Eight:

236 11 5
                                    


N i a l l

Buong araw kaming nag-aantay ng baka magbago ang isip ni Aleisha dahil sa sinabi niya. Bat ba kasi hinayaan ko si Diana na mag-isa?! Tangina.

"Oh Niall. Kumain ka na muna. Kanina pa kami nag aalala sayo, di ka pa kumakain." Sinabi ni Zayn sakin, saka nilapag niya sa harapan ko yung pagkain. "Niluto ni Harry yan, pasensya na kung sunog. Tanga nung kulot na yun eh."

"Sige kakain nalang ako mamaya."

"Niall, sige na. Manghihina ka lang sa ginagawa mo. Siguro naman mababago isip ni Aleisha mamaya."

"Pero iniisip ko parin kung anong nangyayari kay Diana aa oras na to. Nag aalala ako sa kapatid ko Zayn."

Pinat ni Zayn yung balikat ko.

"Wag kang kabahan. Ang Diyos nang bahala sakanya."

Huminga naman ako ng malalim, habang nakatingin sa phone. Nag aantay ng message or tawag mula kay Aleisha. Jusko, wag niyo sanang saktan kapatid ko.

"Niall! Alam na ng mga pulis kung asan daw sila!"

Napatingin naman ako kay Luke kasama sina Ashton at Michael, saka pagod na pagod at pawisan.

"Ha? Eh asan na si Calum?" Tanong ni Zayn,

"Nauna na sa lugar na yun. Ginamit niya yung sasakyan, kaya nga eto tumakbo kami papunta dito eh. Liam, tubig ngaaaa!" - Ashton

Tumayo naman ako bigla saka kinuha ko yung susi ng sasakyan ko, saka bigla rin akong lumabas ng bahay. Binuksan ko kaagad yung sasakyan ko saka inistart yun engine. Kinuha ko naman phone ko, saka tinawagan ko si Calum.

Pagkatapos ng apat na ring, narinug ko si Calum.

"NIALL MAGTAWAG KA NG MGA PULIS! NAPAPALIGIRAN AKO DITO!"

"PUTA ASAN KA BA?!"

"DIPLOMAT HOTEL! PUTA PATI SECURITY DITO NAPAPLIGIRAN NA NG MGA TAUHAN NI ALEISHA NYETA."

"BAT KA BA SUMISIGAW TANGINA."

"TANGA MALAMANG MALAYO SAKIN YUNG PHONE! SI DIANA NA- AAAAAAAAAAAHHHHH!"

Bigla namang nag end yung call. Shit.

Agad naman akong nagdrive papunta sa diplomat hotel. Saka nagtawag na din ako ng mga pulis. Sina Luke, nakikita ko na nakasunod sa sasakyan ko gamit yung sasakyan ni Harry.

Nang makarating kami sa diplomat hotel, wala ngang security o mga tao sa paligid. Parang tahimik lang.

Nang makababa ako ng sasakyan ko, agad naman akong tumakbo papaloob ng hotel. Sumunod din naman kaagad sina Harry.

"ALEISHA! HUMARAP KA WALANGYA KA!"

"HARAPIN MO KO TANGINA MO!"

"PATAYAN TAYO DITO WAG KANG BOBO!"

Nang makarating ako sa fountain nakarinig ako ng kasa ng baril sa taas, saka nakita ko na may dalawang lalaking may hawak ng baril na nakatutok sakin. Saka nakita ko na nasa likod ko sina Harry na napaligiran na din kaagad ng mga tauhan ni Aleisha.

Nakita ko si Ranz kasama yubg mga bakla niyang barkada. Malamang. Alam na.

"Oh. Niall. Napunta ka dito? Anong kailangan mo?"

"Kailangan ko ang kapatid ko."

"Oh. Siya? Wag kang mag alala. Nasa mabuting kalagayan na siya ngayon. Panigurado."

"San niyo siya dinala?!"

"Sa lugar lang na kami ang nakakaalam."

"TANGINA MO BAKLA PAKYU!" - Ashton

"SAN NIYO SILA DINALA?!"

"AH. SI CALUM BA?" sinabi ni Oliver, saka nakita ko na dumating si Cav na hawak hawak si Calum na may nakatutok na kutsilyo sa leeg.

"Isang maling galaw, magigilitan ko to ng leeg."

"Ni-Niall." parang kakaiyak lang ni Calum,

"BITAWAN NIYO SIYA!"

"HAHAHAHAHA. Niall, niall. A deal is a deal." 

Napatingin ako sa likuran nina Calum na si Aleisha naglalakad papalapit saamin. 

"ASAN SI DIANA?! ILABAS MO KAPATID KO!"

"NIAAAAAAALLLL!"

Napatingin ako sa taas saka nakita ko si Diana na tinututukan ng isang lalaki ng barili sa ulo. Tatakbo na sana ako pataas, pero pinigilan ako kaagad nina Luke na nasa likuran ko na. 

"Aleisha, nakikiusap kami. Pakawalan mo na sina Diana at Calum. Maihaharap naman namin yung dad nina Diana sayo eh, pwede niyong pag usapan." pakiusap ni Luke,

"Papatayin ko siya. Dahil ama rin niya ang pumatay sa Daddy ko. Kasalanan ng g*gong ama mo!" Sigaw ni Aleisha, saka tinulak niya si Calum saamin, saka hinila niya si Diana saka siya naman yung tinutukan niya ng kutsilyo sa leeg.

"Aleisha ako nalang patayin mo! Nakikiusap ako, wag si Diana!"

"Niall, since si Daddy ang namatay. Gusto ko naman babae ang mamatay."

"Tangina mo ang choosy mo babae pa nais mo! Punyeta ka pakyu sagad sa bone marrow!" Sigaw ni Harry,

"TUMAHIMIK KA KULOT NA SALOT!"

"Aba tangina naman neto! BWISIT TO AH!"

Pinigilan ko na sumugod si Harry. Habang si Aleisha nakangisi na nakatingin saamin.

"Aleisha ako nalang. Wag si Diana."

"Oh, ikaw? Hahaha." Tumingin siya kina Ranz, saka parang sinenyasan niya to na lumapit sakin. Agad namang lumapit si Ranz saakin, saka tinulak ako sa harap ni Aleisha. Saka humugot siya ng baril saka tinutok sakin. Si Aleisha naman, tinulak din sa tabi ko si Diana. Bigla ko naman niyakap si Diana, nakita ko na duguan siya saka mukhang hindi pa nakakatulog o kumakain.

"Oh, how sweet naman. Ang magkapatid. Haha. Siguro nababagay na isabay ko nalang kayng dalawa na patayin sa harap ng mga kaibigan niyo? Diba Diana?"

"ALEISHA WAG!" sigaw ni Calum, "Demonyo ka!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Nang marinig ko tawa ni Aleisha, narinig ko na yung sunod- sunod na putukan. May mga pulis na paparating, pero si Aleisha tinutok niya kaagad yung baril na kinuha niya kay Cav saka bigla niyang pinutok ng dalawang beses.

Dun ko nalang naramdaman yung pagka antok ko. Di ko alam kung antok ba to, o ano. Pero, nanghihina ako. Tumingin ako kay Diana na hawak-hawak ko, na duguan na, at wala nang buhay.

Hanggang sa hinayaan ko nalang na mapa pikit ako, habang tinitignan si Diana, narinig ko na na nahuli na si Aleisha, sina Calum lumapit saamin. Pero huli na ang lahat..

Sana panaginip lang to..

Balot Love Story / C.H [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon