035

496 50 71
                                    

narration.

Nagmamadali akong bumaba kaya napatingin sa akin si Manang Lelita, wala pa si mommy at daddy dahil busy sila sa trabaho mga doktor kasi sila.

"Saan ka pupunta, hija?" tanong ni manang.

"Sa asawa ko po!" nakangiting sagot ko sa kaniya.

"Ha?" nakakunot noong tanong niya.

"Charot! Sa kaibigan ko po, nasa labas po siya ngayon, pupuntahan ko lang, manang." paliwanag ko sa kaniya. Tumango si manang at sinimulan na ulit ang ginagawa niya kanina.

Binuksan ko ang gate namin at bumungad sa akin si Kai, madilim ang kaniyang mga mata at marami itong emosyon na ipinapakita, I can see sadness and longing in his eyes.

Nakasandal siya sa itim na motor, tumayo siya at lumapit sa akin. Napalunok ako dahil sa sobrang kaba.

"How was your date?" umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin.

"Ayos naman." maikling sagot ko.

"Are you happy while you're with him?" he asked me.

"Yup,"

Naalala ko kasi ang mga paalala sa akin ni ate Ryujin, Kai has a girlfriend at maling-mali na nandito siya dahil hindi naman ako ang girlfriend niya.

"Bakit ka ba nandito?" I asked him. Mas dumilim ang kaniyang mga tingin at mas lumapit pa siya sa akin.

"You forgot to greet me." he said icily.

"Ha?" I'm confused.

"It's my birthday today, Yuna." he told me.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang birthday niya dahil hindi ko naman natanong.

"Happy birthday, kai!" I greeted him.

"Tss..." he hissed.

Nagulat ako ng inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at hahalik na sana siya sa aking labi ngunit nagkamali ako dahil sa noo ko siya humalik, he kissed me on my forehead and he caressed my cheeks.

"I missed you so much, baby." he whispered in my ears. A smile appeared on his lips while staring at me. My heart fluttered and it keeps beating fast like there's no tomorrow.

ʏᴜɴᴀ. ᵉᵖⁱˢᵗᵒˡᵃʳʸTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon