Seven.Two:

263 15 0
                                    


D I A N A

Naenjoy ko tong araw na to! :) Lumabas kasi kami ni Calum. Nasapian ata kasi ng magandang espirito si Calum at niyaya akong lumabas at libre niya pa.

Pagkadating ko sa bahay, sinusubukan kong tawagan phone ni Calum. Nag ring siya ng dalawang beses, kaso nireject kaagad ni Calum. Luh? Baka pagod siya?

Tinawagan ko uli siya, pagkatapos naman ng tatlong ring, nireject niya din. Aba, problema neto? Magogoodnight lang eh. Amf.

' hey. I need to talk to you tomorrow. I need to tell you something special. Thanks for making my day. x '

Message sent.

tangina neto. Straight english pa yun. :c

Natulog nalang ako nang masend ko yung message. Bukas ko nalang siya kakausapin tungkol sa nararamdaman ko, ang weird kasi kapag ang confession ko eh sa phone. Tsk.

Gumawa kaya ako ng letter? Oo! Gagawa ako ng letter. Pag di ko man masabi sakanya yun ng personal bukas, dahil sa alam ko na mahiyain ako sa mga bagay na ganyan.

Bumangon ako sa kama ko, saka kumuha ako ng special paper sa cabinet ko, saka isang blue na envelope. Aba special paper. Hahaha.

Nagsimula naman na akong gumawa ng magandang card. Wala trying hard eh! Haha.

Mga 9 pm na ako natapos. Nang matapos ko yun, tinabi ko na muna sa mesa. Nakita ko naman yung nakadikit na picture naming dalawa kanina sa photo booth. Tatlong strips yun, mukha namin mukhang mga tanga. Pero ang cute naming dalawa.

"Hi Sir. Try niyo po tong special offer namin for couples this month." Sinabi ng babaeng nakasalubong naming dalawa habang naglalakad. May inabot naman yung babae na papel, saka nakita namin na photobooth.

"UY TARA PEKTYUR TAYO!" Sinabi ko kay Calum,

Tumawa siya, saka pumayag. Sumunod naman kami sa babae hanggang sa makarating kami sa photobooth.

Nang nakapwesto na kaming dalawa, kung ano anong mga mukha ginawa namin. Sapat lang para sa mga abnoy na katulad naming dalawa. Haha.

Sa last na pose namin, nagulat ako nang hinila niya ako papalapit sakanya saka nagitigan kami. Pero nakangiti kaming dalawa. At biglang nagflash.

Pagkalabas naming dalawa. Inantay namin na magprint yung pictures namin. Nang maprint na at inabot nung babae,

"Ang cute niyo pong couple. Thank you po."

Ngumiti lang ako, saka tumingin sa babae.

"Ate, di po kami." Sinabi ko

"Ganun po ba? Ay. Sayang. Pero bagay po kayo."

"Salamat nalang po." Sinabi ni Calum, saka ngumiti sa babae. Umalis na kami, saka nagpatuloy na naglakad lakad sa kung saan saan.

Kinuha ko naman yung isang strip ng picture naming dalawa, saka tinignan yun. Mukha nga kaming magsyota. Bagay :D

Napangiti naman ako, saka nilagay yun sa loob ng envelope. Kasama yubg letter. Saka pumunta na ako sa kama ko para makapag pahinga. Bukas ko nalang siya kakausapin..

--

Pagkarating ko naman ng school, si Calum kaagad hinanap ko. Pumunta ako sa cafeteria, saka nakita ko siya dun sa isang table.

"CALUM!"

Tumingin siya sakin. Ay. Hindi si Calum?

"Ay. Sorry po kuya." Sinabi ko sakanya,

Balot Love Story / C.H [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon