Boracay

60 10 0
                                    

'BORACAY'

"Where are you?"

Kanina pa tawag ng tawag si Griffin kay Pyre, naiirita na nga sya sa kakulitan nito. Wala naman sa plano nyang puntahan at tulungan ito sa problema daw nito sa Ex. Kaya lang narinig nyang pupunta din ng Boracay ang kapitbahay nya, kaya ayun sumugod din sya pa Boracay.

"Malapit na sa hotel."

"Oh God, thanks! I thought your not coming!"

"May bayad to ha! Di ito libre."

"Yeah, yeah.. Whatever! see you, bye."

Huminto sa paglalakad ang dalawang babae na sinusundan nya , kaya napahinto din sya at nagkunwaring may kinukuha sa knapsack nya. Ang totoo malayo pa sya sa hotel kung saan naka book si Griffin. Nalihis sya ng daan kakasunod sa kapitbahay nyang puro reklamo sa kasama nito na naiinis na rin.

"Bff, anu na? san ba talaga tayo pupunta? kapagod maglakad ha! gutom na rin ako!."

Naririnig nyang desperadong boses ni Daphne, sinilip nya ito mula sa pinagkukublihang halaman. Ikinainis nya ng makitang marami ng pantal ang legs nito at panay na rin ang kamot nito sa nagsusugat na balat. Kung bakit naman kasi ang hilig hilig nitong magsuot ng maiiksing damit. Takaw pansin tuloy sa mga lalake.

"Eh Bff, naligaw yata tayo."

"Naku naman! Nangangati nako eh! Tawagan mo na kasi yung boylet mo!"

Naiinis na panay hampas ni Daphne sa binti nya, minsan sa braso. Napatingin tuloy sa kanya si Ivy, namilog ang mga mata nito ng makitang dumudugo ng mga kinamot ni Daphne, palibhasa mahahaba kasing mga kuku nito.

"Bff, tigilan mo na nga yang pagkakamot mo! Tingnan mo dumudugo ng mga sugat mo."

"Nangangati kasi ako at nanlalagkit, kaya bilisan mo na please! di'ko na kaya talagaaaa Bff."

"Yan kasi, dika nakikinig sakin, sinabi ko na kasi sa'yong mag pants at long sleeve ka, kasi malayong byahe, saka maalikabok, sobrang sensitive pa naman ng balat mo. Hmp, tigas ng ulo mo may allergy ka pa naman."

Si Pyre na nakikinig lang sa usapan ng dalawa ay naaawa sa sitwasyon ng dalaga. Ilang minuto pang lumipas bago may humintong sasakyan sa harapan ng dalawa. May bumabang lalake at tiinulungan si Ivy na isakay sa sasakyan si Daphne. Kaagad nyang kinuhanan ng picture ang plate number ng kotse.

"Bff, ok ka lang ba? kaya mo pa ba? Sorry ha! Sana hindi na lang kita isinama.!"

Nag aalalang sabi ni Ivy, habang binubuhat ang bag ni Daphne.

"Ok lang ako Bff, para bang matitiis kong hayaan kang mag isa na pumunta dito. Hay, salamat dumating din yang jowa mo, pero antagal ha!"

"At least, dumating diba!"

"Oo na! tara na bff gutom na'ko."

"Let's go girls, hop in!"

Nakamasid lang si Pyre habang papalayo ng sasakyan ng mga ito.

'Hay, para naman akong tangang sunod ng sunod sa mga mahaderang yun. Makapunta na nga kay Griffin, at baka lunod ng isang yun sa alak tsk.'

Nakasimangot na si Griffin pagdating nya sa hotel kung saan ito naka book.

"What took you so long?"

"Naligaw ako eh! sensya na! Hays gutom na'ko."

Pagkalapag nya pa lang sa bag na dala hinila na agad sya ng kaibigan palabas ng silid, sa isang restobar sila bumagsak.

"Hmm mukhang masarap dito ah! Bro, eat all you can ba'to?'

"Yeah!"

"Yes!" Napasuntok pa sya sa hangin.

DEAR HEART🗡Assassin Series2✔💯COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon