Lovers

53 10 0
                                    

Minsan sa pagiging positive thinker mo, nakakalimutan mo yung pwede mong maramdaman sa bandang huli. Yun bang kapag alam mong ginamit mo utak mo, hindi mo na gagamitin ang puso mo. Minsan naman dumedepende ka sa feelings mo na hindi man lang nag-iisip kung tama o mali ang gagawing desisyon. Hindi mo talaga maiiwasan na mamimili ka kung ano ang dapat mo pairalin - utak ba o puso? Nakakabaliw naman pagsabayin ang isip at damdamin. Kadalasan kasi kokontrahin ng isip mo yung nararamdaman mo. O kaya naman kokontrahin ng pakiramdam mo ang iniisip mo.

Hanggang sa maguguluhan ka na lang kung ano ba talaga ang gusto mo. Pag naman nakagawa ka na ng isang bagay mula sa nagtatalo mong isip at damdamin, minsan may pagsisisi. Minsan makakaramdam ka ng sakit at maiisip mo na sana mas ginamit mo ang sinasabi ng utak mo o di kaya ng puso mo para hindi ka nasasaktan ngayon.

Pag umabot ka sa sitwasyon na may pagsisisi, dun mo marerealize na may kulang sa proseso ng paggawa mo ng desisyon. Kailangan mo pa bang masaktan para matuto? Oo. Lahat ng experiences ng tao, maganda man o hindi, may life lesson na maiiwan sa atin. Sa pagkakadapa, nalalaman natin na kailangan mag-ingat habang tumatakbo. Hindi pwedeng takbo lang ng takbo tapos hindi ka naman tumitingin sa dinadaanan mo. Minsan kasi kahit alam mong mali, tinutuloy mo pa rin. Kaya ayan, pag may nangyaring hindi maganda nagdudusa ka sa lungkot at sakit.

Kaya dapat lang na gamitin pareho ang utak at puso sa paggawa ng desisyon sa buhay. Hindi pwedeng isa lang. Parang sa relasyon, hindi pwedeng isa lang ang nagmamahal. Kailangan dalawa kayong nagmamahalan para maging matatag ang samahan.

"Bff, bilisan mo naman kumilos, kanina pa naghihintay ang ka date mo, mahiya ka naman uy."

Kanina pa sigaw ng sigaw si Ivy kay Daphe na natataranta kung anong uunahing gawin.

"Eh Bff, tulungan mo kaya akong mag ayos hindi yang puro talak kana lang dyan, mas lalo akong natataranta sa bunganga mo eh!"

"Abah! at kailan pa ako naging P.A. mo ha? bruhang to inalila pa'ko."

"Dali na Bff! Baka mainip kakaantay ang dream boy ko, umalis na lang yun!"

"Kuuu! Bruha kang babae ka talaga! Dalian mo na kasing maghanap ng damit. Susme kanina pa yang outfit mong bikini open ah! Change costume na Bff, evening gown ng isuot mo nuh!"

Nakangusong iniangat ni Daphne ang dalawang dress sa harap ni Ivy, isang red & black color combination dress at purple with white lining naman yung isang dress. Tinuro agad ni Ivy ang red & black mini dress. na agad naman nyang sinuot. Pagkaharap nya kay Ivy napapalakpak pa ito.

"Perfect!"

"Maganda na ba'ko Bff? Bagay na ba kami ng dream boy ko?"

"Syempre naman Bff! Bagay na bagay kayoooohhh!"

Gumigiling pang naglakad palapit sa kanya si Ivy. Natatawang hinampas nya pa ito sa braso saka hinila palabas ng kwarto dere deretso palabas ng bahay nila. Nakita nyang nakaupo si Pyre sa hardin nila, may kausap ito sa phone kaya naghintay muna sila na matapos ito bago lapitan.

"Pogi! dito ng ka date muh oh! Anu naman masasabi mo? Akong nag ayos sa kanya kaya dapat may talent fee ako ha!"

Ng bumaling si Pyre ng tingin sa kanila, namilog ang mga mata nito, maya maya lumamlam saka napangiting naglakad palapit sa kanila at inabot ang isang kamay ni Daphne.

"You look wonderful tonight!"

Hinalikan pa nito ang kamay ni Daphne saka ipinatong sa braso nito. Masuyong hinila na nya si Daphne palabas ng gate, pero bago tuluyang makalabas ng gate nilingon nya si Ivy na ngiting ngiti na nakatingin sa kanilang dalawa. Kinindatan pa nya ito saka sinabing...

" Thank you so much Ivy, I'll send the payment for your service! Have a good night"

Napapatalon pa si Ivy sa tuwa ng marinig ang sinabi ni Pyre sa kanya. Natawa naman ang dalawa sa reaksyon ng kikay na Bff ni Daphne.

"Talaga Pogi? Wooowww! Asahan ko yan ha! Salamat , enjoy your night lovers❤."

"Salamat Bff, wag ka ng umuwi, dyan kana lang matulog! Pero wag kang magpapunta ng lalake sa pamamahay ko ha! makakatay talaga kita, kala mo ha!"

"Hmp! Opo Inang, babye na po sa inyo ni itang, goodnight!"

Nakasimangot na isinara ni Ivy ang gate. Natatawa naman ang dalawang lovers na tinungo ang sasakyan ni Pyre.

"Bfffffff!!!! Ang sama sama mo sakiiinnnn kainis ka talagggaaaa bruhaaaa!"

Malakas na pahabol pang sigaw ni Ivy kay Daphne na ikinatawa na lang ng dalawa,, lalo na ng magtahulan ang mga aso ng kapitbahay nila..

Ng makaupo na si Daphne sa loob ng sasakyan, umikot naman si Pyre papuntang driver side pero hindi muna sya sumakay, tumingala muna sya sa langit at hinanap ang paborito nyang star na makinang katabi nito ang isa pang maliit na star. Napangiti sya at kumaway pa dito.

"Franz, baby, wag na kayong mag alala sa'kin ha! dahil simula ngayon magiging masaya na rin ang buhay ko! Salamat sa pagmamahal at kaligayang dinulot mo sa'kin Franz. Mananatili kayo ng baby natin sa puso ko! Mahal na mahal ko kayo!"

'Ngayon haharapin ko na ang panibagong yugto ng buhay ko, kasama ang babaeng makakatuwang ko patungo sa landas na tatahakin ko.'

Kumaway sya ulit sa langit bago pumasok sa sasakyan at nagmaneho patungo sa isang restaurant kung saan naghihintay ang mag asawang Keros at Hydra. Sigurado syang masaya at memorable ang gabing ito sa mga buhay nila.

- Each relationship between two persons is absolutely unique. That is why you cannot love two people the same. It simply is not possible. You love each person differently because of who they are and the uniqueness that they draw out of you. -

💃MahikaNiAyana


DEAR HEART🗡Assassin Series2✔💯COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon