba? Nakita n'ya. Alam kong pulang pula 'din ako. Napakagat ako sa labi habang tinitingnan si Vincent.

"A-Ano... uh..."

"Get in my car. Ako na ang o-order."

Pinatunog n'ya ang sasakyan n'ya. Tumango naman ako at agad agad pumasok sa sasakyan n'ya.

Nanatili ako sa loob ng sasakyan n'ya. Kinapa ko ang dibdib ko. Wala talaga akong bra.

Napailing ako, tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Wala akong kaayos ayos, ni hindi ako nagsuklay.

Inayos ko ang buhok ko, sinuklay ko gamit ang daliri ko. Binasa ko ang labi ko at ngumiti sa salamin.

Gabi na pero bakit ang ganda ko pa 'rin? Hays.

Binuksan ni Vincent ang likod ng sasakyan n'ya at pinaupo n'ya ko do'n. Malawak ang parking lot ng fast food na 'to.

Inabot sakin ni Vincent ang isang paper bag ng hindi nakatingin sakin. Naiilang pa 'rin s'ya sakin, kahit ako ay naiilang pa 'rin.

Napatakip ako ng pasimple sa dibdib ko at nakita kong napansin n'ya 'yun.

Umubo s'ya at dahan dahan umupo sa tabi ko.

"B-Bakit kasi hindi ka nagsusuot ng... paano kung..."

Nilabas ko ang dalawang burger at isang large fries. Akin ba lahat 'to?

Tiningnan ko ang hawak n'ya, parehas kami ng order. Nilagyan n'ya ng straw ang McFloat at nilapag sa tabi ko.

Nilatag ko ang tissue sa gilid at binuksan ang ketchup para do'n ilagay bago sumagot sa kanya.

"Matutulog na kasi dapat ako."

"Matutulog ka ng walang bra?"

Uminom ako sa McFloat, "Oo."

Tumingin s'ya sakin, "Bakit?"

Kinagat ko ang burger na hawak ko, "Bakit ka ba interesado?"

Umiling s'ya at uminom ulit sa McFloat na hawak n'ya, "Nothing."

Kumuha ako ng fries at sinawsaw sa ketchup. Naalala ko kung anong nangyari kanina.

"Bakit nga ba kayo nagmamadali kanina?"

"Naaksidente 'yung dalawang kaibigan namin kagabi, patay 'yung isa."

Natigilan ako sa pagkuha ng fries at tumingin sa kanya. Bigla tuloy ako nakosensya. Nainis inis pa ko importante naman pala 'yung kanina.

"Sorry. Hindi ko alam."

"Sorry din, hindi ko nasabi sayo agad. Biglaan kasi 'yung tawag kanina."

Losing you (Y #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon