"Ahhhhhhhhh... Hahh..."
Humahangos na napabangon si Pyre, pawis na pawis at nanginginig. Binangongot na naman sya. Bakit ba kahit sampung taon ng nakakaraan hindi pa rin nya makalimutan ang nangyaring iyun? Dahil ba sa hanggang ngayon hindi pa nya nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ng sana mag ina nya?
"Fuck!" sinapo nyang ulo ng biglang kumirot ito. 'Hindi na talaga ako iinom.'
Laging sinasabi nya, pero hindi naman natutupad. Tumayo sya sa kama, kinuha ang isang kaha ng sigarilyo at lighter na nakapatong sa bedside table, saka naglakad papuntang terrace, umupo sa paborito nyang upuan saka nagsindi ng sigarilyo. Nakatingala na naman sya sa langit, nakatingin sa mga bituin at kapag may makita syang falling star, pipikit sya kaagad at magwi wish.
Sinong mag aakala na sa edad nyang 27 naniniwala at nagwi wish pa rin sya kapag may falling star?
Dati hindi sya mapaniwalain sa mga kasabihan, pero ng makilala nya si Franz, maraming nagbago sa kanya. Naging masaya at naging makulay ang buhay nya.
"Franz... kumusta na kayo ni baby dyan? Miss na miss na kita alam mo ba yun?"
Namasa kaagad ang mga mata nya ng maalala ang fiance nya. Hinanap ng mga mata nya ang pinaka maningning na bituin sa langit , napangiti sya ng makita iyon at may katabi pang isang maliit na bituin.
"Franz, dyan lang kayo ni baby ha! dyan lang kayo lagi pumwesto para makita ko kayo kaagad."
Pinatay nyang sigarilyo saka huminga ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili, pinahid nyang ilang butil ng luha na pumatak sa pisngi nya saka tinapiktapik ang dibdib ng mahirapang huminga.
"Pasensya na baby, kung hanggang ngayon hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nyu, pinapangako ko, hindi ako titigil hanggat hindi ko napagbayad ang gumawa nito sa inyo!"
Nagtatagis ang ngipin nya sa galit, nanginginig ang kamao nya sa sobrang emosyon na nararamdaman nya ngayon. Naputol ang pag iisip nya ng may marinig na ingay galing sa baba, sa may kalsada. Sumilip sya ng bahagya at nakita ang mahadira nyang kapitbahay. Agad syang napasimangot ng makita ang suot nito na kulang sa tela.
"Daphne, bukas ulit ah! agahan mo naman kasi, parati kana lang late! nakakainis kana."
"Oo na, ang kulet!"
Naiinis na sagot nya kay Ivy, ang kanyang bff, na kahit makulit at mainipin lab na lab nya.
"Hoy bruha! nakalimutan mo, oh!" sabay abot sa bag nya.
Bumalik naman sya at hinablot ang bag na inaabot ni Ivy sa kanya.
"Naku! sinabi ko na kasing konti lang ang inumin mo eh! laklakera ka talaga."
"Sssss, ingay mo, baka magising si sungit. Ma turn off na yun pag nakita akong ganito."
Saway pa nya, at sabay tingala sa bahay ng dream man nya. Nanlaki ang mga mata nya at napaawang ang labi ng makita ang kapitbahay na nakatingin sa kanila habang salubong ang makakapal nitong kilay.
"Sus, Sino naman? yung si Mr. sungit slash antipatiko mong kapitbahay?"
Agad nyang tinakpan ang bibig ni bff. at saka binulungan pa ito.
"Bff, nasa terrace sya at nakatingin satin."
"Ha!"
Agad sanang titingala ang kaibigan pero hinila na nya ito papasok ng gate at kinaladkad papasok ng bahay nya.
"A - arayko naman bff, dahan dahan lang naman at naka high heels ako oh!"
Reklamo pa nito pero hindi nya pinansin, basta dere deretso lang sya papasok ng bahay nya.
BINABASA MO ANG
DEAR HEART🗡Assassin Series2✔💯COMPLETED
Mystery / Thriller⚔ Pyre Tymal ⚔ Pumasok bilang isa sa mga assassin ng Hainsha Underground Secret Agent si Pyre. Hindi nya pinangarap ang makahawak ng kahit na anumang sandata na nakakamatay. Simpleng buhay lang ang pinapangarap nya, yun ay ang magkaroon ng mapagma...