Ara's POV
"Vicky! Ikaw nga! Namiss kita!"
O.O nagulat na lang ako ng biglang may lalaking yumakap sa akin.
"Aaah! Sino ka? Sino ka?! Hindi kita kilala!!"
Napasigaw na lang ako sa kanya.
"E? Hindi mo na ba ako naalala? Ako toh, si Myco! Myco Antonio!"
Huh? Myco. Teka, teka, teka...
(Flashback...elem pa lang sila. Nito. Gr.3)
Tumatawa habang nakaturo sa bata. "Bwahahaha! Myco ang pangalan pero lalaki. Siguro bakla ka noh?!"
Umiiyak naman si Myci nun. "Hindi ah! Lalaki ako!"
"Ah talaga? E bakit ka umiiyak? Bwahahaha"
"Hoy! Tama na nga yan! Inaasar niyo nanaman siya ah! Umalis na nga kayo!"
Umalis naman agad yung mga bata. "Okay ka lang ba Myco?"
"Ah. Oo. Salamat Vicky ah?"
(END OF FLASHBACK)
"Oh! Naalala ko na! Ikaw na pala yan! Ikaw pala yung Myco!"
"Oo! Ako nga yung Myco na yun!"
"Grabe hindi kita nakilala. Ang tangkad mo na! Ang gwapo mo pa! Akala ko ba nag'abroad kayo?"
"Oo nga. Pero kababalik lang namin. At dito na rin ako mag aaral!"
"Wow! Ang tangkad mo na talaga! Grabee. This brings back memories talaga!"
"Sige Ara alis na ako ah." Singit bigla ni Thomas.
Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil bigla na lang siyang tumalikod at naglakad na pauwi. Ewan ko kung ako lang ba yun, pero parang bigla nag iba mood niya. Pero hindi ko na lang pinansin at tinuloy ko na lang pakikipagkwentuhan dito kay Myco.
.
.
.
(New year's day...yes guys! I warned you about the fast transition before I started chapter one right? So don't be surprised na.)"Hi guys! Happy new year!"
"Happy new year din!" Sagot nila Mika, Jeron, Cienne at Avo sa akin. New year's day na kasi at nakasanayan na naming tatlo nila Mika na umattend ng New year's mass. Yearly yan. Pero this time mas madami kaming umattend.
"Oy! Ang tagal kitang hindi nakita ah! Mas lalo yatang kumapal labi mo? Hahaha" -___- as usual si Thomas yan. Bagong taon pero mapang asar pa rin. Hay nako.
"Che! Ang kapal mo talaga!" Tumatawa lang siya. Pero alam ko namang nagbibiro lang siya e. Pero teka, bigla nanamang kumabog yung puso ko ng malakas at mabilis ah.
.
.
.
Naglakad na lang kaming anim papunta sa church para makinig sa mass."Kumusta nga pala yung situation niyo ng ex-girlfriend mo lately?"
"Huh? Wala naman e."
"Ahhh." Yun na lang ang nasagot ko kay Thomas.
"E ikaw? Sino yung lalaki na yun?"
"Yung lalaki na yun?"
"Yung lalaki na biglang yumakap sayo sa kalagitnaan ng daan noong pasko?"
"Ah si Myco? Childhood friend ko yun. Lumipat sila sa States nung gr.5 kami. Teka nga, may pakialam ka ba talaga?"
"E ikaw diyang yung nagsasabi na ex dito ex diyan."
-___- may point nga naman siya. Nakadating na kami sa church at nakinig na kami sa mass.
.
.
.
Pagkatapos ng mass ay nagpunta sa wishing fountain sa harap. Sakto. Tumalikod ako at nagwish...please please please bigyan niyo ako ng boyfriend ngayong taon. Pinagdikit ko yung dalawang palad ko at yumuko.
![](https://img.wattpad.com/cover/29581220-288-k968068.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Complex
Fiksi PenggemarThomas Torres-Ara Galang Fan Fic. Typical story between two people who hated each other at first, but eventually one falls in love with the other. However it takes time to finally realize that they really are made for each other.