II

174 15 2
                                    

Chapter 2: The Truth

HABANG nag-iinom pa sila ay plano ko ng umalis, dumaan ako sa kusina nila para di nila mahalata pero kinalabit ako ni Tita Sam.

"Jam, thank you ha at palagi kang andyan para kay Seb and sorry dahil palagi ka ng nasasaktan, ako na ang humihingi ng dispensa" sabi ni tita sabay yuko. I know na siya ang nahihirapan sa set-up namin ni Sebastian and hoping Seb will find his true love. Okay lang sa akin kahit di ako atleast I wanna see him smile.

"Okay lang tita pero today's the last maybe" pagkasabi ko nun ay umangat ang tingin ni tita at parang naguguluhan.

"What do you mean Jam?" tanong niya kaya napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong wala akong takas.

Kailangan ko na sigurong sabihin kay tita.

"Aalis na ako bukas tita papuntang States, doon na ako tutuloy sa pag-aaral and alam mo naman tita na kayo lang ni Mama, Papa at ikaw ang may alam na may sakit ako sa puso" tumango naman si tita "so baka doon gagaling ako, kasi kung andito ako palaging sumasakit eh" sabay turo sa puso ko habang humihikbi na"tama na siguro tita. Pabor lang tita pwede, 12 am ang flight ko bukas, sana sabihin mo lahat kay Seb"

Tumango naman si tita sa sinabi ko. I breathe in before surpressing a smile on my face habang nakatingin kay tita.

"Kung yan ang huli mong desisyon, pwedeng pwede, ikaw din ang nahihirapan dito Jamaica at sa totoo lang ay naaawa na ako sayo. Grabe ka magmahal at deserve mo ding mahalin, basta mag-iingat ka doon ha. Naging parang anak na rin kita" sabi ni tita sabay yakap sa akin, naramdaman ko nalang na umiiyak na pala si tita sa aking balikat.

Pagkatapos ng ilang minuto ay kumalas na ako mula sa yakap ni tita at nagbaba ng tingin bago nagsalita.

"Kailangan ko ng umalis tita, mag-eempake pa ako para bukas" sabi ko na kinatango ni tita, niyakap niya ako ulit ng mahigpit bago ako binitawan.

Umalis na ako sa bahay nila at habang bumabiyahe ako pauwing bahay ay napaisip ako.

Magiging okay ka kaya kung wala na ako?, nandiyan yang Erica mo. I hope siya na Sebastian. Your smiles a while ago seems different, I am hurt seeing you that happy with them even without me.

Nabalik ako sa ulirat ng biglang tumunog ang phone ko na nasa tabi ko lang din naman, tumingin muna ako sa driver bago binalik ang tingin sa phone ko at nung tingnan ko ang caller ay si Sweet pala.

Sinagot ko na agad ang tawag niya btw Sweet Samantha Ferrer is a friend of Sebastian and me. Parehas kasi kami ng paaralan na pinag-aralan noong elementary and our families are kinda close.

"Hey goodevening J, sigurado ka na ba sa gagawin mong gaga ka" bungad niya sa akin na kinasamid ko.

"Oo, buo na ang desisyon ko Sweet. Pinakiusapan din ako nila mom and dad na magpagamot na dahil dumadalas na ang attacks ko at pagkakaospital." pag amin ko sa kanya sa mababa at malungkot na tono.

"Tss, bwisit kang babae ka. Kung sana sinabi mo sa akin ay pinalampaso ko na si Sebastian dahil sa ginagawa niya sa iyo" sabi niya na halata ang galit sa kanyang tono, tss.

"Gaga ka, huwag. Thank you sa pag-aalala Sweet" sagot ko bago tumawa, note the sarcasm please.

"Di ako nag-aalala pero kidding aside, nasa States ako ngayon so magkita tayo agad pag andito ka na. Ako mismo ang susunod sa iyo mula sa airport kasi baka malipad ka ng hangin at mawala" sabi niya bago tumawa ng malakas, ang babae to talaga.

"Sure, kitakits!" nagmamadali kong sabi bago mabilis na binaba ang tawag. I know her, magkwekwento na naman yun tungkol sa mga asawa niya 'kuno' sa wattpad.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon