Chapter 24: Ouch...

1.2K 35 2
                                    

CAROL: Cams, hatid nalang kita mamaya.

CAMILLE: Wag na. Susunduin ako ni kambal.

CAROL: Di na ba talaga kita mapipigilan?

CAMILLE: Hindi na at baka hanapin ka ng girlfriend mong linta. Bagay sa kanya yung name nya, Celine-ta.

Si Carol napabungisngis.

CAROL: Parang nangangamoy dito ah.

CAMILLE: (SNIFFS) Wala ah. Hindi naman ako nagluto, at saka ( inamoy ang sarili) naligo nako noh.

CAROL: Nangangamoy.........Ehem! selos

CAMILLE: Kapal ng fez mo Carol. Bat ako magseselos?

CAROL: Cams, kung clingy si Celine, napansin mo naman siguro na sya lang, hindi ko nga ine-entertain yung pagyakap yakap sakin tsaka yung paghalik nya.

CAMILLE: Ipangalandakan mo pa sakin yan.

CAROL: Wag ka ng mag-deny, kala mo diko napansin na sinisilip mo kami kanina sa living room. Peeping Cams. Hehee

Si Camille nag-blush at tinuloy ang paghigop ng kape. Si Carol, abot tenga pa rin ang ngiti nang biglang nakisalo ang babaeng linta na pulang pula ang labi at tumabi kay Carol.

CELINE: Hon, may photoshoot ako ngayon. Samahan mo ako please.

CAROL: Akala ko ba may susundo sayo?

CELINE: Nasiraan nga...So...Camille, anong work mo dito?

CAMILLE: Nag-------

Pero si Carol ang sumagot.

CAROL: Nagbabakasyon lang sya dito. Nakapirme na sya sa London.

CELINE: Ahhh...chambermaid ka don???

Sasagot sana si Camille kaso inunahan nanaman sya ni Carol.

CAROL: You have won the Asia's next top model diba? Then I suppose you're reading some Fashion Magazines especially Vogue

CELINE: Of course, kailangan sa trabaho yan. Dapat alam mo ang latest trends, designers, mga photographers...but what does it have to do with her?

CAROL: Eh di dapat alam mo na she's the EIC of Vogue magazine in U.K?

CELINE: (JAWDROP) Ahm...ahhh...Really? Hindi ako aware. Why is she here then? Nakikipagbalikan sya sayo? Sinong gumagawa ng trabaho nya don?

CAMILLE: Bef------

Sumingit nanaman si Carol.

CAROL: Before she left, inayos na nya ang magiging concept nung magazine for two months na issue. Na-interview na rin nya yung featured designers na sila Carolina Herrera and Donatella Versace, the featured photographers Patrick Demarchaleier and Annie Leibovitz. She had a meeting with the staff and....

(Looks at Camille and stared at her while talking)

Did you know that she's the youngest ever to become the EIC of Vogue? She's smart, humble, not to mention very pretty...

Tsaka sya bumaling kay Celine the model.

CAROL: Anything else you wanna know about My Mango Shake... I mean Camille.

CELINE: (Nakasimangot na at iniba na ang usapan) Carol honey, let's go. Ma-male-late nako.

CAMILLE: Ahm, Carol. Anjan na si kambal... Thanks ah.

CAROL: (Kinindatan at sumenyas) Yung mga gamit mo Cams, ah diba babalik ka pa?

Saka nya binulungan si Camille kahit nakatingin si Celine.

CAROL: Umo-o ka nalang please.

CAMILLE: Oo na. Nasa labas na si kambal. Nagtext na sya.

CAROL: Halika na. Ahm Celine, kung magpapasama ka umayos ka na.

CELINE: Okay honey...

At umakyat na para mag-ayos.

CAROL: Double meaning yun.

Paglabas nila ng bahay, nandun na nga si Cienne.

CAROL: Hi Cienne pasok ka muna.

CIENNE: Wag na Carol. Kumusta naman si kambal dito? May mga nasira ba sya.

Si Carol biglang tumawa ng malakas na ikinabigla ng kambal.

CAROL: Napagtripan lang nya yung portrait ko. Binago pa nya yung quote dun. Pwede nga sana dito nalang muna sya habang bakasyon pa nya.

CAMILLE: Thanks again Carol, sorry ulit sa portrait mo.

Bumaling kay Camille at niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Pagkatapos kinuha ang mga kamay ni Camille at inihaplos sa kanyang mukha tsaka hinalikan.

CAROL: Cams, you're always welcome...tsaka don't be sorry about my portrait. Papalitan ko na yun. Ang ipapalit ko yung portrait na nating dalawa...

CIENNE: Excuse me, anditech na ako. Ah Carol, humahaba na kase yung pilikmata ni kambal oh. Dito pa kayo sa labas gumanyan ah.

CAROL: (Hindi pa rin binibitawan ang mga kamay ni Camille) Sorry Cienne, nadala lang ako.

CAMILLE: Magsabon ka ah para matanggal yung Celine-ta.

Natawa si Cute Carol.

CAROL: Hindi magtatagal yun. Ookrayin ko lagi.

CAMILLE: Asus. Pag hinahalikan ka nya di ka pumapalag eh.

CAROL: Sya lang humahalik noh. Nandidiri na nga ako sa kanya eh. May sasabihin ako.

At binulugan si Camille...

CAROL: My lips are made just for you Cams.

CAMILLE: (Nagmukhang may blush on) Weh? Pwede kang umiwas kung gusto mo kaso sinasalo mo lagi...Ahm, alis na kami. Malayo-layo pa lalakarin namin. Bye.

CIENNE: One week na nga kayong magkasama antagal nyo pang magpaalam sa isa't isa, at let me remind you, iisang subdivision pa. Bye Carol. Thanks sa pagkupkop kay kambal.

CAROL: Anytime Cienne...

CAMILLE: Babu na, nagpapasama pa si Celine-ta sayo...Honey pa tawag sayo. Pag nag-away kayo magiging honey-mal na. Yang sign mo baguhin mo na.

CAROL: (tumawa ng malakas) Jealous Cams. Yup babaguhin ko na yung sign pero dapat tayong dalawa bumago nyan. Bisitahin kita sa inyo.

At umalis na sila ni Cienne.

CIENNE: Bat di nalang kayo magkabalikan. Daig nyo pa ang mag-jowa talaga. Yan ba ang friends lang? Umamin ka na kambal.

CAMILLE: May girlfriend sya. Nanalong Asia's Next Top model. Kararating lang galing Singapore.

CIENNE: Awwww...

_________________________________

Paumanhin po.

It Will Always Be You (CamVeza Fan fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon