11

22 3 12
                                    

Napahawak ako sa ulo ko pagbangon ko. Tang ina! Ang sakit! Hindi na talaga ako iinom. Napatingin ako sa paligid ko, nanlaki ang mata ko dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar.

Tiningnan ko ang damit ko, shit! Iba ang damit ko!! Napatayo ako at agad 'din napaupo sa sakit ng ulo.

Tumayo ako nang makabawi at dahan dahan lumabas sa pinto.

Nagulat ako ng maabutan sa sofa ang natutulog na si Vincent. Nanlaki ang mata ko. Paano ako napunta dito?

Napahawak ako sa ulo ko at napapikit.

Isip isip...

Napadilat ako ng maalala ang pagtawag n'ya sakin kagabi. Hindi lang 'yung ang naalala ko, naalala ko 'din ang paghuhubad ko ng t-shirt sa harap n'ya!

Namula ako sa naalala. Sinampal ko ng mahina ang mukha ko.

"Ang bobo mo talaga!" mahinang bulong ko sa sarili.

Mas lalo akong namula nang maalala ko lambot ng labi n'ya sa labi ko. Pota! Ano 'yun, Anastasia?!

Bakit may paghalik kagabi??? Lasing na talaga ako kagabi. Tsk!

Bago pa magising si Vincent ay bumalik sa kwarto n'ya at nakita ang cellphone ko sa table ng gilid ng kama. Mabilis ko 'yun kinuha at mabilis 'din lumabas ng unit n'ya.

Nasa elevator ako ay pinagtitinginan ako ng mga tao.

Bakit? May dumi ba ko sa mukha? Napayuko ako at pasimpleng tinanggal ang muta sa mata.

Pag labas ko ng condo ay pinara ko agad ang taxi na dumaan. Sinabi ko agad ang address ng bahay namin.

Wala akong pera 'dito pero pwede naman pakiusapan na pag dating sa bahay ay kukuha muna ako ng pera.

Bago makalayo sa building kung saan ang condo ni Vincent ay nanlaki ang mata ko.

Canlas Garden

Shit! Ang mahal dito! Pang mayaman talaga.

Eksaktong pagdating sa bahay ay kararating lang ng nanay ko. Nagulat s'ya ng bumaba ako ng taxi.

"Ma penge muna 500." lapit ko sa kanya .

"Saan ka galing?" tanong n'ya habang kumukuha sa wallet n'ya.

Binayaran ko agad ang taxi at dire-diretyong pumasok sa bahay. Naramdaman ko ang pag sunod sakin ng nanay ko.

"Saan ka galing?"

Kumukuha ako ng tubig at isang biogesic dahil sobrang sakit pa 'rin ng ulo ko. Pagtapos kong uminom ng tubig ay tumingin ako sa kanya.

"Sa kaibigan ko."

"Akala ko na kala Kyle ka lang? Nagpunta 'yun kagabi at tinatanong kung nakauwi ka na ba."

Binaba ko ang baso at naglakad papunta sa hagdanan.

"Anong sinabi mo?'

"Syempre, sinabi kong hindi pa."

Kinuha ko ang cellphone ko habang umaakyat sa kwarto ko. Dalawang missed calls at isang incoming calls na 30 seconds.

Binuksan ko ang kwarto ko at agad humiga sa kama ko. Nagtataka kong tiningnan ang cellphone ko. Hindi ko maalala na sinagot ko ang tawag ni Kyle.

Hindi kaya si Vincent ang sumagot?

Naibaba ko agad ang cellphone ko ng bumungad ang tawag ni Vincent. Nang mawala ng tunog ay agad kong pinatay ko ang cellphone ko.

Tila nawala ang kapal ng mukha ko sa ginawa ko kagabi. Pakiramdam ko hindi ko pa kayang harapin si Vincent.

Losing you (Y #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon