Chapter 22: Perdoname

1.2K 37 16
                                    

CAROL's OFFICE

CAROL: Ibang klase talaga ang dating ko...tsk. Gwapo na maganda pa. GWA-DA for short. Heheee.

Pinapanood pa rin nya si Camille sa laptop, natigil lang nung pumasok ang secretary nya.

Samantala, si Camille sa bahay ni Carol hindi pa rin tapos sa pagtitrip (epekto ba yan ng hindi mo masyadong paglaro Cams)

Umaaktong nagluluksa pa rin...haaay

CAMILLE: Oh yung mga bata itawid nyo na! Hanapin nyo yung sisiw at pwedeng palakihin, gawing lechon manok...tatanggapin ko ng wala ka na Carol. But where is justice...huhuhuuhuuu...Carol, sino kaseng tumulak sayo mula sa bubong... umisplit ka, yan tuloy hindi ko alam kung san ang ulo mo. Bat Parehong paa???...Isara nyo na. Sige na nga isara nyo na, diko ma-take ang hitsura nya. Don't worry baby Caaarroooolll!!! Ipaghihiganti kita!!!

Pagkatapos nilagay nya ang kanang kamay sa portrait ni Carol at hinaplos-haplos ang mukha...

CAMILLE: Bye donkey...i will never forget you. My best friend, my mentor(???) my ex girlfriend na naging kaaway pa...Teka sandali, kung ako hugis mangga ang mukha, si Carol, looks familiar, hugis apdo o kidney???!!! Nyahaahahaha!!!

At tinuro-turo ang portrait ni Carol habang pinagtatawanan.

Napatigil lang sya dahil napansin nyang may itim sa chin ni Carol. Pagtingin nya sa kamay, nag-leak pala yung tinta ng pentel pen at nalagay ng konti sa baba ni Carol,hindi nya napansin kaninang hinaplos nya ang portrait, nagmukha tuloy may balbas si Carol.

CAMILLE: Lord help me...help me. OMG!!! Lagot ako.... What to do!!! Waaahhhhh!!!!

Nag-isip agad sya ng itatapal malapit sa ba-ba ni Carol.

CAMILLE: Anak ng fuschia... kase naman Camille naglinis ka nalang sana...

Ayaw nyang gamitin yung tape kaya Swerte nya at nakahanap sya ng post-it na pink at sinulatan ng "QUIET PLEASE" saka nya idinikit sa bibig ni Carol.

CAMILLE: Sinong tatawagin kong santo at santa ngayon.

Naglinis muna sya, nate-tense na sya kahit mamaya pa darating si Carol. Lahat ng sulok nilinisan na nya pati ang mga banyo na hindi nagagamit. Hindi alintana sa kanya ang gutom, linis lang sya ng linis at hindi na nya namalayan ang oras.

Nang matapos, humilata na sya sa sofa.

CAMILLE: Mamaya nako maliligo...

*beeeeeppp... beeeeepppp*

CAMILLE: Ay sh*t yung basura!

Kinuha ang mga naipong basura at pagbukas ng gate, si Carol nag-aabang sa labas.

CAROL: Cams yung gate... bat may dala kang basura.

CAMILLE: Huh??? Ah eh yung car beep mo kase parang sa basura kaya nilabas ko na.

CAROL: Kaw talaga...

Pagkabukas nila ng gate at nakapasok na ang kotse ni Carol, nagpaalam muna sya na pupunta muna sa kusina at magluluto. Pero ang totoo, nagdarasal na sya na sana wag magalit si Carol sakaling mapansin ang portrait.

"CAAAMMMIIIILLLLEEEE!!!!!!"

CAMILLE: Ay eteklat!!!

Nabitawan nya tuloy yung talong at pechay dahil magluluto sana sya ng kare-kare.

Dali-dali syang pumunta sa living room at naabutang nakapamewang si Carol.

CAROL: Bat may post-it???

Natuon ang pansin ni Carol sa post-it.

CAROL: Quiet please?

CAMILLE: Kase bawal ang noisy, may taga-lista.

Saka palang tinanggal ang post-it at tumambad ang ginawa ni Camille.

CAROL: Aaaaaarrrrrgggghhhhh!!!!

Hindi ka pa nakuntento na ginawa mong altar ang portrait ko, ginawa mo pa akong terorista.

Si Camille nang-asar pa.

CAMILLE: Para may panakot sa manloloob dito sa bahay mo.

Si Carol napaupo at nahaplos ang kamay sa batok tsaka napayuko.

CAMILLE: Señora, por favor...Que horror! perdoname... Mam Carol may kakilala po kami na magaling na photographer. Palitan nalang yung portrait mo.

Pero hindi sya pinansin ni Carol.

CAMILLE: Mam Carol bayaran ko nalang po yung damages...

CAROL: Tumahimik ka nalang please.

CAMILLE: Okay po. Punta nalang po ako ng kusina at magluluto ako.

CAROL: Dyan ka lang. Wag kang gagalaw.

Nakayuko pa rin at hinahaplos ang batok.

CAMILLE: Mam, sisante na po ba ako?

CAROL: Halika nga rito.

CAMILLE: Kasasabi mo lang wag akong gumalaw diba?

Tinignan sya ng masama ni Carol kaya lumapit na sya dito.

CAROL: Dito ka sa tabi ko.

CAMILLE: Tapos?

CAROL: Just give me a hug...

CAMILLE: Hindi pa ako naligo mam.

CAROL: I don't care... hinalikan nga kita kanina hindi ka pa nagsepilyo.

CAMILLE: Hmph.. Hindi ka na galit?

CAROL: Bat ako magagalit? Dahil sa ginawa mo? Mababaw lang yun.

CAMILLE: Ang seryoso mo kanina.

CAROL: Strategy ko lang yun. Ang totoo nyan napapatawa mo ako.

Saka sya tumingin sa portrait nya at humagalpak sa tawa.

CAROL: Luka-lukang Camille..

CAMILLE: Ahm mam Carol, dito muna ako hanggang Saturday. Okay lang? Matatagalan kase si kambal at Ara eh.

CAROL: Ayos na ayos sakin.

CAMILLE: Magluluto pa pala ako ng kare-kare. Saka ako maliligo. Juma-jabar nako eh.

CAROL: Magbihis ka nalang. Sa labas na tayo kakain.

CAMILLE: Ang gastos mo señora.

________________________________

Peace..

It Will Always Be You (CamVeza Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon