My dream boy

51 10 0
                                    

Palagi nyong tatandaan na ang "You complete me" ay isang figure of speech lang. Hindi mo kayang kumpletuhin ang kabuuan ng isang tao. Mas okay pang sabihin na "You make me feel complete" para hindi korny."

Nakikinig lang sila Daphne at Pyre kay Ivy na parang love teacher na pinapangaralan sila at tinuturuan. Habang nilalantakan ang ice cream na si Pyre pang bumili at ngayon pinagsasaluhan nila sa hardin nila Daphne.

"Sa isang relasyon, iwasan mong makipagtalo. Pakikipagtalo ang tawag dyan dahil sa huli, ikaw pa rin ang lalabas na talo. Mas okay pang makipag-away. Atleast nai-justify niyo pareho ang side niyo."

Nagkatinginan naman sila Pyre at Daphne, nagtama ang mga mata pero sabay ring nag iwas ng tingin. Lihim na napangiti na lang si Ivy na nakikiramdam lang sa dalawa.

"Sa isang relasyon, palaging may nagmamahal at may mas nagmamahal. Never yang naging pantay dahil kayo mismong dalawa ang nagpupuno ng kakulangan ng isa't-isa. In the end, ganun pa rin ang result kapag inaverage yan."

"Bff, teka lang, bakit dami mong alam sa bagay na yan ha?"

Tanong ni Daphne na nagtataka kung bakit ganito ngayon ang kaibigan nya. Nandidilat naman ang mga mata ni Ivy ng tumingin sa kanya.

"Basta makinig kana lang, kasi, sating dalawa mas marami akong naging karanasan kesa sa'yo."

"Please proceed!"

Nagulat sila ng biglang magsalita si Pyre, kasi mula umpisa nakikinig lang ito at patingin tingin sa kanilang dalawa. Parang ito ang taong bihira mo lang maririnig ang boses, na napakamahal ng ngiti nito kaya dapat sulitin mo na kapag nakita mong masaya ito.

"Ahm! Ok!, Di lahat ng kasalanan "sorry" ang katapat. Paminsan-minsan kailangan din ng sapak. Hindi solusyon ang break-up kapag napagod. Pahinga lang ang katapat niyan with matching hagod."

"Hahaha! Parang ikaw lang, ganyang ganyan ka eh! diba, bff?

Panunukso ni Daphne kay Ivy, na ikinangiti naman ni Pyre. Natutuwa sya sa dalawang ito na parang aso't pusa kung magbangayan.

"Heh! Mas malala kapa nga sakin eh! Tsura nito hmp!"

Tumahimik bigla ang paligid, nagpapakiramdaman ang tatlo. Sa huli si Ivy na naman ang bumasag sa katahimikan ng paligid.

"Love hurts? Hindi ah. Ang ma-reject, Ang mapaglaruan, magamit at maiwanan sa ere, yun ang masakit. Hindi yung love. Kaya please lang, irespeto mo ang konsepto ng pag-ibig."

"Korek ka dyan Bff!"

"Ang pag-ibig ay hindi emosyon lamang. Isa yang pagpili. Dahil kung sa emosyon mo lang ito ibabase, kapag dumating sa puntong nalungkot at napagod ka, mawawala lang ito tulad ng emosyon nating pabago-bago."

"Korek ka dyan ulit Bff! Bilib na'ko say - akkk."

Napahawak bigla si Daphne sa bibig habang naluluha ang mga matang nagtatakbo sa halamanan at dun nagsususuka. Natataranta naman ang dalawa na sumunod sa kanya.

"Ayan kasi ilang beses na kitang sinabihan na wag magsasalita habang kumakain ka! Napaka clumsy mo pa naman.!

"O - ok lannn.. aaakk.. gwarkkk.. ngg aaakooo hahh."

Hinagod hagod ni Ivy ang likod ni Daphne, ng masulyapan si Pyre na nakatayo lang sa isang tabi senenyasan nya itong lumapit.

"Take charge muna pogi! kuha lang ako tubig ha!"

Tumango naman si Pyre at nag aalangang ipinatong ang kamay sa likod ni Daphne.

'Fuck! Do I need to do this?'

"O - ok na'ko sa - salamat ha!"

Tumuwid ng tayo si Daphne na napapahingal pa ng konti. Inalalayan ito ni Pyre pabalik sa inuupuan nito kanina at inabutan ng tissue.

"Are you ok now?"

Tanong pa nito bago bumalik na rin sa kinauupuan nya kanina. Nakatingin lang sya kay Daphne na panay ang singa at paminsan minsan napapaubo pa rin ito. Namumula ang mga mata nito at panay din ang pisil sa ilong nito.

"Ok na'ko! Ahm! Thank you ha!"

Tipid lang na ngumiti si Pyre sa dalaga. Na medyo namumula ng mukha dahil sa hiya. Nangingiti na lang si Pyre habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Ahm nakakahiya ako haha."

"Talagang kahit kelan nakakahiya ka Bff, hay ewan ko ba naman sayu! O, inumin mo na'to."

Si Ivy, na kaagad inabutan ng tubig si Daphne. Ganun lang parang walang nangyari balik na naman sila sa pag aasaran. Feeling close lang, masaya na silang nagchi chikahang tatlo ng may marinig silang boses babae na tinatawag ang pangalan ni Pyre sa kabilang bahay.

"Hey, Pyre, it's me Hydra."

Maliban sa pag do doorbell nito nagsisigaw din ito sa labas ng gate ni Pyre. Nagkatinginan ang tatlo, nagtatanong naman ang mga mata ng dalawang babae kay Pyre na nginitian nya lang bago tumayo at nag paalam sa dalawa.

"I have to go, thanks for everything! Bye."

Namulsa ito sa suot na pantalon saka tumalikod at nag umpisang maglakad palabas ng gate nila Daphne, ng makalabas na ito dali dali namang sumilip ang dalawa sa siwang ng gate para maki usyuso kung sino ang bwisita ni Pyre.

"Naman! Kagandang babae naman nyan Bff. Ay oh! may pahalik pa kay pogi haha!"

"Oo nga Bff, Dyosa sa ganda, hanep!"

Napapahangang sambit ni Daphne, swerte naman nung girl.

"Bagay sila!"

Nasambit bigla ni Daphne na ikinabaling naman ni Ivy sa kanya.

"Uyyy nagseselos haha!"

"Anuka! hindi ah!"

Namumula ang pisngi na sagot ni Daphne.

"Wag kang mabahala Bff, kasi hindi naman sila bagay eh! Kayong dalawa ni Pogi ang bagay.. pero parang mas bagay kaming dalawa hahahaha."

"Sira! tumigil kana nga dyan! Para kang timang.. tara na nga sa loob."

Napapangiti pa si Daphne habang hila hila ang kaibigan papasok sa bahay nya. Somehow naisip nya, na sana nga sya na lang..

'Sana ako na lang ang mahalin mo Pyre! my dream boy❤.'

💃MahikaNiAyana

DEAR HEART🗡Assassin Series2✔💯COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon