029

562 49 74
                                    

narration.

"Yuna! Ang baho mo na, hija!" natawa ako kay manang, hinalikan ko siya sa pisngi at agad tumakbo sa loob ng cr.

Buti nalang wala si mommy, kung hindi baka kanina pa ako napagalitan kasi ngayon lang ako maliligo.

Mabilis akong natapos at nagbihis, narinig ko rin ang busina ng kotse ni Draco. Nagpaalam na ako kay manang at pinasabi ko na rin sa kaniya na sabihin kay mommy at daddy kung nasaan ako kung sakaling hanapin ako.

"Mag-ingat kang bata ka, 'wag masyadong malikot doon sa pupuntahan mo, baka mapahamak ka." Tumango ako kay manang Lelita at nag flying kiss ako sa kaniya bago umalis.

naabutan ko si Kuya Draco na nakasandal sa sasakyan niya. I waved at him and when he saw me, he smiled that showed his beautiful white teeth.

"Hi!" I greeted him and he greeted back.

Inalalayan niya ako papasok sa sasakyan niya at doon kami pumunta sa Jen's Restaurant.

"What do you want, yuna?" He asked me. Tinignan ko ang menu at pinili ko ang mga gusto kong kainin.

"Is that all, sir?" the waiter probed.

"Yes," he answered.

"Hindi ka mago-order ng sa'yo?" Nakakunot noong tanong ko sa kaniya.

"Ha? You already ordered for us, right?" Confusion is written in his face.

"Luh, akin lang 'yon. Order ka ng sa'yo, bawal hingian." masungit na sabi ko sa kaniya. He chuckled and called the waiter to order again for himself.

I can see the sun slowly setting down, the sky turning brilliantly red and orange and the place are becoming foggy as well.

"This place is so romantic." i told him. He looked at me and nodded.

Maganda ang lugar na 'to, madalas din kaming pumupunta dito nila Chaeryoung. Gusto namin ang lugar na 'to dahil sa magandang tanawin at masarap na pagkain.

"Ito na po ang order niyo, ma'am and sir." nilagay ng waiter ang mga pagkain namin. I prayed first before eating my food. Mabilis ko 'tong naubos kaya tumawa siya sa katakawan ko.

"Gusto mo ng ice cream?" he asked. Ngumiti ako at tumango.

Duh, sinong may ayaw sa ice cream?

Nag-order siya ng dalawang ice cream at mabilis itong sinerve ng waiter.

"I will take a picture of you," kinuha niya ang cellphone niya at itinapat niya ito sa aking mukha.

Ngumiti ako at kahit hindi siya kita sa camera, nakita kong nakangiti rin siya habang nakatingin sa akin at kinukuhanan ako ng litrato.

Pagkatapos no'n, tinawag niya ang waiter at nagbayad. Mahal ang binayaran niya dahil marami akong inorder. Sabi niya kasi libre, edi lubos-lubusin na.

Lumabas na kami ng restaurant pero hindi pa kami pumasok sa kotse dahil maglalakad-lakad muna raw kami para mas makita namin ang kagandahan ng kapaligiran.

"Ang takaw mo pala kumain." nakangiting sabi niya.

"Syempre, libre 'yon eh." natawa siya sa sinagot.

"I'm always willing to treat you, Yuna." he told me.

"Ang sweet naman baka crush mo na 'ko, ha?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Pwede rin." he retorted.

"Hala, ang ganda ko talaga!" tumatawang sabi ko sa kaniya.

"Masyado ng malamig, umuwi na tayo." tumango siya at binuksan na din ang pintuan ng kotse niya. Hinatid niya ako sa bahay.

"Thank you for making me happy, Yuna." nakangiting sabi niya. Napangiti rin ako at kinindatan siya.

"May bayad ang pagiging clown ko." nakangising sabi ko sa kaniya.

"Nabayaran ko na."

"Bye na! Ingat!" hinintay ko munang mawala ang kotse niya sa aking paningin at doon na ako pumasok sa bahay.

Napasaya niya din ako pero mas masaya ako kung 'siya' ang kasama ko.

ʏᴜɴᴀ. ᵉᵖⁱˢᵗᵒˡᵃʳʸTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon