Chapter 1: Memories and Wedding Bells

3.6K 64 7
                                    

CAMILLE's POV

Mula sa bintana ng kwarto ko ay tinitignan ko ang mga nag-aayos ng mga mesa sa bakuran namin.Kasal ni Ate Cha ngayon.Dito na rin sa bahay namin gagawin ang reception.

Nagulat pa ako nung may pumasok sa kwarto.

"Cams ready ka na?" si Cienne lang pala.

Tipid na ngiti ang isinukli ko.Saka ko kinuha ang maliit kong pouch sa kama

Paglabas namin ng kwarto,ready na rin si Ate Cha.Wow,she's even more gorgeous than before.Ang swerte nya.Mahal na mahal sya ni Kuya Nathan (sorry guys,kathang isip lang to). Their love will last forever dahil mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Cams,tulala ka nanaman" sabay siko sakin ni Cienne.

"Huh?Ah eh may naalala lang ako" sagot ko sa kanya.

"Then I wouldn't guess kung sino at ano."

Tinignan ko lang sya nang biglang sumingit si Ate Cha."Cams,we sent an invitation to the Cervezas.I hope okay lang?"

"Ate it's been 3 years.Naka move on nako" sabi ko kay Ate Cha.

"Talaga lang ah Cams" sumabat nanaman kambal ko. "Sa pelikula lang yang move on eklavoo na yan" dagdag uli nya saka nya ako tinignan na may nakakalokong ngiti.

"Tingin ko wala namang problema kahit andito ang mga Cerveza" sabi ni Mommy.

Si Daddy tahimik lang pero bigla rin syang sumagot."Iha,don't expect me to welcome thrm with a warm greeting but I promise I will be very civil."

"Tapos naman na yun" sabi uli ni Mommy.

"Please it's my big day.I don't want my family to dwell into the past.Naka move on ka na Cams hindi ba?I want all of us to be happy,walang bad vibes ngayon" pagmamakaawa ni Ate Cha.

"Let's go" sabi na ni Daddy samin.

F/F SA SIMBAHAN

CAMILLE's POV

.......you may now kiss the bride.Finally sealed with a kiss.

Ang daming tao ngayon dito sa simbahan.Mga dating teammates,si Coach Ramil dumalo rin,even some of the players from the other teams at syempre hindi mawawala ang mga nagmamahal na mga fans.Grabe parang reunion ang kasal ni Ate Cha.At pag may Kasal,may tut tut tut.........

KODAKAN!!!

Nalilito na nga yung dalawang photographer. Mistulang UAAP Finals ang nagaganap.Kulang nalang TV Coverage at confetti.Naiisip ko nanaman sya.At himala,ni anino ng Pamilya Cerveza hindi ko pa nakikita.

"Uy,para kang naka-batak dyan.Ano nanaman ba ang bumabagabag (wow what a word) sayo? Si Carol?" sabay tapik sakin ni Cienne.

Haay Cienne,kelan mo ba tatantanan ang POV ko.

"Naisip ko kase kung natuloy ba yung sa amin ni Carol,ganito rin kaya kagulo at kasing saya?"

"Cams,akala ko ba move on ka na?Sinasabi ko na nga ba...Alam ko kung gano kasakit,pero nangyari na.Everything happens for a reason.Maybe she's not the one for you.Sabi nga ni John Lloyd Cruz sa One More Chance-na kaya ka iniiwan ng taong mahal mo baka kase may darating na mas ok.Yung magmamahal sayo,yung hindi ka iiwan,yung hindi ka paasahin.Oh diba memor...."

"She loved me at my worst.You had me at my best" kako naman.Sabay pa kaming nag-apir.

"Epic yung pelikulang yun" sabi uli ni Cienne.

"Pero kambal,hindi lalaki ang umiwan sakin.Babae at naging best friend ko pa nung high school" sabi ko.

"Kaya nga,ikaw na nagsabi na babae ang umiwan sayo.Hindi ba dapat mas determinado kang kalimutan na sya.Sinasabi ko sayo,darating ang love of your life.Hayaan mo na si Carol,kung ano man ang dahilan nya 3 years ago.Nakita namin kung paano ka nasaktan,nadapa nung arae na yun.Nandun kami Cams,iniwan ka ba namin?Nasa likod mo lang kami,nakasuporta sayo."

"Thank you kambal.Haba ng dialogue mo pero may sense naman.Hindi lang yung araw na yun ang pagkakadapa at pagkakabagsak ko.Meron pa,nung laban natin against FEU season 74.Heheh"

Sabay tawa namin "Oh kita mo,you can manage to laugh and be happy" sabi ni Cienne sakin.

""Syempre naman noh" sabi ko sa kanya.

"Mga anak,nagsasarili kayo,umiral ulit ang twins world ninyo" si Mommy.

"Sorry Mom" sabay pa kaming nagsalita ni Cienne.Kambal talaga.

"Let's proceed to the reception at gutom na ang mga bisita" si Mommy uli ang nagsalita.

"Si Mika lang ata ang gutom" sabat ni Kim.

Nakayuko lang si Mika at hinahaplos ang tyan.

"Hoy Kim hindi....

hindi ka nagkakamali."

Saka kami nagtawanan.

Goodluck sa reception.Saka ako bumuntong hininga.Pupunta pa kaya sya? Sana hindi na.

¤♡¤♡¤♡¤♡¤♡¤♡¤♡¤♡¤♡¤♡¤♡¤

Hi Guys.Sana tangkilikin nyo po ang unang FanFic ko.I'm a big fan of the Lady Spikers and I thought it'll be cool to write stories about these incredible girls,magco-concentrate muna ako sa CamVeza.Open minded naman tayo.At sana,no haters please.

It Will Always Be You (CamVeza Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon