Shin Yuna
Today, 10:05 am
Ryujin
Hey, bby
Yuna
Hi, ate
Ryujin
So kamusta?
Yuna
Okay lang naman po
Ryujin
Kamusta pag-uusap niyo ni Kai?
Yuna
:(
Hindi ko siya maintindihan, ate
Para akong tangang umaasa palagi sa kaniya kasi ang hilig niyang magpakita ng motibo
Ryujin
Alam kong gustong-gusto mo siya
Ryujin
Pero alam mo kung gaano ko kaayaw yung mga cheaters
Ryujin
Cheaters are trash
'Wag kang maging gano'n, Yuna
Ayokong maging katulad ka nila
Yuna
Opo, ate
Ryujin
Support naman ako sa'yo eh
Ryujin
Kung gusto mo si Kai, edi go
Ryujin
Pero may girlfriend siya
Ryujin
Kaya hindi pwede
Ryujin
Sa totoo lang
Ryujin
Naiinis ako kay Kai
Ryujin
Mabaiit siya pero nakakainis dahil ginagawa ka niyang kabit
Ryujin
Hindi ka kabit
Ryujin
Pero alam nating parang gano'n na din 'yon
Ryujin
Dahil pinupuntahan ka niya sa bahay niyo kahit may girlfriend na siya
Ryujin
Magtetext siya ng mga sweet words na parang wala siyang girlfriend
Yuna
:(
Yuna
Pinipigilan ko naman, ate
Yuna
Kaso ang rupok ko eh
Yuna
Alam ko kung gaano mo kaayaw ang mga cheaters
Yuna
Kaya pinipigilan ko talaga dahil ayokong magalit ka sa akin at dahil may respeto rin ako sa girlfriend niya
Ryujin
I'm sorry, baby
Yuna
Bakit ka po nagso-sorry?
Ryujin
Dahil alam kong nasasaktan ka
Ryujin
Pero wala kang magawa
Yuna
Okay lang ako, ate :)
Yuna
Strong kaya ako HAHAHAHHA
Ryujin
I admire you for being so strong
Ryujin
I love you
Ryujin
Nandito lang palagi si ate
Yuna
Thank you, ate
Yuna
I love you more
