Panay ang pagtatagis ng bagang ni Pyre habang nagmamaneho patungo sa lugar ng natitirang dalawang taong pagbabayarin nya sa pagkamay ni Franz at ng baby nila. Laking pasasalamat nya kay Keros dahil hindi talaga ito huminto sa paghahanap kahit na may pamilya na ito.
Napabaling ang tingin nya sa dashboard ng sasakyan ng mag ingay ang celpon nito. Kaagad nyang dinampot yun at sinagot ng makitang si Prick iyun.
"Hey Prick"
"Where are you?"
"Near, maybe 3 minutes more!"
"Ok! copy."
Pag si Prick ang kausap nya wala pang isang minuto tapos ng usapan nila.. Ito lang ang tanging makakasama nya ngayon, si Keros ang nagpadala kay Prick para may makasama daw sya. Hindi kasi ito pwede dahil buntis na si Hydra at ayaw nitong iwan na si Nana Maring lang ang kasama.
Isang sekretong lakad ito, walang kinalaman ang Hainsha Organization dito, tanging silang tatlo lang ang nakakaalam nito. Malayo pa sya sa kakahuyang tagpuan nila ni Prick nakikita na nya itong may ibinabaon sa lupa malapit sa pader ng bahay nila Montreal.
Pagkababa nya ng sasakyan, tinakbo na nyang kinaroroonan ni Prick.
"Bro, ready?"
Agad na tanong nya kay Prick na nagkakabit ng harness nito, kailangan nilang gumamit ng harness dahil napakataas ng pader. Mabilis na nyang naikabit ang para sa kanya.
"Yep! Let's go."
Nauna pa itong naglambitin pataas, parang pusa na pagapang at patalon ang ginawa at ng nasa tuktok na ito, kaagad itong naglaho sa kanyang paningin. Luminga linga muna sya sa paligid bago sumunod kay Prick. Pagkalapag ng mga paa nya sa loob ng bakuran ng apat na palapag na bahay marami ng naitumba na armadong lalake si Prick.
Lumihis sya ng daan paikot sa likuran samantalang nakikita naman nya si Prick na panay ang hagis ng powder bomb sa dinadaanan nito.
"Bro, I'll go first, I take 1st and 2nd floor ok!"
"Copy that!"
Kausap ni Pyre sa earpiece si Prick. Na abala pa rin sa ginagawa nito. Hinugot nyang dalawang katana na nakatali sa likod nya at tinalon ang limang lalaking armado na papadaan sana sa gawi nya.
Isa, dalawa, tatlong wasiwas ng katana bagsak ang limang lalake lahat sa leeg ang tama. Tinakbo nyang pinto sa kusina saktong bumukas iyon at lumabas ang mahigit limampong lalakeng puro armado ng di kalebreng baril, walang kakurap kurap na sumugod sya habang winawasiwas ang hawak na katana sa dalawang kamay nya. Bihasang umiikot lang ito sa kamay at pulsuhan nya, puro pasulong ang hakbang nya at sa bawat paggalaw ng mga paa at bewang nya sumasabay din ang dalawang kamay nya. Ni hindi man lang nagawa ng mga kalaban nya na humugot ng sandata dahil sa bilis nyang kumilos.
Tumalon sya sa ere at sa kanyang pagbagsak, sabay wasiwas ng dalawang katana nya, tumalsik kung saan lang banda ang mga ulo ng huling dalawa nyang kalaban. Humihingal na napaluhod sya sa semento.
"Bro, Montreal brothers hiding in 3rd floor at right side going to music room."
"Oh yeah, I'm in, now on my way to 3rd floor."
Hinugot ni Pyre ang panyo sa bulsa ng itim na pantalon saka pinunasan ang bibig na natalsikan ng dugo kanina. Hinihingal na narating nyang 3rd floor ng bahay at tinahak ang dereksyong sinabi ni Prick sa kanya. Napailing na lang sya ng pagpasok sa loob ng kwarto nakatali ng dalawang lalake, nakabusal ang mga bibig at nakapiring na rin ang mga mata...
" Your turn! Wait you outside, enjoy!"
Ng madaan si Prick sa tabi nya tinapik pa nito ang balikat nya saka bumulong ng...
BINABASA MO ANG
DEAR HEART🗡Assassin Series2✔💯COMPLETED
Mystery / Thriller⚔ Pyre Tymal ⚔ Pumasok bilang isa sa mga assassin ng Hainsha Underground Secret Agent si Pyre. Hindi nya pinangarap ang makahawak ng kahit na anumang sandata na nakakamatay. Simpleng buhay lang ang pinapangarap nya, yun ay ang magkaroon ng mapagma...