14

22 2 2
                                    

Bored na bored ako habang nakaupo sa quadrangle. May practice kami ng graduation ngayon at tirik na tirik ang init.

Wow. Sunugin ba kami??

Sobrang sakit pa naman ng balat ko kapag natatapat ng matagal sa araw.

Kung kailan last practice na ng graduation ay do'n pa ko na bored. E paano ang daming echebureche ng mga tao 'dito.

Napatingin ako ng sikuhin ako ni Cj na nasa tabi ko. Napairap ako sa pangtritrip n'ya at hindi s'ya pinansin.

Siniko n'ya ko ulit kaya napatingin ako sa kanya. Umiwas s'ya agad ng tingin at nag kunwaring walang ginagawang kagaguhan.

Humarap ako ulit at hindi s'ya pinansin.

Isa pa may kalalagyan ka.

Ilang minuto ay naramdaman ko na naman ang pag siko n'ya kaya buong pwersa ko 'rin s'ya siniko.

Napasigaw s'ya habang nakahawak sa tagiliran n'ya. Maraming napatingin saming estudyante.

"Ano isa ka pa?" tanong ko habang tinitingnan s'yang namimilipit sa sakit.

"Taena, Ana. Sobrang sakit." daing n'ya habang hawak ang tagiliran n'ya.

Halos napayuko na 'rin s'ya sa lakas ba naman ng siko ko sa kanya.

Ngumiti ako at tinapik ang braso n'ya, "Tama lang sayo 'yan."

Inis n'yang hinawi ang kamay ko. Inirapan ko naman s'ya at kinuha ang cellphone ko sa bag na tumutunog.

Nakita kong si Vincent ang tumatawag, problema na naman 'nito?

"Oh?" walang gana kong sagot at sumandal sa upuan.

"Where are you?"

"School, bakit?"

"Susunduin kita jan ngayon."

"Ha? Practice namin ng graduation." tumingin ako sa paligid.

Hindi pa tapos 'to at pakiramdam ko medyo matagal tagal pa matatapos.

"Lumabas ka na." at pinatay n'ya ang tawag.

Napatingin ako ulit sa paligid, nakita ko 'yung mga prof. na nag uusap sa gilid.

Napatingin ako kay Cj, na hawak pa 'rin ang tagiliran at masama ang tingin sakin.

"Aalis ako." sabi ko at tumingin ulit sa paligid kung saan ako pwedi tumakbo paalis.

"Pake ko?"

Napairap ako sa sinabi n'ya. Gago amp. Kinalma ko ang sarili ko. Kapag inaway ko pa 'to si Cj baka hindi ako tulungan.

"Tulungan mo ko." mahinahon kong sabi.

"Isusumbong kita."

Inayos ko ang bag ko at tumingin sa kanya, "Isumbong mo. Sisiraan naman kita kay Emma."

Naningkit ang mata n'ya sakin , "Demonyo ka ba?"

Tumango ako at tinuro sa kanya yung prof. na nagbabantay sa gilid namin.

"Kausapin mo, aalis na ko."

Umiling s'ya at dumiretyo ng tingin sa harap. Aba't!

"Sisira--"

"Ma'am, pwedi po mag-cr?"

Napangiti ako agad sa biglaan n'yang pagtayo. Nice.

Nakaharang sakin si Cj kaya agad akong yumuko at umalis ng mabilis.

Maraming estudyante ang nakatingin sakin pero tuloy tuloy lang ako hanggang makaalis.

Tumakbo ako palabas ng gate at huminto pagkalabas. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang hingal.

Losing you (Y #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon