Three.One:

328 12 0
                                    


D i a n a

Nagising nalabg ako nang maramdaman kong nag vibratd yung cellphone ko sa tabi ko. Nang ma unlock ko phone ko, nakita ko kaagad pangalan ni Calum.

' good morning:) '

' good morning. '

Message sent.

'  how's your sleep? '

' ok lang. '

Message sent.

Bumangon ako, saka naglakad papuntang kusina para kumuha ng uce cream sa ref. Bat ba, eto na breakfast ko. Kumuha nalang ako ng saging saka isang bag ng chips bago bumalik ulit sa kwarto ko.

' ok lang. Haha. Gawa mo? '

' wala. Nakaupo. Nanonood ng kung ano ano. '

Message sent.

' uh. Okay. Sige usap tayo mamaya. Bye x '

Di na ako nagreply. Tinatamad na ako duh -.-

Nang matapos akong makakain at habang nanonood, naisipan kong maligo at magpalit. Gusto kong lumabas. Ang boring dito sa bahay :(

Simpleng white tank top at grey skinny jeans na pinares ko sa black and white na vans ko. Inayos ko naman into a messy bun yung buhok ko, saka naglagay ng powder sa mukha saka red lipstick. Then kinuha ko yung sunglasses, phone at purse ko. Kinuha ko na din yung susi ng sasakyan saka bumaba ako papunta sa sasakyan ko.

Nagdrive ako for 15 minutes papunta sa mall. Nang maparada ko sasakyan ko at makalabas ako, pumunta kaagad ako sa loob ng mall at hinanap ko muna yung zentea. Gaaaaaahd. I'm craviiiiibg for zentea!!!

Nang makabili ako, naisipan ko namang mag window shopping. Habang umiinom. Hanggang sa may nakakuha ng atensyon ko, teka, si Luke ba yun?

'HUY DALIAN MO NA KASI! PUMILI KA NA JAN KUNG ANONG GUSTO NIYA!'

aba? Kasama niya si Calum.

"POTA ANO NGA BA GUSTO NIYA?!"

Lumapit ako sakanila, hanggang sa nakita nila ako na papalapit sakanila.

C A L U M

"POTA ANO BANG GUSTO NIYA?!"

"Calum? Luke?"

Napatingin kami ni Luke kay Diana na nasa harap namin. Shit.

"Uh. H-hi diana! Ah uh ginagawa mo dito?"

"Wala nagwiwindow shopping lang. Kayo? Bat kayo andito?"

"May kailangan lang kaming bilhin. Para say-"

Bigla kong siniko tiyan ni Luke na naging dahilan para mapaupo.

"Para sa project. Kaya andito kami." Sinabi ko kay Diana,

"Ah. Ganun ba? O sige. Una na ako ha? Bibili pa ko ng libro eh. Sige. Bye!"

"Sige. Bye. Ingat!"

Naglakad na siya palayo habang si Luke tumayo.

"Tangina mo Kaloy, ansakit!"

"Yang dila mo kasi eh. Tanga neto. Pano pag nalaman niya yun?!"

"Bat alam niya ba na siya? ALAM NIYA? ALAM NIYA?"

Kahit kailan talaga tong Luke na to mapapatay ko na to eh.

"TARA NA NGA! sayang oras natin dito eh."

"Oo na. Tara na."

Naglakad na kami ni Luke papunta sa national bookstore. Bumili kami ng mga cartolina, colored papers, mga kulay mga pens, mga libro ni percy jackson, FHM magazine.. TEKA ANO?

"Hoy Luke ano nanaman tong kinuha mo?!" Sigaw ko,

"Magazine of some beautiful creatures brad. Bakit?"

"PUCHA TALAGA TO! IHIWALAY MO YAN SA SCHOOL SUPPLIES KO! SHOO!" binato ko sakanya yung magazine, saka luminya na ako sa counter. Buset to.

Nang makabayad ako, inantay ko si Luke na magbayad. Tinatawanan siya ng mga tao sa likod niya dahil sa binili niya. Tangina neto eh. -.-

Naglakad na kami palabas ng mall saka si Luke nagdrive papunta sa bahay namin. Oo bahay NAMING apat. May sarili talaga kaming bahay na apat. Magkakakilala naman mga parents namin, kaya alam na nila yun.

Nanag makarating kami sa bahay, agad kong tinawag sina Michael at Ashton para tulungan ako sa pag gawa ng banner. Eto lang makakaya kong gawin. Jusko.

Sana masabi mong 'oo'..

--

TULOG NA KO. HAHAHA. GOOD NIGHT. EXAMS PA BUKAS :(

* author.

Balot Love Story / C.H [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon