Chapter 9: I spy with my little eye

1.5K 39 9
                                    

CIENNE's POV

Author ah, next time dapat mas marami na POV ko( sige gagawan kita ng fanfic mo. Sinong gusto mong partner) Anyway,pansin ko kay Carol these past few days,laging balisa. Ang aga aga pa nyang pumapasok. Kulang nalang makipagsabayan sya sa mga guard ng DLSU at maintenance ng school. Hmmmm...

Makapag espiya nga... Shoot... Ayan na sya pababa na...

CAROL: Good morning. Ang aga mo ah.

CIENNE: Kaw din.

CAROL: heh heh

CIENNE: Ang aga mong nakabihis. May lakad ka?

CAROL: May pupuntahan lang saglit.

CIENNE: Ang lalim na ng mga mata mo.Puyat?

CAROL: Medyo...

CIENNE: Hindi ka siguro pinapatulog ni kambal. Masabihan nga na wag ka nyang isipin lagi. Ooopppsss... Naughty me. Hihih

CAROL: Asus, buti hindi pa sya gising, marinig ka nun (sana nga ako ang iniisip...di ako makatulog kase ako ang mas nag-iisip sa kanya- bulong sa sarili)

CIENNE: Hmmm...Eto kain ka muna. Nagluto nako ng breakfast.

CAROL: Thanks Cienne but I have to go.

CIENNE: Ah okay. Magkape ka man lang sana.

CAROL: Hinde wag na

CIENNE: O kaya gatas nalang Para tumangkad ka pa lalo.

CAROL: Thanks Cienney you're so sweet kaso nagpahinga na growth hormone ko (sana kasing sweet mo yung kambal mo) but I really have to go.

CIENNE: Okay...Bye

At lumabas na nga sya. Susundan ko sya. Dibale kiti-kiti ako. Hindi nya ako mapapansin. Kinuha ko muna ang black jacket, black hat at shades ko and my binoculars. Operation agent 015- yiz!

Sinilip ko muna kung sang direksyon ang punta nya. Nung sigurado nako, saka ako lumabas.

Buti nalang maraming pagtataguan habang sinusundan ko sya hanggang sa nakarating kami sa...

Nyeta, sa school lang pala. At least dala ko id ko. Anong ginagawa nya dito na sobrang aga. Sabi nga nila the early bird catches the worm.

Bull's eye! Huli ka. Buti nalang may malalaking bush na pwedeng pagtaguan. Medyo malayo sa kinaroroonan ni Carol pero okay lang may binoculars naman. Makakapagtago ako dito sa sobrang payat ko.

Wait, looking through my binoculars...WTH...

Bat may dala syang mga garden tools. Tama hinala ko, manghuhuli sya ng u-od, bully rin to eh. Para san yung u-od, ugh...stop it Cienne.

Oh baka naman may itatanim? Anong plant kaya? Siguro magtatanim ng sama ng loob pwede pa.

Naku, Kelan pa naging hardinera yang si Carol. May flower contest ba sya na sasalihan o baka hahabol sya sa Panagbenga Festival sa Baguio.

Alam ko na. May ibabaon siguro. Ano naman? Ah alam ko na, ibabaon nya sa lupa yung mga nangyari sa kanila ni kambal. Nakakaintriga ah.

Teka nga, bat parang may kausap sya. Is she talking to someone o sa sarili nya.

Lagot, bangag na ata tong si Carol. Hindi na siguro matanggap yung cold treatment ni Cams sa kanya. Lagot si kambal, hindi nako magtataka if one of these days kakantahin na ni Carol yung I drive myself crazy.

Baka hindi na jersey ang isusuot ni Carol, baka maging straitjacket na. Iba na tama nya. Sana ganyan din si crush ko sakin.

I'm done.

Makaalis na nga, baka makita pa nya ako dito.

Mweerrp... uh oh... ahm author help please.

(Ginusto mo yan Cienney, kaya panindigan mo)

Okay fine. Hindi nya ako pwedeng makita dito. Ano ba tong nasabit. Yung tali ng binoculars. Ngayon ka pa umepal.

Eeehhh kase naman Cienne. Kakaimbestiga mo... inusisa pa kase ang buhay ng iba. Sana umalis na sya. Patay... Haiisst... Medyo Najijingle pa naman ako. Diyos ko help me please. Lord I promise di nako mag-iimbestiga, hahayaan ko na si Carol please. Basta wag nyo hayaan na makita nya ako dito.

CAROL's POV

Author busy ako sorry. Mamaya mo nako bulabugin. Speaking of, napansin ko na parang may gumagalaw sa malaking bush, Pusa kaya na na-trap. Kuneho. Sobrang makagalaw eh. O baka naman fox.( nyikes, walang fox dito sa pinas Carol)

Oo nga naman. Pero nadi-disturb ako. Nawawala ako sa concentration sa ginagawa ko. Matignan na nga. Tutulungan kita kahit inistorbo mo ako.

CIENNE's POV

Lagot... Pano na yan. Nakatingin sya dito. Putik,anong ginagawa nya. Whhhhaaaattt... papunta sya dito. Oh my gosh... papalapit na sya. Aaaaarrrggggh. Just be calm Cienne..Konti nalang...

CAROL's POV

Malapit nako. Mahuhuli rin kitang istorbo ka. Nyahahaha!

Saktong nasa tapat nako nung biglang may lumabas. Hindi hayup pero tao...stalker kaya? Tapos tinulak pa ako. Irereport ko mamaya. Habulin ko muna. Naka all black pa.

CAROL: Huy sandali!

Kung san san nya ako pinahabol. Buti wala pang masyadong estudyante.

Hinabol ko pero parang si Usain Bolt sa bilis.

Sayang...San na kaya nagsuot yun.

Hiningal pa ako. Pasalamat sya at hindi ko sya nahuli. Dahil kung nahuli ko sya... naaaahhh never mind.

CIENNE's POV

Hindi ako makahinga....that was close. Malamig sa labas pero ako tagatak na pawis ko. Yeah! Buti hindi ako nahuli. Hindi lang pang-sports, pang-movies pa.

Na-guilty naman ako kase natulak ko si Carol. I hope she's okay. Pero kailangan.

Thank God. Sabi ko na nga ba hindi ako mahuhuli, kiti-kiti. Kailangan ko ng magpalit.

What you see,what you hear when you leave, leave it here. Agent 015 signing off.

_______________________________

Thank you po sa votes. Not so good but I'm going to work hard para po mas maging gumanda... Ciao

It Will Always Be You (CamVeza Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon