One [edited]:

894 23 15
                                    

"AY PUTANGINA!"

Nagsikalat naman lahat ng papel na nasa folder ko nang nagkamali ako ng maapakanan sa hagdanan na dinadaanan ko. Galing lang ako sa klase ko, pauwi naman na din lang ako so keri lang.

"HAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Tangina! So pipiliin pa talaga akong tawanan ng mga hambog na to?

Tumayo ako saka inayos ko sarili ko. Tumingin naman ako ng masama sa mga taong nagsitawanan sakin na kaagad din namang nanahimik nang nakita nilang tumingin ako sakanila.

Naglakad na ako palabas ng campus. Nga pala! Ako nga pala si Diana Horan. Oo, kapatid ko yung color blue ang mata na yun at nagpa blonde ng buhok na sikat sa campus. May lahi naman akong Irish at Pilipino. Ewan ko ba kung paano nag tagpo ang magulang naming dalawa. Aaah ewan!

"HOY DEYENEBELS!"

"Oh?!"

"Antayin mo naman ako Babes, sabay tayong uuwi diba." Aba at inakbayan pa ako ng malanding kulot na to.

"Harrylalalalandi, get off me. Now."

"Why would I?"

Di na ako sumagot, binigyan ko siya ng sipa sa tete niya, na naging dahilan para mapadapa siya sa sahig. Ako naman naglakad iniwan siya dun, habang yung ma malalanding babaeng kita na panty sa suot nilang palda lumapit sakanya.

Bat kaya hindi nalang tong mga to yung landiin nun? Tsk.

Habang naglalakad ako palabas, nakita ko naman na may nagbebenta ng balot pagkalabas ko ng campus.

Sakto! Gutom na ko. Mukhang di ko na din lang maabutan na luto na yung pagkain sa bahay pag uwi ko.

"Manong, isa nga po."

Gutom ako. Kaya gusto kong kumain. Inabot ni manong saaking yung balot. Saka nagsimula na rin akong kumain. Nang makuha ko yung suka sa gilid ng basket, bigla kong nabitawan at nabuhos ko sa shirt nung isang lalaking mukhang maayos manamit. Ooops. Nasira ko outfit niya.

"AY SORRY!"

"ANO BA DI KA BA NAG IINGAT?! SAYANG TONG SHIRT KO NA BINILI KO PA SA BENCH EH!"

"Pasensya na, Manong. Papalitan ko nala-"

"MUKHA PA BA AKONG MANONG?! SA KAGWAPUHANG TO?!"

Natahimik naman ako dahil na inaasta ng lalaking to. Aba bwiset to ah. Nakita ko naman yung ID niya, Calum Hood? Studyante rin pala siya dito.

"ANO?! ANONG TINITIGNAN MO JAN?!"

Narealize ko na bumabakat pala abs nia sa white na shirt niya. Shet. Umiwas naman ako ng tingin saka inilapag yung bote ng suka sa tabi ng basket nung magbabalot.

"Sorry ulit." Pakiusap ko,

"Anong sor-"

"SORRY NA NGA DIBA?! ABA ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! LUMUHOD PA SA HARAP MO? IPAGSIGAWAN NA HUMIHINGI AKO NG SORRY SAYO GANUN BA? CHOOSY MO AH!"

"DI AKO CHOOSY! YUNG MAHAL KONG SHIRT KO NAMANTSAHAN MO NG SUKA! ANG BAHO KO NA TULOY!"

Dahil sa galit ko, ibinato ko na rin sakanya yung balot na hawak hawak ko.

"Oh ayan! Bagay yang dalawang yan! Tabe!"

Tinulak ko siya pagilid, saka naglakad palayo sakanya. Uuwi na ako! Badtrep.

- C A L U M -

"Shit."

Bigla namang dumating sina Luke, at lumapit saakin.

Balot Love Story / C.H [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon